Thirty Third Shot

242K 9.1K 1.9K
                                    

Thirty-Third Shot

WEST.

"Jillian..."

Nakita ko ang pag pikit nang kanyang mga mata. Ang unti-unti niyang pagbagsak.

Agad ko siyang hinila palapit sa akin and I hugged her tight.

Napatingin ako sa mukha niya.

Namumutla ang mga labi. She's unconscious.

And it is my fault.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Naninikip ang dibdib ko.

Bakit ang sakit?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

I know I hate her but why?

Bakit hindi ko siya mapabayaan? Bakit nahihirapan ako kapag nakikita kong nahihirapan siya?

At kada gugustuhin ko nang tumigil, kada maiisipan ko nang umayaw, parang biglang may bumubulong sa isip ko na pahirapan ko pa siya. Saktan ko pa siya.

Nababaliw na ba 'ko?

Anong meron sa babaeng 'to at nagkakaganito ako sa kanya?

Binuhat ko si Jillian at agad akong pumunta sa parking lot. Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar papuntang ospital.

Nang makarating ako doon, nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako mapakali.

Sabi ng doctor, over fatigue lang daw at kulang sa tulog at kain. Pahinga lang ang kailangan ni Jillian at wala akong dapat ipag-alala.

Pero bakit hindi pa rin ako mapakali?

Bakit ganito?

Napasandal ako sa pader ng waiting area. Sabi ng doctor pwede ko nang puntahan sa loob ng room si Jillian. Pero natatakot ako, eh.

Hindi dahil sa baka sumbatan niya ako na kaya siya nagkaganyan ay dahil sa akin.

Yung kinatatakot ko ay baka sabihin na niyang hindi niya na kaya. Na aalis na siya sa buhay ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"West."

Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Kuya Zyron na naglalakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"She...collapsed."

Tumango si Zyron. Napapikit ako.

"Bakit ganito, kuya? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya. Galit na galit ako sa kanya pero nasasaktan ako kapag nahihirapan siya. Hindi ko siya mapabayaan. Bakit ganito?"

Tinignan ako ni kuya. Parang sinusuri niya ako.

"Kuya? Am I... am I falling in love with her?"

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Agad siyang napaiwas ng tingin sa akin.

"You're in love with Sasha," sabi niya.

The Living Arrow (SWSCA #2)Where stories live. Discover now