May mga kuwentong nagbubukas sa Prologue o Prologo. Hindi laging kinakailangan ang prologo ngunit kung isusulat, ito ay dapat na magpakita ng mga sumusunod:
FUTURE PROTAGONIST
Ipinapakita ang pangunahing tauhan pagkatapos nang lahat ng kaganapan sa kuwento.
Think of a character writing a memoir, revealing how his life came to be.
PAST PROTAGONIST
Ipinapakita ang isang malalim o mahalagang bahagi ng nakaraan ng pangunahing tauhan.
Think of a character's chaotic past that changed how he views the world.
DIFFERENT POINT OF VIEW
Ipinapakita ang isang pangyayari na nasa pananaw ng tauhang maaaring may kinalaman o wala sa pangunahing tauhan, ngunit siguradong may kinalaman sa kabuuan ng kuwento.
Think of horror stories and the sneak peek into the tragedy that befell past victims that will soon threaten the protagonist.
BACKGROUND PROLOGUE
Ipinapakita ang maikling kasaysayan na kinakailangang malaman ng mambabasa upang lubos na maunawaan ang kuwento.
Think of epic stories and the background about lineage, myths, and legends that we have to hear first, before diving into the story.
Sa madaling salita:
When written for necessity, the prologue furthers plot and adds flavor to the story. Unnecessary prologue, however, becomes a nuisance to jumpstarting the story.
BINABASA MO ANG
Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)
Non-FictionSaan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bakit may setting? Aling point of view ang dapat na gamitin sa pagsulat? Kailan dapat maglagay ng Prolo...