Chapter 4- The Admirer

7.4K 216 16
                                    

Alas-nuebe ng umaga nagsimula ang midterm exam namin. Tulad ng inaasahan ko, lumabas na ang nakatagong kakayahan ni Janela. Ang kakayahang mangopya. Animo'y kasing bilis ng kidlat ang mga mata niya sa pagtingin ng papel ng iba. Maging ang prof. nga namin ay hindi siya mahuli-huli sa husay niya. Napansin ko sa kanya na sanay na sanay siya sa pangongopya. Grabeh!! Dinaig pa niya si kuya Kim. #MATANGLAWIN.

Madali lang ang exam namin, kaya mabilis ko itong natapos. Kaya naman pasimple ko siyang tinitignan sa ginagawa niya. Nagtataka ako, kung bakit hindi siya nangongopya sa'kin. Eh, ako naman ang mas malapit sa kanya at di-hamak na mas matalino naman sa iba. Naisip ko, siguro nahihiya siyang mangopya sa taong mahal niya. Hahaha! Malas niya, nagkagusto siya sa akin.

Pagkalipas ng apat na oras ay nag-uwian na kami. Hindi na ako nagpaalam kay Janela, dahil baka pilitin na naman niya ako na magpunta sa amusement park. Naglalakad ako palabas ng DTU, nang biglang salubungin ako ng tatlong babae. Base sa organizational shirt nila, estudyante sila sa College of Education.

Napahinto ako at huminto din sila sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin, kaya tinanong ko sila.

"May kailangan kayo?" tanong ko at nagtinginan silang tatlo. Napansin ko ang isang estudyante, na nakayuko at tila nahihiya sa akin. Narinig ko na ibinulong ng isang babae sa kanya.

"Ibigay mo na."

Hindi ko alam kung ano ang problema nila, nagulat na lang ako nang iabot sa akin ng babaeng nakayuko ang isang pink na sobre. Kinuha ko naman ito at bigla na lang silang nagtakbuhan. Napakamot ako sa ulo. Sa isip-isip ko, ang dami pala talagang weird sa mundo.

Umupo muna ako sa gilid para tignan ang laman ng pink na sobre. Nagulat ako at namula ng mabasa ko kung ano ang nakasulat sa loob.

Hi Ramz!

Ako nga pala si Erika De Guzman. I'm an Elementary Education Student. Sumulat ako sayo.. kasi wala akong lakas ng loob para kausapin at lapitan ka.  When I first saw you.. kumakain ka nun sa canteen. Nahihiya man akong sabihin pero.. na-Love at first sight ako sayo.. Simula nun hindi ka na nawala sa isip ko. Sana maging malapit tayong kaibigan.. kahit kaibigan lang.. mag iingat ka palagi.

-Erika :-)

Hindi ko maintindihan, pero parang huminto ang oras ng mga sandaling yun. First time ko kaya na makatanggap ng love letter mula sa admirer. Ang sarap pala ng feeling na alam mong may mga taong nagkaka-gusto sayo. Una si Janela, ngayon naman yu'ng Erika. Hindi ko maiwasang mapangiti ng wagas. Sa isip-isip ko, napaka-gwapo ko pala. Oh, wag ka ng kumontra!! Umayos ka! Magbasa ka na lang.

Nakauwi ako ng bahay at agad kong pinalitan si mama sa pagbabantay ng tindahan. Habang nakaupo ako at nagbabantay ay binasa ko na namang muli ang love letter. Ewan ko ba kung bakit gusto kong paulit-ulit na basahin yu'ng sulat. Ang alam ko lang, masaya ako pag nababasa ko ito.

Kinabukasan.

Habang papasok ako ng DTU ay nakita ko si Erika na nakatambay sa gate. Nakatingin siya sa akin at parang hinihintay niya talaga ako na dumating. Hindi ko alam, pero hindi ko na siya kayang tignan ng matagal. May hiya na akong nararamdaman sa kanya. Nilapitan niya ako at binati.

"Goodmorning, Ramz!" nakangiti niyang bati sa akin.

Tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanya.

"Ramz, gusto sana kitang imbitahang magkaraoke bukas kasama ang mga friends ko." sambit niya at hinawakan niya ang kanang kamay ko. Tila naninigas ang buong katawan ko ng mga oras na yun. Ang lambot ng kamay niya. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang taglay niyang ganda.

My Evil GirlfriendWhere stories live. Discover now