Thirteenth Shot

326K 12.3K 6.9K
                                    



Thirteenth Shot

JILLIAN


"Kasal na si Edgar?!" gulat na gulat na tanong ko kay West.

Nandito na kami ngayon sa Kyoto at kasalukuyan naming nililibot ang Heian Shrine. Sa lahat ata ng mga temples na napuntahan namin, isa ito sa pinaka paborito ko kasi sobrang relaxing ng ambiance.

 Sa lahat ata ng mga temples na napuntahan namin, isa ito sa pinaka paborito ko kasi sobrang relaxing ng ambiance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Yep! Last February 14 to be exact. I was there."

Inilabas ni West ang phone niya at pinakita niya ang picture nila ni Edgar at ng malas na asawa nito.

"Holy shit," sabi ko. "Si Diana Martin ba 'yan?! Yung model and beauty queen?!"

Tumango si West, "yep! That's her!"

"Paano? Paano nabingwit 'yan ni Edgar?!"

Napatawa si West.

"Ikaw ah, grabe ka kay Edgar!"

"Eh kasi, yung Edgar na yun! Naku, alam mo naman 'di ba kung ano ugali niya? Na lahat sa office inis sa kanya non paano ba naman hindi marunong makisama at bawat mga salitang sasabihin niya eh nakakainis. Ilang beses ko na kayang binalak na i-stapler ang bibig nun! Then si Diana Martin ang napangasawa niya? Anong swerte ang tumama sa unggoy na 'yon?"

Napatawa ulit si West, "grabe naman ang hinanakit mo kay Edgar! Baka naman type mo siya?"

Tinignan ko ng masama si West.

"Uminom ka nga ng kape para nerbyusin ka naman sa sinasabi mo. Pero, seriously, bulag ba si Diana?"

Ipinatong ni West ang kamay niya sa ulo ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. He's smiling at me.

"He really loves her you know? Alam mo kahit ganun yun si Edgar sa trabaho, pag nakita mo siya kung gaano niya ka-mahal si Diana, ay naku, hahanga ka doon sa taong yun. Sobrang alagang-alaga niya yun. Masasabi mong si Diana pa ang swerte sa kanya."

Tinignan ko si West, "parang ang hirap pa rin paniwalaan."

"Well, that's love. Sabi nila true love na yun if you became a better version of yourself because of the person you love."

Napangiti ako sa sinabi ni West.

"Hindi ko alam na may pagka deep ka pala, sir."

Mas lumawak ang ngiti ni West then he leaned forward at binulungan ako.

"Sa'yo lang. Nagpapakitang gilas kasi ako."

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon