Seventh Shot

385K 13.2K 5.7K
                                    

Dedicated to auroraalexus

Maraming salamat sa magandang cover ng SWSCA <3


~*~


                 

Seventh Shot

JILLIAN.

Saktong 8am, nasa lobby na kaming lahat at ready to go para sa tour namin. May lumapit naman na isang Japanese na babae sa amin na tingin ko is mga around 23 to 25 years old ang edad. Maliit, balingkinitan ang katawan, above the shoulder length ang buhok at masayang naka-ngiti sa amin.

            She introduced herself as Chiharu. Substitue raw siya ni Ayako since may emergency si Ayako kaya si Chiharu na ang makakasama namin buong tour.

            Pero katulad ni Ayako, masiyahin at puno rin ng energy si Chiharu. Actually pansin ko karamihan ng mga Japanese puro masisiyahin at palangiti. Kanina nga sa elevator may nakasabay akong girl tapos lahat ng papasok sa elevator binabati niya ng "ohayo" or "good morning."

            Pinaliwanag ni Chiharu ang itinerary namin today. At since lilipat na kami ng hotel sa Shinjuku tonight, dala-dala na rin namin ang mga bagahe namin.

            Ngayon ko lang na realized na ang bigat ng maletang dala ko. Paano kasi si Tita Sally ang daming ipinadala sa akin na sweatshirts, scarves at coats. Takot na takot na ginawin ako.

            Pero pareho naming nakalimutan ang gloves.

            Napatingin ako sa gloves na suot ko. Color itim siya at may design na ribbon na pula sa may pinaka wrist, Natatanggal din yung tela sa may index finger at thumb para pag gagamitin ang phone, hindi ako mahirapan.

            Nakita ko si Psyche na nakasunod kay Cupid. Dala niya ang backpack ni Cupid habang buhat-buhat naman pareho ni cupid ang mga maleta nila.

            Nilapitan ko si Psyche.

            "Uy Psyche!"

            "Oh hi Jillian!" nakangiti niyang sabi. "Sabi ni Chiharu may kasabay raw tayo sa tour na apat na babae. Magbabarkada ata. Pero mga Pinoy naman daw."

            "Oh.. I see! Edi maganda! Nga pala, pinahiram sa akin ni West yung gloves mo. Sorry ah?"

            "Eh?"

            Pinakita ko yung gloves na suot ko. Nagtataka naman na tumingin sa akin si Psyche.

            "Sabi ni West akin 'yan?"

            Tumango ako, "uhmm.. hindi ba sa'yo?"

            Bigla siyang napangiti ng malawak. Tatanungin ko sana kung bakit kaso biglang may kumuha sa maleta ko.

            "Uy teka--!"

            "Ako na," sabi ni West at tuloy-tuloy siyang naglakad palapit sa bus habang hatak-hatak ang maleta ko at hindi man lang humaharap sa akin.

            Nagtataka kong tinignan si Psyche na ngiting-ngiti naman sa akin.

            "Gentleman si West. Shy lang," sabi nito. "Bagay sa'yo yung gloves. Alam na alam ni West kung ano ang magugustuhan mo."

            Bago pa ako makasagot, naglakad na rin papasok ng bus si Psyche.

            O—kay?

The Living Arrow (SWSCA #2)Where stories live. Discover now