Seven

1.6K 69 0
                                    

Seven

 Pagewang-gewang sa paglalakad sa madilim na eskinita si Mang Topher, mula sa ibabaw makikita ang relis ng tren, rinig na rinig ang ingay ng mga gulong na tumatama sa bawat bakal, may hawak siyang bote ng alak na halos paubos na, hindi nakasuot ng maayos ng damit niya at wala siyang pake alam doon, nasa gitna siya ng madilim na eskinita nang may pumasok din mula sa bukana nito, dire-diretso hanggang sa bunguin siya nito, bahagya siyang napaatras.

 Pero hindi pa man ito nakakalayo nang higitin niya ang kamay, ni hindi man niya kilala kong sino 'yon, hindi rin niya makita ang pagkakakilanlan dahil madilim sa eskinita, tanging may ilaw lang sa magkabilang dulo nito kong saan ang papasok at palabas.

 Hinarap niya ito sa kanya na wala namang imik sa ginawa niya, "wala ka bang ugali huh!? Sino ka para bungguin ako? Hindi mo ba ako kilala, ako lang---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bumulwak ng sunod-sunod ang kanyang bibig ng dugo, ininda rin niya ang kirot sa kanyang sikmura dahil may nakatarak na roon ng isang patalim na hawak ng kaharap niya, napasinghal siya nang lalo itong idiin sa kanyang sikmura, ramdam ng kaloob-looban ng kanyang laman ang talim ng kutsilyo na unti-unting iniikot sa loob.

 Dahan-dahan siyang napaluhod at nabitawan na niya ang hawak na alak, dahil na rin sa kalansingan at pang hihina, lumalabo na ang kanyang paningin kahit na anong pilit niyang laban, binitawan siya ng salarin hanggang sa iwan ang kutsilyong nakatusok sa sikmura niya, nakahilata na siya sa maruming sahig ng eskinita.

 Kinuha ng salarin ang boteng binitawan niya, mabilis itong hinampas sa kanyang mukha doon na siya mismong nawalan ng malay, tumusok pa ang ilang bubog sa kanyang mukha dahil sa ginawa nito.

***

 Wala sa sariling pumasok si Mhea sa kanyang trabaho, hindi siya ga'anong nakatulog dahil sa nangyaring kababalaghan kahapon sa kanya, pakiramdam niya kasi may nanonood sa kanya o di kaya'y may katabi siya kahit wala naman, alas tres na siya nakatulog at kailangan naman niyang gumising ng alas singko para sa pagpasok, ang lalim ng mga mata niya at maitim ang ilalim nito.

 Pagkapasok niya ng mismong opisina nila, napansin niyang lahat ng katrabaho niya ay may hawak na dyaryo nila, may ilang napangiti sa kanya, hindi niya alam kong anong meron, may isang katrabaho niya ang lumapit sa kanya.

 "Ang ganda ng article mo natakot ako," tumango-tango na lamang siya kahit wala naman siyang naintindihan.

 Nang makalapit siya sa cubicle niya, nakita niyang may nakalapag ding Global newspaper sa table niya, agad niya itong kinuha, wala namang nagbago kong di nasa ibang section lang siya, napasulyap naman siya nang magsalita si Ash sa gilid na nakadungaw sa pader na pagitan nila.

 "Ang ganda ng gawa mo baby Mhea, nakakatakot totoo ba talaga 'tong balita na 'to?" Tanong ng binata.

 Naningkit ang mata nito, "huh?"

 "Ito oh," sabay pa kita sa kanya ng article niya sa Unsolved Mystery sa kopyang hawak ng binata.

 Doon niya naalala ang tungkol sa Marionette Case na gawa niya kahapon, "ah oo, ano namang nakakatakot dyan? Balita rin naman yan ah."

 "Hindi Mhea tignan mo, detalyadong-detalyado ang pagkakasulat mo dito, very informative at the same time sliced of mystery kasi grabe naman talaga ang nangyari sa dalawang victims, grabe as in grabe wala akong masabi para akong nagbabasa ng isang kwento at hindi balita, ramdam ko 'yong kilabot ng balita, nakakatakot siya," paliwanag ni Ash.

 Hindi na niya ga'anong naintindihan ang mga sumunod na sinabi ng binata dahil paulit-ulit na sumagi sa kanyang isipan ang salitang, kilabot at takot, 'yon din naman ang nararamdaman niya kahapon, iniisip niya kong sinasalamin ba ng nararamdaman niya ang sinulat niya kahapon, para maramdaman din ng nagbabasa nito ang nararamdaman niya.

 "Mhea," napasulyap siya kay Ash nang kunin ang atensyon nito dahil tulala na naman siya, "ayos ka lang ba Mhea? Bakit parang ang tamlay mo, tapos ang lalim ng mata mo, naka-drugs ka ba?" Biro ng binata na patawa-tawa pa.

 Umiling-iling siya at napangiti, "wala 'to, ano ba 'yong sabi mo?"

 Nag-aalangan si Ash kong itutuloy ba nito ang sasabihin pero inulit na lamang nito para sa binata, "sabi ko malaman pati si sir nagulat at natuwa sa gawa mo, kanina nga hinahanap ka n'un na baka maaga kang pumasok dahil mukhang inspired na inspired ka sa pagsusulat ng balita ngayon, kaso wala ka pa, bakit hindi mo puntahan si sir sa opisina niya para kausapin tungkol dito."

 "Hindi na muna, hindi pa kasi ako nag-aalmusal baka mamaya na nagugutom na talaga ako," wika niya.

 "Sabi na nga ba hindi ka ayos, kasi kong ok ka lang susungitan mo ako katulad ng dati, gusto mo ba samahan kita, libre ko totoo na 'to," natawa naman siya sa sinabi ng binata.

 "Wag na kaya ko na 'to, sige balik na lang ako mamaya," iniwan naman niya ang binata at hindi na hinintay pa ang sasabihin nito, habang papalabas ng gusali, paulit-ulit sumasagi sa kanya ang tungkol sa komento sa gawa niya, isa lang ang ibig sabihin nito maibabalik niya ang tiwala ng board members at ng EIC nila, malaking bagay para makatulong sa pagbalik niya sa editorial news.

 Lihim siyang napangiti, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam niya, may malaking maitutulong din ang pagsusulat niya tungkol sa Marionette Case, kaunti na lang siguro kahit hindi umabot ng isang buwan ay makakabalik na talaga siya.

 Paglabas niya ng gusali, dumiretso siya ng isang coffee shop kailangan niyang ilibre kahit sa simpleng bagay, nag-order agad siya ng garlic bread at hot chocolate drink, hinihintay niya sana ang order niya nang marinig niya ang radio sa bewang ng isang pulis na pinapakinggan din ng may-ari.

 "... Over kailangan nating magmadali Marionette Case sa 10th avenue ngayon na," hindi na niya natapos ang kanyang narinig nang umalis ang dalawang pulis sa pila, pero pamilyar ang narinig niya tungkol ito sa Marionette Case, nang makuha niya ang order niya, lumabas siya ng coffee shop at sumakay ng taxi patungong 10th avenue kong saan papunta ang mga pulis.

HINDI nga siya nagkamali sa kanyang pagkakarinig sa radio ng pulis, pagkahinto ng taxi sa mismong 10th avenue may mga taong nagkukumpulan sa iisang lugar, sa isang eskinita, pagkababa niya agad siyang tumakbo sa eskinita, nilabas ang recorder para sa impormasyon na makukuha niya.

 Mula sa yellow line at mga kumpulan ng tao, hinihiwa ito ng mga pulis na naroon, may pinapasok pang higaan kong saan sakay ang bangkay sa isang ambulansya, nakaramdam siya ng inis nang malaman niyang huli na siya, dahil gusto pa rin niyang makakuha ng impormasyon, napahawak siya sa isang pulis na hindi naka-uniporme, pero alam niyang pulis ito dahil sa baril nito sa bewang at badge na suot.

 Napasulyap ito sa kanya nang hawakan niya ito sa balikat at agad na napaharap sa kanya, sa una ay nagulat siya dahil bata pa ito para maging pulis, pero agad din siyang nakabalik sa realidad, "sir, sir isa po akong journalist ng Global Newspaper ako po si Mhea Zaragosa, ano pong kaguluhan ang nangyari rito?"

 Tinignan siya ng binatang pulis na parang nag-aalangan na sagutin ang tanong niya pero nagsalita rin ito, "isang bangkay ang natagpuan namin sa eskinita na 'to pagkatapos nang may magsabi sa amin, inaalam pa namin ang pagkakakilanlan niya, siguro isa rin siya sa bagong biktima ng Marionette."

 "Sir paano ninyo po 'yon nasabi?" Sunod niyang tanong.

 "Sorry miss pero marami pa kaming kailangan gawin, sa susunod na lang," hindi na siya nagpumilit pa nang tuluyan nang umalis sa harapan niya ang binatang pulis, saka niya pinatay ang recorder niya.

 Isa-isa na rin nagsidatingan ang mga reporter sa lugar, pero sa pagkakataon na 'yon na una siya sa impormasyon, isa lang ang masasabi niya ayon na rin sa pulis, isa na naman itong Marionette Case.

MarionetteWhere stories live. Discover now