Bakit mo babasahin ang librong ito?

15.6K 765 25
                                    

Kung gusto mong matutong magsulat mula sa pinaka-basic, para sa 'yo ang librong ito. Kung passionate ka sa sining ng paghabi ng kuwento, para sa 'yo ang librong ito. Kung marunong ka nang sumulat ngunit sa tingin mo ay mas makabubuti kung matututo ka pa, lalong para sa 'yo ang librong ito.

Ang librong ito ay hindi isang magical book na sa isang buklat lamang ay magiging bihasa ang sinuman sa pagsulat. Hindi. Para mas gumaling sa pagsulat, kailangang magbasa at magsulat—nang paulit-ulit, nang walang sawa, at nang walang panghihinawa. Walang ibang paraan kundi magsulat nang magsulat at subukang maging mas magaling pa kaysa sa sarili.

Ang librong ito ay hindi para sumikat ang may-akda o ang magbabasa. Hindi nito layuning lampasan ni pantayan ang kursong Creative Writing. Hindi nito layuning lampasan ni pantayan ang mga itinuturing na haligi sa Panitikan. Isinulat ang librong ito dala ng patuloy na pagmamahal sa pagsulat at patuloy ring pag-aaral at pananaliksik sa kung paano gawin ang paano at kung ano ang ano.

Ang librong ito ay libro ng paano, ano, bakit, sino, kailan, at saan ng pagsulat. Ang librong ito ay naglalayong makatulong at maging gabay sa mga nagsisimula pa lang makipag-ulayaw sa sining ng paghabi ng salita.

Maligayang pagsulat! 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now