Fourteen

1.4K 72 35
                                    

Fourteen

 Nang makauwi si Mhea sa kanyang apartment hindi pa rin mawala sa kanyang isipan, tungkol sa naging reaksyon sa kanya ng dalaga, pumasok siya sa kanyang silid at umupo sa harapan ng laptop niya, doon nag-umpisa siyang magtipa para sa bago niyang artikolo tungkol sa nangyari sa kanyang kaibigan.

 Pinamagatang niya itong Marionette: Bloody Stitch. Hindi pa rin siya makapaniwala na isa sa naging biktima ang kaibigan niya, nakaramdam na naman siya ng takot dahil isa sa mga kaluluwa ng kaibigan niya ang makikita niya.

 Sa kalagitnaan ng pagtipa niya, nakaramdam siya ng pagkahilo at pagkirot ng ulo niya, parang inipit ng matigas na bagay ang ulo niya, napahawak siya para lang mapawi ang sakit pero hindi niya ito magawa, agad siyang tumayo sa kinauupuan, lalabas sana siya para kumuha ng gamot at tubig nang matumba siya sa kinatatayuan niya dahil sa sobrang pagkahilo.

Nang matumba siya umiikot ang paligid niya, may apat na mukha ang dumudungaw sa kanya, "tulong," bulong niya sa pagitan ng mga ungol niya.

Palapit ito ng palapit sa kanya, takot ang una niyang nararamdaman gusto man niyang tumakbo palayo, hindi naman niya magawa dahil nanghihina siya na para bang may humihila sa kanya sa sahig para hindi siya makatayo, mas lalong lumalapit ang duguang mukha ng kaibigan si Cena, dahil doon kumawala ang bulahaw mula sa kanya.

---

Pinagmamasdan ni Austin ang mga ebidensyang nakalapit nila, kong di dahil sa pang apat na biktima na si Cena baka habang buhay na silang hindi mahahanap kong sino ba ang nagpasimuno ng Marionette, "sabi ko na nga ba at ikaw ang may pakana ng lahat ng ito." Bulong nito sa kanyang sarili.

Nagkalap din sila ng mga impormasyon tungkol sa suspek, alam na nila ang dahilan kong bakit niya ito nagawa, imposible man pero 'yon nga ang dahilan.

Hawak-hawak pa rin niya ang folder tungkol na lumabas na autopsy ng mga bangkay at mga fingerprint na nakuha nila na galing lang sa iisang tao, lahat ng fingerprint na nakuha sa bangkay ng biktima ay magkakapareho na galing sa iisang suspek.

Inihanda na rin ng mga kasama niya ang warrant of arrest dahil pupuntahan na nila ang suspek sa Marionette Case, para mahuli at matigil na ang patayan.

---

Tinatago at mahigpit na hinahawakan ni Ash ang recorder na pagmamay-ari ni Mhea, nakuha niya ito nang makita niyang wala itong malay sa isang elevator, ibabalik niya sana ito nang mapag-isipan niyang pakinggan kong anong mga laman nito, mga bagay na hindi niya inaasahan.

Hindi niya alam kong si Mhea ba ang nag-record nito o hindi, muli niyang binuksan ang recorder at pinakinggan isa-isa ang mga naka-record.

"Tulong!!! Wagggggg!"

"Wag mo akong papatayin! Wag mo akong sasak-ugh!"

Isang napapangilabot na sigaw ng isang babae, para itong sumusuko sa mga sunod niyang naririnig, hindi pa rin mawala ang pagtataasan ng balahibo sa katawan niya.

Wala na siyang ga'aning naririnig kong di kakaibang ingay mula sa recorder. Pikit-mata niyang nilipat ang sumunod.
 
Pero wala siyang masyadong naririnig kong di ingay, parang animoy nabasag, at isang taong parang nasusuko. Napalunok siya nang ilipat niya ito sa isa pa, hindi niya alam kong intensyon nito ni Mhea o aksidente lang.

"Bakit ba kayo nagpapakita sa akin? Pinatay ko na kayo! Pinatay ko na kayooooo!"

"Kaluluwa na lang kayo, wala kayong laban sa akin, mga patay na kayo!" Paulit na sigaw ng dalaga, kilala niya ang boses ni Mhea kaya alam niyang sa dalaga ito.

May takot sa boses ng dalaga, alam niya ang eksenang ito kong saan nakita sa cctv na animoy may kaaway si Mhea pero wala naman, takot na takot na tumatakbo sa pasilyo ng opisina, ito 'yong panahon na nakita niya si Mhea sa loob ng elevator na walang malay.

Mas hindi siya makapaniwala sa sunod niyang narinig, habang tumatagal lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa recorder.

"M-Mhea b-bakit mo nagawa sa akin 'to? Pakawalan mo ako, kaibigan mo ako." Boses ng nagmamakaawang babae.

"Hindi kita kaibigan, wala akong kaibigan na hindi naniniwala sa akin, total hindi ka rin naniniwala sa akin na nagpapakita sila, pwes isasama kita sa kanila, oo Cena, pinatay ko sila, masakit sa ulo, gusto ko lang libangin ang sarili ko at ito ang paraan para bumalik ako sa dati." Paliwanag naman ng isang babae na boses ni Mhea.

Naririnig ni Ash ang hagulgol ng babae, "wag maawa ka, pag-usapan natin 'to."

"Hindi na Cena dahil huli na ang lahat. Papatayin din kita katulad nila!"

Isang sigaw na akala mo nakaramdam ng sobrang sakit ang sunod na niyang narinig, halos mag-iisang linggo na simula nang mapasakanya ito, hindi niya alam kong ibabalik pa ba kay Mhea o ibibigay niya sa pulis.

Saka niya pinatay ang recorder, hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang maamo at inosenteng mukha ni Mhea eh kayang pumatay ng inosenteng tao at lalo pa ay isa pang kaibigan.  

---

Nakaparada na ang kotse ni Dona sa tapat ng apartment na tinirhan niya pero hindi pa siya bumababa para umuwi at magpahinga. Masyadong inuulan ng tanong ang isipan niya tungkol sa nalaman niya kanina sa sinabi sa kanya ni Carly tungkol sa kaibigan, nakita niya ang sarili na lumuluha, ni hindi man lang niya nagawang punasan ito.

Alam naman nila ni Cena nong lumabas ito ng ospital dahil sa aksidente, hindi na ito babalik pa sa pagiginh normal, sinabihan sila ng doktor nito na ang isang taong nauntog ang ulo at sakaling mabuhay. Maaring magka-amnesia o higit pa roon.

Maari itong mabaliw at hindi makapag-isip ng tama. Una pa lang na papansin na nilang iba na ang kinikilos ng kaibigan pero iniisip pa rin nilang magiging normal ito, pero nagkamali sila, namatay na ang isa sa kaibigan niya dahil sa pagkawala naman ng katinuan si Mhea.

Hindi niya akalain na ang nangyaring aksidente kay Mhea ay masusundan pa ng mas madugong pangyayari, hindi niya inaasahan na maraming mamamatay at kasama na si Cena dahil kay Mhea. Sumagi muli sa kanyang alaala ang sinabi ni Carly.

***

"Carly tulungan mo naman kami, kailangan ka ng kaibigan ko," paghahabol ni Dona sa dalaga.

"Kaibigan?" Pagtataka nito sa pagharap ng dalaga sa kanya. "May kaibigan kang mamamatay tao?"

"Huh?" Parang sinampal si Dona dahil sa sinabi ni Carly sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit ito ng bahagya sa kanya, "nakakasama mo lang palagi ang mamamatay taong 'yon, hindi mo ba nakikita ang mga kamay at mukha niya, puno ng dugo ng mga naging apat niyang biktima kasama na ang kaibigan mo roon. Nakikita ko, may pinatay siyang apat na inosenteng tao, pinaglaruan at nagdusa sa mga kamay niya, baliw siya."

Napapangilabot at hindi makapaniwala si Dona sa kanyang narinig. Hindi niya maaring kwestyunin ang kakayahan ng dalagang si Carly dahil matagal na rin niya itong kilala, hindi lang niya kayang tanggapin na tama nga ang lahat.

PAGKATAPOS ng pag-uusap, binigyan siya ng babala ni Carly na kailangan niyang lumayo sa kaibigan dahil siya na ang susunod nitong papatayin. Isinantabi na lamang niya ito, paglabas niya nakita niya ang maamong mukha ng matalik na kaibigan.

Nagtataka ito siguro dahil sa naging reaksyon ni Carly sa kanya, hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa kanila, gumawa siya ng dahilan para maiwaksi ang pag-aalala nito, dahil gusto pa rin niyang tulungan ang kaibigan na magbago kahit na malavo na itong mangyari.

------------

So guys alam na ninyo kong bakit at sino ang killer, sunod na chapter eh epilogue na po. Thank you. Give some violent reaction.

MarionetteWhere stories live. Discover now