Chapter 14- Confused

5.6K 168 11
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, dahil nasisilaw ako sa liwanag. Wala akong ideya kung nasaan ako at napansin ko na lang na natutulog si Mama sa gilid ko. Pinilit ko siyang hawakan pero nahihirapan akong igalaw ang kamay ko. Nanghihina ako ng mga oras na yun at maging ang ulo ko ay hindi ko maigalaw, dahil naka-neck brace (cervical collar) ako. Nararamdaman ko rin na may mga nakatapal sa mukha ko. Tanging mga mata ko lang ang paikot-ikot sa silid na yun, pero wala akong ideya kung saan ako naroroon. Maya-maya ay may narinig akong nagbukas ng pinto at may lumapit sa akin na babae na naka-kulay puti ang suot. Napangiti siya ng makita niya ako at bigla niyang ginising si Mama, naririnig ko ang mga sinasabi siya.

"Ma'am, gising po. Dumilat na po ang mata ng anak niyo." sambit ng babaeng naka-puting damit. Agad namang napatayo si Mama at nakita kong ngumiti siya.

"Salamat sa diyos at nagising ka na anak." sambit ni Mama at mabilis niya akong niyakap.

"Ma, nasaan ako?" mahinang tanong ko.

"Nandito ka sa ospital anak! Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sayo?" tanong ni Mama sa'kin.

Napaisip ako at bigla kong naalala na pinagbubugbog nga pala ako ng apat na kalalakihan.

"Sobra akong nag-alala, anak! Akala ko hindi ka na magigising. Walong araw ka na kasing tulog." umiiyak si Mama, habang nagsasalita.

Sa isip-isip ko, napakasama kong anak. Kasi pinag-alala ko ng husto si Mama. Maya-maya lang ay bigla kong naalala si Janela.

"Ma, si Janela po? Kamusta na siya?" tanong ko.

"Walang nangyaring masama sa kanya anak. Kauuwi lang nilang dalawa ni Erika. Buong gabi silang nagbantay sayo." sagot niya.

Napangiti ako sa aking narinig at dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata, dahil nakaramdam agad ako ng pagod.

"ANAK!! ANAK!! GUMISING KA!! NURSE!! NURSE!!" nagtatarantang sambit ni Mama, habang niyuyogyog ang balikat ko.

"SShhhhhhh... Ma, wag ka ngang maingay... nakapikit lang ako... matutulog muna ako." sambit ko.

"Ay ganon ba, anak.. Sorry!.. sige magpahinga ka na." at hinalikan niya ako sa may noo ko.

Hindi ko naman masisisi si Mama, kung grabe siyang mag-alala. Grabe ba naman ang nngyari sa akin at muntik ng malagay sa panganib ang aking buhay. Mabuti na lang mabait ang diyos at binigyan  pa niya ako ng pagkakataong mabuhay. Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok at nakatulog na ako.

Lumipas ang ilang linggo at tinanggal na ang brace na nakakabit sa leeg ko. Nakakaupo na rin ako at nakakasandal na sa may head board ng higaan. Naigagalaw ko na ang buong katawan ko at wala na ang dextrose na nakakabit sa braso ko. Maayos na ang pakiramdam ko, pero hindi ko maintindihan, kung bakit hindi pa ako binibigyan ng clearance ng duktor. Ilang sandali pa ay dumating na si Mama at kasama niya si Ninang Joy. May dala-dala silang cake at softdrinks.

"Kamusta na ang inaanak ko?" nakangiting tanong ni Ninang Joy.

"Okay na po ako, Ninang. Hindi ko nga alam kila Mama, kung bakit ayaw pa nila ako ilabas dito eh." sagot ko at agad namang nagsalita si Mama.

"Naku! Naninigurado lang kami. Baka mamaya pag-uwi natin, may maramdaman ka na namang sakit sa katawan. Mahirap na!" sambit niya.

Maya-maya ay nagpaalam muna si Mama na lalabas, dahil aalamin daw niya sa cashier kung magkano na ang aming hospital bill. Naiwan kami ni Ninang sa silid, kinakausap naman ako ni Ninang ng mga sandaling yun.

"Ano ba kasi ang nangyari sayo sa nakakatakot na lugar na yun?" tanong niya.

Sinagot ko naman siya at kinwento ko ang lahat ng nangyari sa loob ng lumang gusali. Tahimik siyang nakikinig sa kwento ko at ng matapos akong magsalita ay bigla naman siyang nagtanong.

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon