Eleven

1.6K 73 3
                                    

Eleven

 Paggaling pa lang sa presinto ay agad na dumiretso si Mhea sa kanyang apartment unit, na isipan niyang wag na munang pumasok sa araw na 'yon at total excuse naman siya sa trabaho niya, nang makarating siya roon ay agad niyang hinanap ang recorder niya, lahat ng laman ng bag niya ay nilabas niya na ngayon nagkalat na sa lamesa, pero hindi niya ito makita.

 "Na saan ba 'yon? Kailangan ko 'yon?" Tulerong bulong sa kanyang sarili.

 Iniwan naman niya ang gamit sa sala at dumiretso naman siya sa silid niya, binuksan niya isa-isa ang mga kabinet at posibilidad na lalagyan na maaring doon lamang niya nailagay, pero hindi niya ito nakita, pawis na pawis siya sa kanyang paghahanap at agad siyang bumalik sa sala. Wala siyang ideya kong saan niya ito nahanap o na ilagay.

 Umupo siya sa sofa at nagpahinga, sumagi sa kanyang alaala ng mga litratong pinakita sa kanya kanina ng pulis, bigla na naman siyang nakaramdam ng kilabot, sa pagkakataon na ito alam niyang hindi na guni-guni ang lahat.

 Dapat may mapagsabihan na siya ng mga nakikita niya at nararamdaman, 'yon alam niyang may makikinig sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number ng isa sa mga kaibigan niya, si Cena.

 Nang mahanap niya ang pangalan ng kaibigan sa kanyang phonebook agad niya itong tinawagan, nang maitapat niya ito sa kanang tenga niya, narinig niya agad ang pag-ring ng kabilang linya, hanggang sa may sumagot sa tawag niya.

 "Hello Mhea, napatawag ka, may problema ba?" Halata sa boses ng kaibigan na nag-aalala ito para sa kanya.

 "May gusto akong sabihin tungkol doon sa natagpuan ako ng katrabaho ko sa elevator na walang malay, Cena may ibang nangyari sa akin bago nangyari 'yon, Cena may humahabol sa akin, palagi silang nasa paligid, binabantayan nila ako, naghahanap sila ng paraan pero hindi ko alam kong anong gusto nila at bakit sila palaging na andyan, Cena natatakot ako," hindi mapigilan ni Mhea na maging emosyunal sa nararamdaman niya habang nagkwento sa kaibigan.

 "Teka may humahabol sayo, sino? Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi edi sana naisumbong natin sa pulis, sinaktan ka ba nila kaya ka nawalan ng malay?"

 Napailing si Mhea kahit hindi naman siya makakikita ng kausap sa cellphone, "hindi natin kailangan ng pulis, walang magagawa ng kahit na sinong pulis, Cena mga multo sila," pabulong at parang nakakatakot na ang pagkakasabi ni Mhea sa kanyang kaibigan.

 Matagal bago nakasagot ang kaibigan sa kabilang linya, "ano bang pinagsasabi mo Mhea, ayos ka lang ba talaga, bakit kasi nagmamadali kang lumabas ng ospital, diba ang sabi sayo magpahinga ka, na stress ka na naman at kong ano-ano ang nakikita mo."

 "Hindi Cena maniwala ka sa akin---"

 "Mhea minsan ang utak natin pag-hindi natin pinagpapahinga ng maayos, kong ano-ano ang na iisip natin at kong ano-ano nang nakikita natin, sometimes our brain are playing tricks to messed up."

 Hindi makapaniwala si Mhea na kahit ang kanyang kaibigan ay hindi naniniwala sa kanya.

 "Cena---"

 "Mhea makinig ka sa akin, kailangan mong magpahinga."

 "Hindi nga ako makakapagpahinga kong palagi silang na andyan, nagmamasid sa akin sa bawat kilos ko, Cena makinig ka sa akin, nagsasabi ako ng totoo, maniwala ka naman," pagsusumamo niya.

 Narinig niya ang paghinga ng kaibigan sa kabilang linya, para bang na uubusan ng pasensya sa kanya.

 "Mhea mag-usap na lang tayo mamaya, may trabaho pa akong kailangan tapusin."

 Magsasalita pa sana si Mhea nang patayan na siya ng tawag pero nakadikit pa rin sa kanyang tenga ang cellphone niya. Wala siyang magawa kong di ang maibato sa sofa ang kanyang cellphone sa inis niya, sino nga bang maniniwala sa kanya, kong siya lang mismo ang nakakita sa mga multo?

 Sinandal niya ang batok sa kinauupuan niya, para na siyang nakaunan sa sandalan habang nakatingala sa kisame, nang maipikit niya ang mata bigla na lamang siyang dinalaw ng antok.

---

 Hindi makalimutan ni Cena ang mga sinabi ng kaibigan sa kanya habang nag-uusap ito sa cellphone kanina, masyado na siyang nag-aalala para sa kaibigan na si Mhea, simula nang makalabas ito ng ospital pagkatapos ng aksidente, para bang unti-unti itong nag-iiba, hindi niya inaakala na lalala ng ganito ang nangyayari kay Mhea.

 Napapansin din niyang pati rin si Dona ay nagbago simula nang mangyari 'yon, hindi man ito magsabi sa kanya, nararamdaman niya na may nagbabago sa mga kaibigan.

 Napabuntong hininga siya dahil sa sobrang pagod sa trabaho at may isa pa siyang inaalala. Malapit na siya sa bahay nila nang makaramdam siya ng animoy may sumusunod sa kanyang likuran. Wala na kasi siya sa maraming tao, kailangan na niyang pumasok sa isang malaking compound na parang eskinita bago siya tuluyang makapasok sa mismong bahay nila.

 Nang lingunin niya ang likod, wala naman siyang nakita, isa pa nakatahimik ng lugar, muli siyang nagpatuloy sa paglalakad, muli niyang nararamdaman na may nakasunod sa kanya pero nang haharap sana siya, isang dos-por-dos ang naramdaman tumama sa ulo niya.

 Natumba siya sa basang sahig bago siya tuluyang mawalan ng malay.

NAKARAMDAM ng hapdi si Cena sa kanyang mukha, ulo at katawan na siyang nagpagising sa kanya. Nang maidilat niya ang mga mata, bumungad sa kanya ang puting kisame at isang taong nakamaskara ng isang manika.

 Gustong sumigaw ni Cena sa sobrang gulat at takot pero hindi niya magawa, lalo siyang kinabahan na sa bawat pagpilit niyang ibuka ang bibig, nararamdaman niya ang hapdi na para bang napupunit, doon niya napagtantong nakatahi na pala ang bibig niya, may dumudulo pang dugo at nalalasahan niya 'yon.

 Doon siya nagimbal at napahagulgol sa sobrang takot, ungol na lamang ang tanging nagagawa niya, hindi rin niya magawang maigalaw ang kamay at mga paa na nakatali ng mahigpit. 'Tulong!' Salitang gusto niyang isigaw.

 Hindi niya alam kong sino ang may gawa nito sa kanya at ang taong nasa harapan niya. Takot lamang ang makikita sa kanyang mga mata habang nakatingin sa nakamaskara. Iyak na lang ang tangi niyang nagagawa, pinagpapawisan siya, ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa sobrang takot.

 Marionette. 'Yon ang unang pumasok sa isipan niya nang maalala niyang may tahi ang bibig niya, hindi niya inaasahan na isa rin siya sa magiging biktima ng nasabeng Marionette. Laking gulat niya nang itusok ng salarin ang hintuturo nito sa kanang mata niya, sa sobrang sakit na nararamdaman niya, tanging ungol lang ang nagagawa niya.

 Mas gusto pa niyang patayin siya kesa pahirapan pa ng ganito, nagdurugo na ang kanang mata niya, sa sobrang sakit na nararamdaman niya unti-unti na siyang tinatakasan ng lakas, hanggang sa manglaki ang mata niya nang matanggal ang mata niya, sumirit pa ang dugo niya sa salarin at ang mata niya ay tumalsik pa sa paanan nito.

 Sa sobrang sakit na nararamdaman, nanginginig pa ang katawan niya, ilang minutong nakalipas na ga'nun siya hanggang sa mawalan na siya ng malay habang dilat ang isa pa niyang mata.

---

 Napabalikwas ng bangon si Mhea sa sofa'ng kinahihigaan niya nang marinig niya ang ingay ng cellphone niya hudyat na may tumatawag sa kanya, hindi na niya tinignan kong sino ang tumatawag, nang itapat niya ang cellphone sa tenga, nakaramdam siya ng kaba dahil naririnig niya sa kabilang linya ang iyak ng isang babae.

 "Sino 'to?"

 "Mhea," natauhan siya nang marinig ang pangalan niya at ang boses ng kaibigan si Dona.

 Humahagulgul ito na siyang pinagtataka niya, "anong nangyari?"

 "Si Cena, patay na." Nang marinig niya 'yon, para bang huminto siya sa paghinga ng ilang segundo sa sobrang gulat.

---------

So yan bumabawi po ako ng update, sana matuwa kayo, gusto ko lang sabihin na malapit na itong matapos mga ilang chapters na lang tapos na 'to, kasi maigsi lang naman ito katulad ng iba kong gawa, thank you.

MarionetteWhere stories live. Discover now