Twenty Second Shot

319K 10.1K 2.2K
                                    


Twenty- Second Shot

WEST.


"Ang daya daya!" nakasimangot na sabi ni Jillian sabay subo ng tinidor na may cake sa harapan niya. "Bakit ba ayaw mo akong payagang uminom? Ako bumili ng alak tapos apple juice lang ang ipapainom mo sa akin?!"

Napatawa ako nang mahina at naglagay pa ako ng apple juice sa harapan niya.

"Cheers?"

"Ayoko!"

"Eh dali na."

Hinawakan ko ang kamay ni Jillian na may hawak na baso at pilit na nakipag cheers sa kanya. She's still sulking. Napailing na lang ako habang ngingiti ngiti.

Paano kasi kanina biglang pumunta dito sa kwarto ko. May dalang isang box ng cake at apat na lata ng beer. Mag ce-celebrate daw kami dahil kami na.

Nang makita ko yung beer, parang kinabahan ako na ewan. Nakita ko na kung paano siya malasing not just once but twice. At doon sa dalawang pagkakataon na yun, pareho niyang sinubukan akong i-seduce.

Kung mangyayari pa ngayon ulit yun, I doubt na makakapagpigil pa ako lalo na't...kami na.

She's my girlfriend already.

I asked her a million times if she's sure about it. Kung hindi ba siya nagpapadalos dalos lang. Kung talaga bang ramdam na niya na mahal niya ako.

Ilang beses na rin siyang napikon sa akin dahil sa paulit ulit kong tanong.

But I have to make sure na totoo talaga itong nangyayari ngayon. Na hindi na lang panaginip ito.

I remember before, ramdam kong mahal ako ni Jillian pero never naging kami sa kadahilanang akala niya hindi siya ang para sa akin.

Dati hindi ko malaman kung anong ipagdadasal ko, mahalin sana ako ni Jillian o makalimutan ko na siya?

Pero napagtanto ko na kahit gaano akong masaktan dahil sa pagmamahal ko sa babaeng 'to, mas hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko.

At ngayon, she's here. She's in love with me. She is now my girlfriend.

I saved her from death.

Malaya na akong mahalin siya at makasama siya.

We are finally together.

"Isang can lang!" pag ta-tantrum niya. "Ako naman ang bumili niyan eh. Kaya nga binili ko para mag iinuman tayong dalawa tapos apple juice ang ipapainom mo? Unfair talaga! Unfair ka!"

"No," mariin kong sabi. "Mamaya mag hubad ka na naman sa harapan ko."

Ngumisi siya.

"Gusto mo naman!"

Nginitian ko lang siya.

Damn, she's right. I badly want her now. Pero gusto ko munang ipakilala niya ako sa family niya and then...

And then what, West?

Napaiwas ako ng tingin at baka mahalata ni Jillian kung anu-ano na ang naglalaro sa isip ko ngayon.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon