Twenty Sixth Shot

259K 9.9K 3.8K
                                    


Twenty Sixth Shot

JILLIAN.


This isn't happening.

Alam niyo yung pakiramdam ng sobrang ganda ng panaginip niyo tapos pakiramdam niyo totoong totoo na? Then all of a sudden, biglang tutunog ang alarm clock mo at gigisingin ka sa katotohanang panaginip lang ang lahat.

Pakiramdam ko ganun ang nangyari sa akin.

Yung dalawang linggo na inilagi ko sa Japan, feeling ko isang magandang panaginip lang lahat. At ngayon, nagising na ako sa katotohanan.

Hindi ako makauwi sa bahay namin. Nag check in lang ako sa isang mumurahing hotel at dito ako nagiiyak. Sabi ko kay daddy makiki-overnight ako sa kaibigan ko but the truth is, I don't want them to worry. Ayokong magtanong sila na kung ano ang problema ko kasi sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang bagay na 'yan.

Daddy lumandi ako sa Japan. Halos ibigay ko pa ang puri ko sa hinayupak na yun. Then malalaman ko na joke time lang pala yun. Niloko lang pala ako. Hindi pala seryoso sa akin.

Kasi lecheng 'yan, sino ba naman gaga ang maniniwala na sa loob ng dalawang linggo, pwedeng mainlove ang isang tao?

Napahagulgol ako bigla ng iyak.

Takte. Ako.

Ako yung gagang nainlove sa loob ng dalawang linggo.

Ang sarap mag bigti.

Alam kong may pagka tanga ako. Pero hindi ko naman inaasahan na malala na pala ang pagiging tanga ko. Hindi ako makapaniwala na naloko ako ng ganun.

Ang hirap paniwalaan.

Yung mga gestures ni West sa akin sa Japan. Yung mga tingin niya. Yung expressions niya. Kahit yung pamumula ng tenga niya.

Nung nagalit ako sa kanya, kita ko ang pagaalala niya na para bang gustong gusto niya na magkaayos kami. Nung gabing nalasing ako at hindi siya bumigay na may mangyari sa amin.

Yung pagtalon ng puso ko dahil damang dama ko ang sincerity niya nung sabihin niyang mahal niya ako.

Shit.

Totoo ba talaga na peke lang lahat nang yun? Bakit damang dama ko? Tanga ba talaga ako?

Napatakip ako ng unan sa mukha ko.

Pakiramdam ko unti-unting pinupunit sa gitna ang puso ko. Ang sakit sakit naman, eh. Sobrang sakit.

Dalawang linggo.

Paano ko nagawang mahalin ng ganitong kalalim ang isang lalaki sa loob ng dalawang linggo?

Bakit halos mamatay ako ngayon sa thought na hindi naman talaga niya ako mahal?

Naalala ko yung expression ni West kanina. Ang cold ng tingin niya sa akin. Yung way ng pananalita niya parang wala siyang paki sa nararamdaman ko.

Bigla kong naalala yung mga panahon na nagtatrabaho ako sa kanya.

Yung madalas niya akong sinisigawan, pinapagalitan. Yung halos iparamdam niya sa akin na wala na akong ginawang tama.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon