Character-building Tips

1.4K 66 0
                                    

Bukod sa limang pamamaraan ng characterization, narito ang iba pang tips para sa isang buhay at humihingang tauhan.

Focus on the specific and the remarkable

When describing the physical appearance and clothing of the character, focus on specific and remarkable details instead of listing adjectives.

Isang pagkakamali sa pagsulat ang pag-iisa-isa ng lahat ng parte ng mukha at katawan ng isang tauhan, kahit na hindi naman ito kinakailangan; una, dahil hindi mauutusan ang imahinasyon ng mambabasa sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa lahat ng parte ng katawan; at ikalawa, dahil ang mahabang listahan ay nakapapagod sa imahinasyon.

Maaari nating sabihin na ang isang tauhan ay matangkad, makurba, maganda, at may mahabang buhok ngunit hindi katangi-tangi ang larawang makikita ng mambabasa sa kanyang isipan. Subalit kung sasabihin nating ang tauhan ay may alon-along buhok at ang bilugang mga mata ay lagi nang parang iiyak, mas buhay ang imahen nito.

Gayundin, kapag naglalarawan tayo ng kasuotan, hindi lang dapat ang uri ang ating inilalarawan kundi ang ilang partikular na detalye nito—kulay, kalagayan ng tela, lapat sa katawan, atbp.

Halimbawa, makikita ang pagkakaiba ng dalawang paglalarawan na ito:

Luma ang suot niyang damit.

Kupas, tastas sa laylayan, at makapal ang himulmol ng bestidang suot niya. Daga ang tawag sa kanya ng nakararami dahil sa karaniwang kulay ng kanyang mga damit—patay na abuhin.

Mas madetalye at partikular ang paglalarawan, mas malinaw ang imahen.

Focus on the unique, the particular, and the extraordinary

When writing about a character's personality, focus on what would distinguish the character from everyone else.

Maaaring maraming taong matapat ngunit katangi-tangi ang isang tauhan na kapag nagsisinungaling ay nangangati ang ilong. Maaaring maraming taong matapobre ngunit katangi-tangi ang isang tauhan na napapatili makakita lamang ng taong gusgusin. Maaaring maraming taong mandarambong ngunit katangi-tangi ang isang tauhan na hindi nambibiktima ng mga bulag at may kapansanan.

The things that make a character unique or even strange make him remarkable. The things that distinguish a character apart from everyone else make him particular. The things that make the character more interesting than ordinary make him extraordinary.

Use body language

When writing about a character's action and behavior, include the subtlety of body language.

Tulad sa sikolohiya, ang body language ng tauhan ay nagpapakita ng kanyang iniisip at nararamdaman. Maaaring sabihin na ang isang tauhan ay may kumpiyansa at mapatutunayan ito ng taas-noo niyang paglalakad at pakikisalamuha sa ibang tao. Maaaring sabihin na ang tauhan ay mahinahon ngunit iba ang ipakakahulugan sa kuyom niyang kamao at nagtitimping kibot ng kanyang labi.

Gayundin, ang paggamit ng body language sa pagbibigay-kilos sa tauhan ay nakatutulong para bawasan ang napakaraming telling sa kuwento. Kaysa sabihing ang tauhan ay nagagalit nang dumating sa loob ng silid, mas epektibo kung ilalarawan kung paano niyang pabalyang binuksan at isinara ang pinto, at paano niyang sinipa ang kanto ng sariling kama, bago kuyom ang kamao at mariin ang pagkakapikit ng mga mata na nagpatirapa sa higaan.

Use dialogues

Isa sa neglected ang diyalogo sa character development. We might think there's nothing in dialogue to help us build character, but there's more to it than just conversation written for the purpose of story movement.

Nagpapakita ng katangian ng tauhan ang pagpili niya ng salita, paraan niya ng pagsasalita, at maging kung kailan lang siya nagsasalita kahit na kinakausap. Sa halip na sabihing mapangmata ang isang tauhan, maaaring ipakita sa diyalogo kung paanong sa gitna ng reklamo ng mga empleyado o kasambahay, ang sagot niya ay puro pag-uutos. Sa halip na sabihin lang na masunurin ang isang tauhan, maaaring ipakita sa diyalogo na itinatanong pa niya ang pagkakasunod-sunod ng mga dapat niyang gawin, ayon sa ikasisiya ng nagpapagawa.

Ang maiiksing pagsagot—pagsang-ayon man o pagtanggi—ay nagpapakita ng katangian ng tauhan. Gayundin naman ang gaspang o pag-iingat niya sa pakikipag-usap sa iba.

Flaws

Ever heard of "perfect characters are boring characters?"

Ang mga perpektong tauhan na may perpektong buhay ay hindi lamang hindi kapani-paniwala—hindi rin sila interesante. Hindi tayo nasasabik sa mga tauhang hindi magigipit o mahihirapan, hindi magtitiis o magkakamali, at ni hindi magsisisi o manghihinayang. If we can't relate to them, we can't feel them. If we can't feel them, we won't care about them. At unang pangangailangan ng isang kuwento ang pakialam ng isang mambabasa.

Bilang manunulat, minsan ay gusto nating ibigay ang lahat ng maaari nating ibigay sa isang tauhan. We want them to be pretty, and smart, and skillful, and rich. Ngunit kung wala sila ni isang pagkukulang o pagkakamali, kung hindi sila magigipit o mahihirapan sa kuwento, wala ring kuwento.

Maglagay ng flaw—pagkukulang, pagkakamali, paghihirap, pagtitiis, pagsubok. Tandaan: challenges and pain define a character. Kung magagawa nating makadama gamit ang kanilang puso at magagawa nating lumuha gamit ang kanilang mga mata, magagawa rin nating maging bahagi ng kuwento. Titiisin natin ang kanilang paghihirap at liligaya tayo sa kanilang tagumpay.

Don't settle for a perfect character with a perfect, unchallenged life.

Use setting

Ano ang itsura ng silid o pamamahay ng tauhan? Makulay ba ang kanyang mga gamit o hindi? Mamahalin ba ang kanyang mga kasangkapan o hindi? Mababasagin ba o gawa sa salamin?

Gamitin ang tagpuan upang lalo pang ipakita ang katangian ng tauhan. Ang kulay, uri ng kagamitan at kasangkapan, laki o liit ng espasyo, ay nagpapakita ng preferences at comfortability ng tauhan. Gayundin, kung asiwa sa mataong lugar ang tauhan, o kabado siya sa lugar na madidilim, o kimi siya sa sopistikadong lugar, o kampante sa transportasyon, nagpapahiwatig ito ng iba't iba niyang kalagayan.

Show the character reacting and interacting in different settings to further character details.

Build antagonists, too

Kung importante ang mga detalye ng pangunahing tauhan, importante rin ang mga detalye ng katunggali. The antagonist poses direct challenge to the protagonist. Siya ay dapat na humihinga rin at nabubuhay na tulad ng bida. Maaaring hindi lahat ng detalye ng kontrabida ay maipakita o mailagay sa kuwento, ngunit ang isang buhay na tauhan bilang katunggali ay hindi mahihigitan basta ng bida.

Build the antagonist, too. You may not write him now, but who knows what will happen later?

Ang sabi ni Ray Bradbury:

First, find out what your hero wants, then just follow him.

Ang buhay na mga tauhan ay hindi maliligaw at hindi magliligaw ng kuwento. If we know our character or characters, our next job is to get out of the way of telling the story.

ANG MABUTING BALITA:

Magkasamang ginagamit ang direct at indirect characterization upang magpakilala ng isang tauhang credible, relatable, at complementary sa kabuuan ng kuwento. Poor characterization leads to character inconsistency and character inconsistency leaves plot holes. Fortunately, there are ways to improve characterization. Para sa isang buhay at humihingang tauhan, huwag kalimutang ilarawan at idetalye ang kanyang physical appearance, actions, speech patterns, thoughts, and effects on other characters. Maglaan ng oras sa character-building. Interview your character. Learn about them before writing them and learn about them as you write them.

Ang isang tauhang kinilala at kinaibigan muna natin ay hindi tayo ililigaw sa pagsulat ng kuwento.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now