IV. Story Genre

1.7K 97 1
                                    

Ang pagsusulat ng kuwento ay laging pamamaybay sa mga pagitan. Nasa gitna tayo ng pagtuklas sa kuwento at pagtuklas nito sa atin; pagpaplano ng sorpresa at pagkasorpresa; pagkakaroon ng kontrol at pagbitaw sa kontrol; at pagsisimula sa katapusan at pagwawakas para magsimula uli.

Kaya hindi nakapagtataka na walang iisang aklat ng tungkol sa kung ano ang depinidong pagkakasunod-sunod ng mga paraan upang makapagsulat, bagama't alam nating bawat kuwento ay may simula at may wakas. Walang tiyak na daan upang magsimula o tiyak na lagusan upang magwakas. Wala ring tiyak na formula sa kung paano magiging mas magaling pa sa pagsulat.

Ang sabi ni Stephen King:

You go where the story leads you.

Saan nga ba tayo dadalhin ng ating kuwento? At kung may destinasyon ang bawat nating isusulat, paano natin matitiyak na tama ang ating dinaraanan?

ANG STORY GENRE

Isa sa mga pantukoy sa uri ng kathang-isip na ating binubuo ang tinatawag na genre. Ang genre ay ang nilalaman, istilo, at porma ng kuwento. Sang-ayon sa genre ang lawig at limitasyon ng ating isusulat at kung paano ito isusulat. Ito rin ang focus ng kuwento. Ang expectation na bini-build up natin sa mambabasa at ang mismong expectation na kailangan nating tugunin. By knowing the genre, the writer has a blueprint and a list of dos and don'ts.

Knowing our focus will unclutter our story. Mas makikita natin nang malinaw ang daan na kailangang tahakin at ang destinasyon ng kuwento. Mas madali ring maging consistent sa tema at nilalaman. Mas depinido kung ano ang major plot sa sub-plots.

Ang ilan sa mga story genre ay ang mga sumusunod:

ROMANCE

Ang genre na tungkol sa romantic relationship sa pagitan ng dalawang tao. Dumadaan sa mga pagsubok ang dalawang tauhan ngunit sa huli ay nagkakatuluyan pa rin.

Romance stories promise a triumphant love. Ito ay laging happy ending.

YOUNG ADULT

Ang genre na para sa mga mambabasa na nasa edad labing-isa hanggang labingwalo, bagama't binabasa pa rin naman ito ng mga lampas na sa ganoong edad. Karaniwan ay nakatutok sa coming-of-age, slice of life, school life, friendships, at relationships na nabubuo ng isang nasa akmang edad ng genre.

These stories promise nostalgia and teenage feelings.

NEW ADULT

Ang genre na para sa mga mambabasa na nasa edad labingwalo pataas. Karaniwan na nakatutok sa college life; work and career; quarter life crisis; sex, consent, and boundaries; at iba pang concerns ng nasa akmang edad ng genre.

These stories promise new perspectives of its age.

EROTICA

Ang genre ng sensuality, sexual fantasies, sexual impulses, sexual desires, sexual escapades, at sexual relationships. Ang erotica ay dapat na sexually arousing pero hindi pornographic. Karaniwang may sensitibo at masinsing detalye ng sex. Maaaring maglarawan ng sexual relationship sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.

These stories promise sexual stimulations. Hindi ito laging happy ending.

HORROR at PARANORMAL

Ang genre ng katatakutan, lamanlupa, halimaw, demonyo, multo, maligno, sumpa, at iba pa. Karaniwang madilim at makapanindig-balahibo. Karaniwang may banta ng kamatayan o pagkabulid sa kadiliman.

These stories promise scares. Hindi laging sigurado ang kaligtasan ng mga bida o ang tuluyang pagkagapi ng mga kalaban.

MYSTERY at CRIME

Ito ang genre ng mga kasong kailangang resolbahin, mga nawawalang kailangang hanapin, mga kriminal na kailangang hulihin, at mga misteryong kailangang tuklasin. Karaniwang nakasunod ang mga bida sa mga clues, hints, at kahina-hinalang taong posibleng lumutas sa misteryo o krimen.

These stories promise mind-boggling answers.

POLICE PROCEDURALS at DETECTIVE STORIES

Katulad ng Mystery at Crime genre, ang Police Procedural at Detective Stories ay may mga kasong kailangang resolbahin, mga nawawalang kailangang hanapin, mga criminal na kailangang hulihin, at mga tanong na kailangang sagutin. Ngunit kaiba sa Mystery at Crime, ang genre na ito ay nakapokus sa mga teknikalidad at pamamaraan ng pangangalap ng ebidensiya, pagpoproseso ng ebidensiya, at pagsusuri sa crime scene. Ang bida ay laging pulis o detective na naghahanap ng kalutasan.

These stories promise the triumph of the police force or the detective.

SUSPENSE at THRILLER

Ang genre ng mga panganib na kailangang lagpasan, mga killer na kailangang pagtaguan, mga humahabol na kailangang takasan, at mga tiyak na kamatayang kailangang maligtasan. Karaniwang may habulan at taguan. Karaniwang nakakakaba at nakaiihi. Karaniwang nakapagpahihigit ng hininga.

These stories promise to keep us on the edge of our seat.

FANTASY

Ang genre ng mga hiwaga, mahika, diwata, genie, anito, bathala at bathaluman, at iba pang kakaibang lugar at nilalang. Karaniwang may bahid ng alamat, mito, at kuwentong-bayan. Karaniwang kagila-gilalas at hindi kapani-paniwala.

These stories promise magic and enchantment.

ADVENTURE

Ang genre ng kamangha-manghang pakikipagsapalaran, paglalakbay, at epiko. Karaniwang may banta sa kaligtasan o sa buhay ng mga bida. Karaniwang nagpapakita ng katapangan.

These stories promise grand tales of adventure.

SCIENCE FICTION

Ang genre ng ibang dimensyon, ibang mundo, ibang planeta, at future timeline. Maaaring naka-set sa malayong hinaharap. Karaniwang nakasandig sa advancement o development ng siyensiya at teknolohiya.

These stories promise a taste of an advanced world and how humanity adapts to it.

HISTORICAL FICTION

Ang genre ng pagbabalik sa kasaysayan at sa nakaraan. Karaniwang naka-set sa lumang panahon. Karaniwang nakasandig sa lumang mundo, kultura, at pamumuhay.

These stories promise a taste of the past and how humanity thrived with it.

TRAGEDY

Ang genre ng kabiguan at kamatayan. Karaniwang mapanakit at malungkot.

These stories promise death, grief, loss, and how we confront it.

Dagdag pang genre:

VAMPIRE

Isang bagong genre na tungkol sa mga nilalang na walang kamatayan, sumisipsip ng dugo, at may kakaibang mga galing o kapangyarihan. Karaniwang nagpapakita ng kanilang pamumuhay, mga suliranin, at mga pagsubok sa paninirahan kasama ng mga mortal na tao.

These stories promise amazement of the said race. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon