Chapter 1- Satan's Daughter

44K 344 37
                                    

Ako si Ramz Vega at ako'y Second year college student sa Down Town University. Business Administration ang kinuha kong kurso, kasi gusto kong maging business man. Hindi ako pala-kaibigan na tao at wala pa akong nagiging girlfriend. Wala kasing ibang mahalaga para sa akin kundi ang makakuha ng mataas na grades at maging numero uno sa klase.

Mahirap lang kasi kami at kung hindi pa dahil sa scholarship program ng aming munisipyo ay hindi ako makakapag-aral ng college. Kaya naman lahat ng oras ko ay ginugugol ko lang sa pag-aaral. Wala akong paki-elam sa mga taong nasa paligid ko. Hindi na ako muling nakipag-kaibigan simula nang traydurin at lokohin ako ng dati kong kaibigan.

Para sa akin hindi naman mahalaga ang kaibigan, dahil nandyan lang naman sila kapag may kailangan sila. Ayaw kong mag-aksaya ng oras para sa walang kwentang bagay na yan. Nandyan naman ang mga kaibigan kong libro at bukod sa hindi ka nila iiwan, marami ka pang matututunan sa kanila.

Sa bandang dulo ako ng First Row nakaupo at katabi si Janela Miranda na ngayon ay hindi na pumapasok dahil sa ginawa niyang gulo. Usap-usapan sa buong campus ang ginawa niyang panghahampas ng laptop sa mukha ng isang estudyanteng lalake na naging sanhi ng pagkaka-ospital nito. Pagkatapos ng trahedyang yun ay hindi na muling pumasok si Janela sa lahat ng klase namin.

Kumakain ako ng lunch sa canteen nang biglang may lumapit sa aking estudyante. Hindi ko siya mamukhaan, pero sabi niya kaklase ko daw siya. Tignan mo, maging kaklase ko hindi ko kilala. Wala kasi talaga akong paki-elam sa paligid ko.

"Ano nga pala ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang ngumunguya ako.

"Pinapatawag ka kasi ni Mrs. Reyes sa office." sabi niya.

Nagulat naman ako, kung bakit ako pinapatawag ni Mrs. Reyes sa office kaya naman tinanong ko siya.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, basta pumunta ka nalang." sagot niya sabay tumalikod siya at naglakad palabas ng canteen.

Wala akong ideya kung bakit ako pinapatawag, kaya naman binilisan ko ang pagkain at nagtungo agad ako sa office.

Kumatok ako sa pinto ng opisina ng mga guro at pinagbuksan naman ako agad. Tinanong ko ang taong nagbukas ng pinto kung nasaan ang lamesa ni Mrs. Reyes at mabilis naman niya itong itinuro.

Pumasok ako at nilapitan si Mrs. Reyes.

"Oh, nandito ka na agad?" gulat na tanong niya at inalok niya ako na umupo.

"Ma'am, bakit niyo po ako pinatawag?" diretsong tanong ko sa kanya.

"May hihilingin sana ako sayo, Ramz. Kung pwedeng pumunta ka naman sa bahay nila Janela." sambit niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mrs. Reyes, kaya naman agad ko siyang tinanong.

"Ma'am, bakit ako? Hindi naman kami close nun, eh."

"Eh, kasi diba? Ikaw ang katabi niya sa upuan kaya alam kong mas close kayo kesa sa ibang kaklase niya."

Napaisip ako sa sinabi ni Mrs, Reyes. Ganito na pala sa panahon ngayon, kapag magkatabi kayo ng upuan ng kaklase mo ay close na kayo.

"Don't worry, Ramz. May kapalit namang reward ang gagawin mo. Sa darating na midterm exam ay plus five ka sa akin." alok niya at nakangiti ito ng nakakaloko.

Gusto ko sanang sabihin kay Mrs. Reyes na palagi naman akong perfect sa exam niya at hindi ko kailangan ng plus five. Pero ayokong sabihin ito dahil baka magalit siya.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon