To Epilogue or not to Epilogue?

1.2K 45 1
                                    

Katulad ng Prologo, hindi laging kinakailangan ang Epilogue o Epilogo upang isara ang kuwento. Ngunit kung isusulat, ito ay para sa mga sumusunod:

Wrapping up story events

Ang Epilogo ay dapat na nagsasara sa lahat ng mga hibla at kawing ng mga pangyayari sa loob ng kuwento.

Think of fantasy stories where the epilogue shows us what happened to that magic ring or that magic door that the characters missed the chance to get back to.

Highlighting consequences and results of events

Ipinapakita ang mga konsekuwensiya at kinahinatnan ng mga tauhan sa kuwento.

Think of a crime story where the epilogue shows us what happens to the culprit in jail.

Suggesting the future of the characters

Ipinapakita ang mga posibleng hinaharap ng mga tauhan.

Think of family stories where the epilogue shows us how everybody else is getting back to their lives and chasing or getting breaks after the story.

Opening or hinting the sequel

Nagpapakita ng teaser sa maaaring karugtong ng kuwento o nobela.

Think of hero stories where the epilogue shows us yet another villain or another superhero undetected in the area.

Ayon kay Elmore Leonard:

I try to leave out the parts that people skip.

Ang fiction ay repleksiyon ng tunay na buhay ngunit mas interesante. Sa fiction ay may sagot ang mga tanong, may hustisya ang mga pangyayari, at may pagkaunawa sa bawat simula at wakas. Ang fiction ay ang mas makahulugan at malaman na pagsasalaysay ng buhay.

ANG MABUTING BALITA:

Ang plot o story line ay kawing-kawing na mga pangyayaring bumubuo sa kuwento. Maaaring napakaraming parte ng kuwento ang ating masilip. Maaari din namang kulang na kulang. Upang makatapos ng isang buong kuwento, parte ng pagsusulat ang malito sa kung saan magsisimula, paano pipiliin ang mga pangyayari na magpapadaloy sa narrative, at kailan tamang magwakas. Madalas tayong magtatanong kung dapat bang may Prologo o may Epilogo. Maghahanap tayo ng rurok at kahulugan sa bawat kuwento.

But a writer who follows the story and tries to write it to its truest form will always transcend the demands of writing and come out successful. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon