III. Story Structure

1.6K 99 0
                                    

Maaaring tawagin sa maraming pangalan at ihambing sa maraming bagay ang prosa at pagsulat, ngunit ang isa sa pinakaakma ay ang sinabi ni Ernest Hemingway:

Prose is architecture, not interior decoration.

Sa panahon natin kung saan madali ang magsulat at madali rin ang mabasa, ipinalalagay minsan na ang teknikalidad at tayog ng pagkukuwento ang pinakamahalaga. Kung tadtad sa simbolo at metapora ang isang kuwento; kung mayaman sa tayutay; kung malalim ang mga salitang ginagamit; kung makinis ang teknikal na aspeto ng bawat talata, ipinalalagay minsan na mataas din ang kalidad ng panulat. Ngunit pinabubulaanan ito nang hindi lang iisang manunulat.

Writing is working on the details to learn how much we know and how much we don't know about the story. That if and when we need to, we research extensively to provide the needed data. Writing is working on the details that it is not only about writing the first word to the last but carefully choosing necessary words to move the story forward.

Hindi tayo basta naglalagay ng iba't ibang simbolo sa kuwento, maliban kung kailangan. Hindi tayo basta nagpapasok ng tayutay, maliban kung kailangan. Hindi tayo basta nagdadagdag o nagbabawas ng eksena, maliban kung kailangan. Tinutukoy at pinipili nating mabuti ang mga detalye na magpapaandar, magpapakinang, at magpapabuti sa kuwento.

Ang pagtukoy sa mga importanteng detalye ng isang kuwento ay pagtatayo sa pundasyon nito. Mas maraming detalye ang alam natin, mas matibay ang pundasyon at ang istruktura. Building the story's foundation and structure means learning about the heart of the story and exploring how to effectively write it. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon