Two

2.4K 83 18
                                    

Two

Minamaneho ni Mhea ang kanyang kotse para pumunta sa isang crime scene na nabalitaan niya, may nangyaring hostage taking dahil naaksidente ang kotseng ginagamit ng kumidnap nagkaroon ng komosyon sa pinangyarihang lugar na may isang oras ang biyahe.

Gabi at kahit ga'nun pa man gustong mapuntahan 'yon ng dalaga dahil 'yon ang trabaho niya bilang journalist kailangan niyang ma-cover ito sa lalabas na publishing ng kompanya nila.

Halos paliparin na rin niya ang kotseng minamaneho dahil sa pagmamadali, kapit na kapit na rin ang pagkakahawak niya sa manibela, kalahating oras na lang ang natitira at malapit na siya sa pinangyarihan ng krimen.

Papalapit na siya sa intersection nang may lumabas na truck ng basura sa kanang bahagi ng intersection, nasilaw siya sa malakas na ilaw nito, hindi rin niya inaasahan na may sasalpok na isa pang kotse sa unahan niya, hindi na niya nakita pa ang daanan dahil sa malakas na ilaw, hanggang sa marinig na lamang niya ang malakas na pagsalpok ng dalawang matigas na bagay, ang pag-untog niya sa manibela dahil pumalya ang airbag sa kotse at pagbasag ng mga salamin...

***

Sa tuwing inaalala ni Mhea kong anong nangyari noong gabing may kailangan siyang puntahan, hindi na niya ito naalala pa kong ano ba ang buong pangyayari, lalo lang sumasakit ang ulo niya. Kaya ang dalawang matalik na kaibigan niya ang nagkwento kong ano nga ba ang nangyari sa kanya.

Nabalitaan na lamang na aksidente siya sa isang salpukan sa intersection, nakita na lamang siyang duguan, walang malay at naipit pa ang dalawang binti niya sa kotse, hindi siya madaling na ilabas at akala nila ay patay na siya, isang milagro na nabuhay pa siya pagkatapos n'un.

Isang buwan na siyang walang malay sa ospital pero may pintig pa raw ang puso niya, isang buwan naman para sa pagtingin ng kanyag kalagayan, mga ilang test para malamang maari na siyang lumabas, hanggang sa gumaling ang mga binti niya, pero ang ulo niya sumasakit pa rin paminsan-minsan pero sa tuwing tinatanong ng doktor kong may nararamdaman pa ba siya, sinasabi niyang ayos na siya, dahil gusto na niyang makabalik sa trabaho.

Halos dalawang buwan din siyang wlaang trabaho, isang bagay na kinaiinisan niya dahil isa siyang workaholic na tao, journalist siya sa Global Newspaper, ga'nun din naman ang magkaibigan niya pero kaaway na newspaper company na pinagtatrabahuhan ng mga ito ang Global kong saan siya nagtrabaho.

Hindi na niya magagamit ang kotse niya dahil sa matinding aksidente, kailangan na naman niyang mag-ipon para makabili ng bago, kaya bumalik na naman siya sa pag-commute. Isa siyang independent na tao simula pa noong nagkolehiyo siya, hindi naman siya lumaki sa mayamang pamilya at hindi rin mahirap, parehong negosyante ang magulang niya, simula nang makapasok siya sa Global Newspaper nagpaka-independent na siya lalo.

Laking pasalamat niya na hindi siya pinabayaan ng mga kaibigan niya dahil inalagaan siya nito habang nasa ospital siya, ni hindi alam ng pamilya niya ang nangyari, mas ayos na sa kanya para hindi na ito maalala sa kanya.

Pagdating niya sa trabaho, pagpasok niya sa malaking silid kong saan sila nag-opisina laking gulat niya na may pumutok at nagsabog ng confetti, hindi pa siya nakareak lalo nang makita na may cartolina'ng puti sa harapan niya at may nakasulat na 'WELCOME BACK MHEA!' Hindi pa ga'anong nakaayos ang pagkakasulat at halatang minadali, may cake pa ang isa sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Mga ngiti at bati sa kanyang pagbabalik ang sumalubong sa kanya, wala pa rin pa palang nagbago kahit matagal siyang nawala, "maraming salamat sa inyo!" Pasasalamat naman niya sa sumalubong sa kanya, tumabi naman sa kanya ang isa sa mga katrabaho niya na may hawak na black forest cake.

"Para sayo 'to Mhea galing sa puso ko may gayuma pa kaya sana ma-inlove ka na sa akin ng todo," napangiwi siya sa sinabi ni Ash na matagal nang gustong mangligaw sa kanya pero kaibigan lang talaga ang tingin niya sa binata.

MarionetteWhere stories live. Discover now