Six

1.8K 73 0
                                    

Six

Tulala si Mhea simula nang makarating siya sa kanyang opisina, palaging sumasagi sa kanyang isipan ang nakita niya kanina, ang tanong na paulit ulit sa kanyang isipan, guni-guni lang ba 'yon? Hindi niya maintindihan ang pakiramdam, natitigan niya sa mata ang dalaga sa salamin na parang siya, nagtataasan ang balahibo niya sa takot.

Iniling-iling niya ang ulo, kailangan na niyang makapag-focus at makapag-umpisa sa kanyang trabaho, baka papasang article sa Unsolved Mystery ang tungkol sa Marionette Case. Binuksan niya ang recorder para mapakinggan muli ang sinabi ng binata kanina, habang nakatitig naman siya sa laptop niya, hinihintay niyang tumunog o marinig man lang ang boses sa recorder, lumipas ang segundo na wala siyang naririnig kaya kinuha niya ang recorder, papatayin niya sana para ulitin nang makarinig siya ng ingay mula sa hawak niya.

Nakaawang ang labi niya at naghihintay, may naririnig siyang ingay pero hindi niya maintindihan, parang static ng radyong patay ang istasyon, "sira na ba 'to?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Umayos siya ng upo hanggang sa marinig na niya ng maayos ang boses, nakahinga naman siya ng maayos dahil wala naman pa lang sira ang o baka dahil lang sa pagrecord niya kanina. Tahimik siyang nakikinig nang may mapansin siyang kakaiba, domodoble ang boses ng binata para bang may boses din na sumasabay, boses ng babaeng umiiyak.

Dahil sa sobrang pagtataka at kaba, agad niya itong pinatay, saka mabilis na nilapag sa lamesa, matagal siyang nakatitig na may halong pagtataka sa recorder, hindi niya maintindihan kong anong nangyayari.

"Hello baby Mhea---"

"Ahhh!" Sumigaw si Mhea sa sobrang gulat ay sabay sulyap kay Ash na nagtatakang nakatingin na nakadungaw sa pader ng cubicle nila. Hawak-hawak pa niya ang dibdib niya na kabog ng kabog, may iilan ding napasulyap dahil sa ginawa niyang ingay.

Pati rin si Ash ay gulat na gulat habang nakatingin sa kanya, nakataas pa ang dalawang kamay nito na animoy nahuli ng pulis, umayos ng upo si Mhea at binaba ang kamay, "ano ba kasing ginagawa mo?" Iritadong tanong ng dalaga.

Lumungkot naman ang mukha ni Ash saka humawak sa cubicle, "hindi ko naman sinasadya na gulatin ka, yayayain lang sana kita mag-lunch."

Nakaramdam ng inis at awa rin naman si Mhea sa binata, huminga siya ng malalim bago nagsalita, "mauna ka na, mamaya na lng siguro may tatapusin pa akong trabaho, sorry Ash."

Ngumiti na lamang ang binata pero may lungkot pa rin sa mukha nito, "sige," saka siya iniwan ng binata.

Muli siyang humarap sa recorder, binuksan niyang muli ito at pinakinggan ang nilalaman, natapos niya ang buong record na wala naman siyang napansing kakaiba, nakahinga siya ng maluwag hanggang sa matapos ang buong record, "shit napa-praning ka lang Mhea," bulong niya, muli niyang inulit at sa pagkakataon na ito nagtitipa na siya sa laptop niya para sa bago niyanh artikulo na ipapasa sa EIC nila.

INABOT ng dalawang oras si Mhea sa kanyang artikulo na ginawa, nalagpasan na siya ng oras sa tanghali, nakahinga naman siya ng maluwag nang mahawakan na niya ang print ng isang papel kong saan nakasulat doon ang artikulo niya na pinamagatan niyang MARIONETTE CASE, ilang beses niyang tinignan ang mga tamang paggamit ng salita, sukat at mga pangungusap para hindi na ito ibalik pa sa kanya.

"Salamat tapos na rin," dumiretso siya sa opisina ng boss niya kong saan kalalabas lamang ni Lea, isa sa karibal niya sa trabaho na pakiramdam niya ay inagaw ang posisyon niya sa editorial news, may ngiti pa ito pero hindi na lamang niya ito pinagtuunan ng pansin.

Pagkapasok niya agad niyang nilapag ang papel sa lamesa ng boss niya, sandali itong tumingala sa kanya at binasa ang papel na binigay niya. "Marionette Case?" May halong pagkamangha ang boses sa kanyang boss, "hindi ko inaasahan na magagawa mo agad ang bago mong article."

"Kailangan kong humabol sir sa trabaho ang tagal kong nawala, matagal-tagal pa bago ako makabalik sa editorial news, kaya hayaan na, tungkol yan sa camping ng tatlong magkakaibigan, hindi na ako magbibigay ng masyadong kwento tungkol dyan, mababasa rin naman ninyo yan," paliwanag niya sa boss.

"Ok mabuti naman kong ga'nun, babasahin ko na lang kong may ilang mali pa dito bago mapasa as article ito sa susunod na publication," saad ng boss niya saka tuluyang lumabas.

Malaki naman ang tiwala niya na walang mali sa gawa niya at maipapasa 'yon sa susunod na publication, doon lang niya naramdaman ang gutom kaya agad siyang dumiretso sa canteen nila para makapagtanghalian kahit huli na.

NATAPOS ang buong araw ni Mhea sa opisina, na medyo kakaiba sa lahat, pagod man sa trabaho at babagyang nakakaramdam ng sakit na naman ng ulo, ininda na lamang niya ito dahil makakauwi na siya, makakahiga sa kama niya at makakatulog ng mahimbing, nakalimutan din niya kahit papaano ang tungkol sa babae sa salamin at ang kakaibang bagay sa recorder niya.

Pagkababa niya ng taxi, agad siyang dumiretso sa train station, tinap ang beep card sa machine bago siya nakapasok sa waiting station, sakto naman na pagkapasok niya ay may humintong tren kaya pumasok na siya roon, hindi naman ga'anong masikip, nakaupo pa siya, parang bumagsak ang katawan niya nang makaupo siya sa loob, ilang segundo lang na unti-unting bumigat ang talukap niya.

Ilang minuto ang nakalipas ng maalimpungatan siya, pumipikit-pikit pa ang mga mata niya, malabo man pero naaninag niyang parang wala nang tao sa paligid kaya napabalikwas siya sa pagkakaupo na halos mahulog na, laking gulat niya na wala nang tao sa paligid niya, tanging siya na lamang ang nasa bagon kong saan siya sumakay, pero umaandar pa rin ang tren, "hala lumagpas na ata ako," sabay tayo lalo na nang makita niyang malapit na sa susunod na istasyon ang tren.

Tinignan niya sa kanang parte, wala na nga katao-tao, nang tignan naman niya ang kaliwa halos hindi siya makahinga nang makita niya ang katabi, nang lalaki ang mata niya at rinig na rinig niya ang kalabog ng dibdib, isang lalaki ang naagnas ang katabi niya habang nasusunog pa ang itaas na bahagi ng katawan nito lalo na ang mukha, halos bumaliktad ang sikmura niya na halos labas na ang lamang loob nito, nakatitig ang mga maya niya sa mata nito na sinisindak siya, isang malakas na sigaw ang lumabas sa kanyang bibig, sigaw na hindi pa niya nagagawa sa buong buhay niya.

Kumaripas siya ng takbo patungong kanan, halos magkadarapa siya lalo na't naandar ang tren at dahil na rin sa pangangatog ng tuhod, nang sulyap niya sa likod wala na ito sa kinauupuan nito kanina, hanggang sa may mabangga siya para matumba siya sa sahig, nang sulyapan niya ang nasa harapan isang malakas na sigaw na naman ang maririnig sa kanya, 'yong dalaga na wala ang isang mata, may tahi ang bibig at puno ang dugo ang kaharap na naman niya ngayon.

Napabalikwas siya ng gising mula sa masamang panaginip, dahil sa ingay na nang galing sa kanya at sa likot nagkatinginan ang mga kasakayan niya sa tren, gulat na gulat siya at ang mukha naman ng mga ito ay pagtataka. Puno ang tren hindi katulad sa panaginip niya na siya lang mag-isa kasama ang dalawang hindi niya maintindihan kong ano.

Ramdam pa rin niya ang kalabog ng dibdib niya, agad siyang tumayo nang marinig niya sa speaker ng tren na malapit na sila sa bababaan niya, inihanda niya ang sarili nang huminto at magbukas ang tren siya mismo ang unang lumabas. Wala siyang pake alam kong may mabangga man siya basta makauwi siya agad sa kanila.

May nabunggo pa siyang lasing na lalaki dahil sa ginawa niya bigla na lamang siya nitong hinigit pabalik, takot na takot yan ang makikita sa mukha niya, "so-sorry po sir hindi ko sinasadya."

Namumula ang pisngi ng mama dahil na rin sa kalasingan, "tandaan mo ang mukhang 'to, papatayin kita pagbinunggo mo uli ako, maliwanag!" Saka siya nito tinulak ng malakas na halos ikatumba niya.

Pumalibot ang mga taong naawa at nagtataka na nakatingin sa kanya. Para na siyang mababaliw sa mga nangyayari, magulo at nakakalito, hinayaan na lamang niyang tignan siya lahat basta makauwi na siya sa kanila, gusto na niyang magpahinga dahil sumasakit na naman ang ulo niya sa mga nangyayari.

MarionetteWhere stories live. Discover now