Ten

1.5K 78 1
                                    

Ten

 Nang makalabas si Mhea sa ospital, hindi na muna siya dumiretso sa bahay para magpahinga, hindi rin siya dumiretso sa opisina para magtrabaho bagkus nagpunta siya sa presinto kong saan nakakulong si Wesley ang binatang nakausap niya tungkol sa nangyari noong unang gabing umatake ang Marionette.

 Malayo-layo ang ospital sa mismong bayan kong na saan ang presinto, isang oras ang nakalipas nang makarating siya roon, nahihilo man ay pinilit niya ang sarili, pagpasok pa lang niya ng pintuan ng presinto nang may makasalubong siyang pamilyar na mukha.

 Hindi siya nito na pansin kaya hinawakan niya ito sa braso bago pa man ito makalayo sa kanya, "excuse lang," sabi niya.

 Nagulat man ang lalaki sa ginawa niya, pero nakuha niya ang atensyon nito. Nagkatinginan sila, hindi siya nagkakamali, nakita niya ang kaharap niyang binata sa isang crime scene.

 Saka niya ito binitawan, "kilala kita," sabi nito sa kanya. "Ikaw si Mhea Zaragosa ng Global," bigla nito hinarap sa kanya ang hawak nitong bagong dyaryong nabili na may pangalang Global newspaper.

 "Ako nga."

 "Ako pala si Austin, nagtrabaho ako rito bilang forensic examiners, may maitutulong ba ako sayo?"

 "Sir Austin pwedeng magtanong tungkol sa Marionette case, pwede ko bang makausap si Wesley alam ko nakakulong siya rito, diba?" Tanong ni Mhea na para bang nagmamadali siya.

 "Paumanhin pero wala na siya rito, ayon kasi sa imbestigasyun namin, hindi siya ang gumawa n'un sa mga kaibigan niya, wala ang fingerprints niya sa katawan ng mga biktima, kinuha na siya ng mga magulang niya, sa tingin ko hindi mo siya makakausap ng maayos dahil wala siya sarili nang kunin siya rito, palaging tulala at nagsasalita mag-isa, ang uli kong pagkakaalam nag-undergo siya ng therapy."

 Nanglumo siya sa kanyang nalaman, hindi niya alam kong paano na siya makakakuha ng kasagutan ngayon, pero hindi pa naman huli ang lahat ng makakuha na naman siya ng ideya.

 "Sir Austin pwede bang tulungan muna man ako, pwede muna man akong bigyan kahit na anong impormasyon kahit tungkol sa kaso, kahit ipakita mo lang sa akin 'yong itsura nila, maari po ba?" Desperado siya sa bagay na gusto niyang makuha, hindi niya alam na sa lahat ng bagay dito pa siya magkaka-interes.

 Tumango si Austin bilang pagsang-ayon sa kagustuhan niya, sinabihan siya nito na sumunod kaya tahimik lang siyang sumunod, habang nakasunod siya naghalungkat siya sa kanyang bag para hanapin ang madalas niyang ginagamit kong nagsasaliksik siya, pero hindi niya mahanap ang recorder niya.

 Dahil wala sa daanan ang atensyon niya, bumangga siya sa likuran ng binata, "ay sorry," sabay tayo ng maayos, sinira na lamang niya ang bag nang hindi niya mahanap ang bagay na kailangan niya.

 "May problema ba Ms. Zaragosa?" Nag-aalalang tanong ng binata.

 Umiling-iling siya, "wala naman, akala ko kasi dala ko 'yong gamit ko."

 "Sorry miss pero bawal ang kahit na anong gadgets sa loob," pagpapaalala nito sa kanya.

 Tumango-tango na lang siya, wala siyang magagawa na kahit ang cellphone niya ay hindi niya pwedeng gamitin.

 Huminto sila sa pinakadulong pintuan ng pasilyong dinaanan nila, binuksan ito ng binata sa pamamagitan ng susi nitong hawak. Nang buksan ito ng binata at pumasok, siya naman ay nakasunod, saka nila ito sinara.

 Ngayon lang siya nakakita ng ganitong silid, maraming nagpatong-patong na mga karton sa isang gilid na may laman ng mga importanteng bagay sa kaso na hinahawakan ng kapulisan, may isang bulletin board kong saan nakadikit ang mga importanteng papel, may mga kabinet, lamesa at ilang kagamitan sa forensic na hindi alam ni Mhea kong anong tawag doon.

 Lumapit ang binata sa lamesang nasa gitna na wala naman masyadong nakapatong kaya sumunod siya roon, may kinuha ang binata sa pangatlong kabinet na nakahilera sa kanang bahagi ng silid, para itong may hinahanap nang hatakin ang nasa unahan na lalagyan, hanggang sa humigot ito ng isang folder na puti.

 Nang bumalik ito sa kanya, doon lang nakita ni Mhea na bahagya itong makapal, nang buklatin ito ni Austin, nilabas niya ang mga litrato naroon, unang nakita ni Mhea ang tatlong litrato ng dalaga na nakangiti at nakauniporme, ang isa naman ay isang binatang nakauniporme rin, ang isa namang matanda na abot 30+ ang edad na naka-business attire.

 Hinilera ito ni Austin pababa, ang sa dalaga, ang sa binata at ang sa matandang lalaki. Naglabas pa ng iba pang litrato ang binata, sa pagkakataon na ito hindi na kinaya ni Mhea ang nakita niya, ang litrato kanina ay nagbago at hindi na niya makilala, ang isa ay sunog na pigura ng lalaki na kuha pa sa crime scene sa gubat.

 Ang dalaga naman ay hindi na rin makilala pati na rin ang matandang lalaki, nakilala lang niya sila ang mga ito dahil tinabi ni Austin ang mga litrato ng bawat isa sa mga na una pa. "Sila ang tatlong biktima ng Marionette Case, para silang manikang pinaglaruan kaya 'yon ang tinawag namin sa kanya."

 "Lead na ba kayo sa kaso?" Tanong niya sa binata habang nakatitig pa rin sa mga litrato.

 Napasulyap sa kanya ang binata sandali bago ito binalik ang tingin sa mga litrato. "Meron na pero hindi pa sapat para masabeng tama ang hinala namin, pinag-aaralan pa namin ang kasong 'to, pero marami silang pagkakapareho maliban sa kong paano sila pinatay, isa na roon ang fingerprint na nakuha namin sa mga katawan nila, iisa lang ang nakuha namin pero hindi pa namin alam kong kanino ito, hindi pa namin nakukuha ang match ng fingerprint na nakuha namin sa katawan nila."

 "Konektado ba sila sa isa't isa?" Tanong muli ni Mhea.

 "Wala, kong ang binata at dalaga ay kaibigan ni Wesley, sila lang naman ang konektado sa isa't isa, pero ang matanda malayo na sa kanila ito, isa pa, parang isang research na randomly pick ang pagpili ng Marionette, kong sino ang mapusuan niyang patayin, papatayin niya."

 Pinapakinggan lang ni Mhea ang binata, hindi siya maaring magkamali na ang tatlong nasa litrato ay ang tatlong nagpapakita sa kanya, pero wala pa rin siyang ideya kong bakit? Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, pakiramdam niya may mga mata na namang nanonood sa kanya, nagtataasan ang balahibo niya sa batok at pinagpapawisan ng malamig.

 "Journalist ka diba, ibig ba sabihin ba nito isusulat mo na naman ang lahat ng nalaman mo?" Tanong ni Austin sa kanya.

 Sumulyap sa binata at hindi pinapahalata sa binata na hindi siya maayos. Tumango-tango siya, "oo," tipid niyang sagot.

 "Bakit mo naman gustong isulat? Diba lahat ng tao may purpose, anong purpose mo?" Nagtaka siya sa tanong ng binata sa kanya.

 "Para maging sigurista ang mga mamayanan ng Pacific Bay kaya ko sinusulat ang tungkol sa Marionette case," mabilis niyang sagot.

 Pagkatapos ng pag-uusap nila, hinatid naman siya nito, nagpasalamat siya sa pagbibigay ng impormasyon kahit kakaunti lamang ang nalaman niya. Nang nasa labas na sila, muli siyang humarap sa binata.

 "Maraming salamat uli," wika ni Mhea.

 "Wala 'yon, gusto rin naming maging sigurista ang lahat ng mga taga-Pacific Bay, malaking tulong na ang gagawin mo, gusto ko lang sabihin sayo na ang ganda ng pagkakasulat mo tungkol sa balita." Papuri ni Austin sa dalaga.

-------

Buti naman at walang nag-demand at nagmamadaling mag-update na ako sa kwentong ito, sa totoo niyan hindi naman ako busy, tinapos ko lang po 'yong buong draft ng isa kong kwento na Badboy is a new (Handsome) Pet, sana po eh mabasa rin ninyo, thank you.

MarionetteWhere stories live. Discover now