One

3.2K 91 4
                                    

One

 Tunog ng isang aparato ang maririnig mo kong sakaling makapasok sa isang silid kong saan may isang dalaga na nakapikit ang mga mata, nakahiga siya sa kama habang may kabit na dextrose sa pulso, may oxygen sa kanyang bibig, may gasa ang magkabila niyang binti, may mga pasa at pagaling na sugat sa mga braso, katawan at mukha, may benda rin ang ulo niya.

 May dalawang dalaga ang nagbabantay sa dalagang 'yon na tahimik siyang pinagmamasdan, para lang itong natutulog, "sa tingin mo magigising na siya ngayon?" Tanong ng isa habang inaayo ang kumot ng dalaga.

 Payat itong pangangatawan at maigsing buhok, suot pa nito ang id niya sa trabaho bilang journalist sa isang Newspaper Company, may mataray itong mukha pero hindi naman nagtutugma ang maamo nitong boses sa mukha ng dalaga na nagngangalang Cena.

 Nakaupo naman ito sa tabi ng nakapikit na dalaga sa kama, "magigising din siya wag kang mag-alala," wika nito sa kaibigan.

 Meron naman itong mahabang buhok na abot hanggang siko pero palagi itong nakatali, may kababaan naman ito ng hindi tulad ng isang dalaga at bahagyang may katabaan, katulad ng kaibigan isa rin itong nagtrabaho sa Newspaper Company na isa namang photographer na nagngangalang Donalyn.

 Pareho na lamang silang napabuntong hininga sa tuwing naalala ang nangyari sa kaibigan noong nakaraang buwan, lumayo si Cena kay kaibigan nang maayos ang kumot, lumapit naman ito sa bintana para isara na ang kurtinang nakabukas pa.

 Ang dalaga naman na nakahiga sa kama ay nakapikit ay biglang kumurap ng tatlong beses at isang pitik sa daliri sa kanang kamay, dahil kanina pa nakatingin si Donalyn sa dalaga ay bigla itong nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

 Dahan-dahan siyang lumapit para pagmasdan ang dalaga ng maayos, "Mhea?" Tawag niya sa dalagang nakapikit pa rin.

 Nagulat man ay agad naman na lumapit si Cena kay Dona, "anong ginagawa mo?" May halong pagtataka sa mukha ni Cena dahil sa ginawa ni Dona.

 Lumingon si Dona kay Cena at muling binalik ang tingin kay Mhea, "nakita ko siyang gumalaw," wika nito na hindi pa rin makapaniwala.

 Napatingala na lamang si Cena at tinignan si Dona, "isang buwan mo nang sinasabi yan Dona pero tignan mo hindi pa rin siya nagiging o idilat man lang mga mata, nanaginip ka na naman ng gising."

 Umiling-iling si Dona, "hindi nakita ko talaga siya hindi na ako nag-day dream, totoo 'to, nakita ko siya, kumurap ang mata niya na para bang gustong dumilat, nakita ko ring pumitik ang daliri niya Cena, gumalaw siya."

 "Hayyy Dona tama na yan," saway ni Cena.


 Napatayo si Dona at lumapit sa kaibigan, "hindi ka ba naniniwala sa akin, ayaw mo bang magising ang kaibigan natin?"

 "Hindi naman sa ga'nun pero..."

 Lingid sa kaalaman nila habang nagtatalo, nagkakamalay na ang kaibigan nila habang nakapikit pa rin ang mga mata, pilit nitong dinidilat ang mga mata pero nahihirapan itong gawin ang bagay na 'yon, na igagalaw din niya ang mga kamay pero hindi ito napapansin ng mga kaibigan na nagtatalo pa rin, naririnig din niya ang boses ng dalawang dalaga na nagtatalo tungkol sa kanya.

 Gumawa siya ng mumunting ingay galing sa kanya ngunit ungol lamang ang nagagawa niya, dahan-dahan na niyang na iidilat ang mga mata hanggang sa unti-unti na niyang nasisilayan ang paligid ngunit malabo pa sa kanya hanggang sa maka-adjust ang mga mata niya na matagal nang nakapikit, nakita niya ang dalawang pamilyar sa kanyang mukha.

 Maraming katanungan ang sumagi sa kanyang isipan, wala siyang kaide-ideya kong anong ginagawa niya roon? Anong nangyari sa kanya? At bakit nagtatalo ang dalawa sa harapan niya? Litong-lito siya.

 "...tignan mo nga hindi pa siya gising---" Natigilan si Cena nang makitang nakatitig sa kanila ang kaibigan sa oras na sulyapan niya ito, kitang-kita niya ang inosente nitong mga mata na nakatitig sa kanilang dalawa.

 Nagtaka man si Dona sa biglang paghinto ni Cena, sumulyap na rin siya kong saan ito nakatingin, kahit siya gulat na gulat at agad na lumapit sa kaibigan na ngayo'y may malay na.

 "Mhea ayos ka lang, may masakit ba sayo? Magsalita ka, naalala mo pa ba kami?" Sunod-sunod na tanong ni Dona kay Mhea.

 Agad naman na lumabas si Cena sa silid para magtawag ng doktor o nurse para tignan ang kalagayan ng kaibigan nilang nagising pagkatapos ng isang buwan.

 Hindi naman nagtagal at agad na dumating ang doktor at nurse na tumitingin sa dalaga, nang matapos tignan ang kagigising lang na si Mhea agad itong may sinulat sa papel nitong hawak, "may masakit ka bang nararamdaman?" Tanong ng matandang doktor kay Mhea.

 "Wala naman po," mahinang sagot ni Mhea tama lang para marinig ng doktor.

 Tumango-tango naman ang doktor, "naalala mo pa ba akong anong pangalan mo iha?"

 Nagtaka naman si Mhea sa tanong sa kanya, "oo naman po, ako po si Mhea Zaragosa baka po gusto pa ninyo malaman kong saan ako nakatira."

 Napailing na lamang ang dalawa nitong kaibigan dahil sa kabila ng aksidenteng hindi pa rin pala nagbago ang kaibigan nila.

 Napangiti naman ang doktor at hindi makapaniwala sa sinagot ng dalaga na pabalang, "pasalamat ka at hindi ka nagkaroon ng amnesia, isa nang milagro na nagising at mabuhay ka sa isang matinding aksidente, hindi ibig sabihin na nagising ka na eh makakalabas ka na, may ilang test pa kailangan gawin para makita kong ayos ka na at kailangan pang gumaling ang bali mo sa binti, sige maiwan ko na kayo, magpahinga ka muna."

 Nang matapos magpaliwanag ang doktor ay agad naman itong nagpaalam sa tatlo.

 Lumapit naman ang dalawang kaibigan ni Mhea sa kanya para tabihan siya, pinagmamasdan naman niya ang mga binti na may mga benda nga na hindi niya pa ga'anong na igagalaw.

 "Anong bang nangyari sa akin?" Tanong niya sa dalawa, "bakit ako narito? May masama bang nangyari sa akin o aksidente?"

 Nagkatinginan sila Cena at Dona bago tumingin muli kay Mhea, "wala ka bang naalala Mhea tungkol sa aksidente?" Tanong naman ni Dona na sobrang nag-aalala sa kaibigan.

 Naningkit ang mga mata ni Mhea, "magtatanong ba ako sa inyo ako kong may alam ako, saka anong aksidente, ano ba talagang nangyari sa akin, nakakayamot dito kahit na isang araw lang ako rito, gusto ko nang umuwi."

 Lalong nagtaka si Cena at Dona na para bang walang naalala si Mhea sa nangyari, hindi man ito nagka-amnesia para bang nabura sa alaala nito ang tungkol sa aksidente.

 Si Cena naman ang nagsalita, "ano ang naalala mo Mhea?"

 Napaisip si Mhea dahil sa ginawa niya para bang nagkaroon ng kirot sa kanyang ulo pero hindi niya pinahalata sa mga kaibigan na baka mag-alala ito sa kanya, napakuyom na lamang siya sa kanyang kamao, "ang alam ko kailangan kong pumunta sa isang lugar kong saan may nakawang nangyari, kailangan kong i-cover 'yon tapos..." Hindi na niya maalala kong anong gusto niyang sabihin, pinipilit niya pero lalong sumasakit ang ulo niya, ang lakas din ng tibok ng puso niya.

 Nagulat siya at hindi makapaniwala sa mga sumunod na sinabi sa kanya ni Cena, naiwang nakatulala siya sa mga mukha ng kaibigan.

  Pinapakinggan lang niya ang boses ni Cena. "Mhea na aksidente ka, pero hindi kahapon nangyari ang naalala mo, Mhea noong isang buwan pa nangyari ang bagay na 'yon, Mhea isang buwan ka nang natutulog, ngayon ka lang uli nagising."

-----------

Say HI to the real owner of Mhea Zaragosa, like Rhapsody na gumamit ako ng real person at name nila ngayon uli gagawin ko 'yon sa kwentong 'to. Sa ngayon ito na muna, medyo inaantok na ako, ang tanong anong klaseng aksidente ba at ang tagal ata nagising ni Mhea? Naghihintay ba siya ng prince charming o nakalimutan na ring gumising ngayon lang niya naalala? Huhubels naman!

MarionetteWhere stories live. Discover now