Why learn about Point of Views?

808 41 0
                                    

The glass of water that is half-full and half-empty is a matter of point of view. The grass that is always greener on the other side is also a matter of point of view. Gayundin, sinabi ni Simone de Beauvoir:

Representation of the world, like the world itself, is the work of men; they describe it from their own point of view, which they confuse with the absolute truth.

Ang mundo ay isang malaking baso na maaaring puno o hungkag ang kalahati. Ito ay maaaring bahagi ng bakuran na laging nakatanaw sa matitingkad na berdeng damo ng katapat na bahay. Anuman ang totoo, tayo ay laging magbibigay ng kahulugan at interpretasyon ayon sa ating pananaw at paniniwala.

Ang pananaw at paningin natin sa mundo ay tulad ng pananaw at paningin ng mga tauhan sa kuwento. Bawat tauhan ay may sariling palagay sa mga kaganapan, kumikilos ayon sa kanilang pinagdadaanan, at itinataguyod ang kanilang sariling interes. Bawat isa ay may katotohanang pinaniniwalaan.

Dahil dito, ang bawat tauhan ay may kakayahang maglahad ng kuwento ayon sa kanilang sariling bersyon ng totoo. Ang pagdinig sa ibang pananaw ay pagdinig sa iba pang bersyon ng katotohanan. Maaaring magkakakawing ang mga bersyon, ngunit mas madalas itong maaaring magkasalungat. That makes every point of view complicated but interesting.

Kaya naman, ang pagtuklas sa eksaktong Punto de Vista ng bawat isang kuwento ay lakas at kapangyarihan na nasa palad ng manunulat. Sa eksaktong Panauhan, mas makinang at malinaw ang kuwento. Mas napatitibay nito ang salaysay ng mga pangyayari. Mas naipararanas nito ang kagandahan sa mambabasa. Mas pulidong naisisilang ang kuwento sa mundo.

ANG MABUTING BALITA:

Point of View is a powerful element in a story. Nagiging gabay ito ng mambabasa sa pokus ng kuwento at nagiging kasa-kasama sa pagtuklas ng mga pangyayari. Itinatakda nito ang lalim ng emosyonal na ugnayan ng mambabasa at ng mga tauhan. Pinalalawig o pinaliliit, o pinalalapit o pinalalayo rin nito ang mga katotohanang dapat o hindi dapat na masaksihan agad ng mambabasa.

Ang pagpili sa eksaktong Punto de Vista para sa isang kuwento ay makatutulong sa lalong pagyaman at pagtingkad nito. Ang maling pagpili naman ay maaaring sumira sa kabuuan ng kuwento at mauwi sa rewriting.

Sa pag-aaral at patuloy na pagsusulat sa iba't ibang Point of View, yumayaman ang panulat ng manunulat. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz