Finale

2K 102 13
                                    

Finale

 Nagising si Mhea sa malalakas na katok sa kanyang apartment, nakita niya ang sariling nakahiga sa lapag sa loob mismo ng kanyang silid, naalala niyang kaya siya nakatulog dahil sa sobrang takot, nagmadali siyang tumayo at lumabas, palinga-linga sa paligid na animoy parang wala sa sarili.

 Pagewang-gewang siyang lumapit sa pintuan, nakakaramdam ng kilabot sa buong katawan, pakiramdam niya may mga matang nakatingin sa kanya. Pagbukas niya ng pintuan, nakita niya ang isang pulis at nasa likod nito ang binatang na kilala rin niya sa PBPD, si Austin.

 Madaling araw na, pero na andito sila, una niyang na isip na tungkol 'to sa kaso ng kaibigan niya. May ilan pang pulis na nasa likod ng mga ito, hindi niya mabilang, lahat seryosong nakatingin sa kanya.

 "Anong kailangan ninyo sa akin?" Nag-aalalang tanong niya sa mga ito.

 "Hindi ka po namin gustong istorbuhin pero kailangan po namin kayong makausap sa presinto," sabi ng pulis na nasa harapan niya.

 "Para saan yan?" Sabay lunok niya, natutuyuan na siya ng tubig sa lalamunan.

 May pinakita itong papel sa kanya, nabasa niya ang pamagat nito na isang warrant of arrest, napakunot noo siya, muli niyang narinig ang paliwanag ng pulis.

 "Kailangan mong sumama sa amin para matanong tungkol sa apat mong nabiktima---"

 "Teka lang, hindi ko kayo maintindihan," litong-lito siya sa mga pinagsasabi nito pero hindi nagpatinag sa kanya ang mga pulis.

 "Ikaw ang pasimuno ng Marionette, Ms. Zaragosa, kaya sumama na lang po kayo sa amin para po walang gulo." Mahinahon na paliwanag ng pulis.

 "Hindi ninyo pwedeng gawin sa akin 'to, wala kayong ebidensya na ako nga ang pumatay, hindi ako ang Marionette, kalilibing ng kaibigan ko, hindi ninyo pwedeng gawin sa akin 'to," umiiyak na siya habang dinedepensahan ang sarili, gusto niyang makalayo sa mga pulis ngunit, nahaharangan siya ng mga ito.

 Biglang gumilid ang pulis na nasa harapan niya, at lumapit naman si Austin sa kanya, bigla nitong hinarap sa kanya ang maliit na piraso ng papel, ginupit na parte ng isang dyaryo, nakadikit ang dalawang papel na animoy pinagkasya sa pinakamalaki pa.

 Nakasulat doon ang pamagat na Marionette Case at Marionette Attack Again. Ito 'yong artikulong binigay niya sa Global Newspaper, hindi niya maintindihan kong bakit kailangan pang ipakita sa kanya ang mga ito.

 "Sa una ko pa lang na nabasa ang artikolo mo, may mali na rito, malinaw at klarado ang pagkakasulat na akala mo na andoon ka nang mangyari 'to, sabihin nating napanood mo sa telebisyon o sa isang programa ng balita ang tungkol sa nangyari, pero hindi, hindi kami nagpaunlak ng kahit na kaninong reporter kong di sayo lang, dahil malakas ang pakiramdam ko na ikaw ang may pasimuno nito." Paliwanag ni Austin kaya siya'y natigilan.

 "Marami kaming nalaman sayo, kaya nabuo ang kongklusyon namin, hindi kami naglabas ng report tungkol sa autopsy sa mga bangkay, galing ka sa isang aksidente, isa kang magaling na reporter at journalist, pero nagbago ang lahat dahil sa aksidente, sinabi ng mga doktor na may problema na sayo bago ka pa lumabas, hindi ka nakakausap ng matino, bumabalik ang katinuan mo minsan, pero pag-hindi maaring hindi mo makontrol ang sarili mo at pumatay, isa na roon ang pag-iisip mo ng bagay na pumatay para magkaroon ka ng scoop at mabawi mo ang lahat na pinaghirapan mo noon."

 Tumigil si Austin huminga ito ng malalim bago ito muling nagpatuloy, "tama ba ako Ms. Zaragosa, na kahit ang kaibigan mo ay kinayang mong patayin?"

 "Hindi," iiling-iling si Mhea habang litong-lito pa rin, "hindi 'to maari."

 "Kong hindi pa sapat, bibigyan pa kita ng isa pang dahilan, isang pagkakataon na kinuhaan ka namin ng fingerprint kasama ang kaibigan mong si Dona, nag-match ang fingerprint mo sa lahat ng mga naging biktima sa nakuha rin naming fingerprint sa katawan nila, nakuha rin namin ang record ng pag-uusap ninyo ni Cena bago siya umuwi, sinabi mo sa kanya nakikita mo ang biktima ng Marionette, nakikita mo ang kaluluwa ng mga pinatay mo, hindi siya naniwala kaya ginawa mo sinama mo siya sa plano mo."

MarionetteOn viuen les histories. Descobreix ara