Chapter 7- Parting Time

6.6K 182 14
                                    

Pumasok ako sa aming pangalawang subject, dahil alam ko na mag-bibigay si Mr. Rodriguez ng short quiz. Bago ako pumasok sa classroom namin ay sinilip ko muna kung ano ang ginagawa ni Janela. Nagtaka ako, dahil wala siya sa loob. Napaisip ako, siguro hindi din siya pumasok sa first subject namin. Mabilis akong pumasok sa classroom namin at umupo.

Nakatingin sa akin ang mga kaklase ko, marahil nagtataka sila dahil ngayon lang ako umabsent sa isang subject namin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagbasa na lang ako ng libro. Maya-maya ay dumating na ang prof. namin at wala pa rin si Janela. Hindi ko maintindihan, pero bigla na lang akong kinabahan. Parang may hindi magandang mangyayari.

Natapos ang klase namin at nag-lunch break na kami. Palabas na ako ng classroom nang salubungin ako ng isang estudyante at pansin ko ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"Ramz!! Si Janela, may binubugbog na estudyante!" mabilis na sambit nito.

Bigla akong kinabahan, kaya agad ko siyang tinanong.

"Saan??"

"Sa building ng college of education!!" sagot niya.

Sobra akong kinabahan kaya naman mabilis akong nagtungo doon. Naisip ko, malamang si Erika yun. Binilisan ko pa ang pagtakbo at wala akong paki-elam, kahit may mga nabubunggo na akong estudyante. Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun. Kailangan kong iligtas si Erika, mula sa galit ni Janela.

Nang makarating ako sa building ng College of Education ay natanaw ko agad ang kumpulan ng mga estudyante doon. Nagulat ako nang makita ko na sakal-sakal ni Janela si Erika at may hawak itong baseball bat. Umiiyak at nagmamakaawa na si Erika, pero parang walang naririnig si Janela. Nanlilisik ang mga mata nito at tila handang pumatay ng mga sandaling yun.

Agad kong hinawakan ang balakang ni Janela at malakas kong hinila ito. Natanggal ang kamay niya mula sa leeg ni Erika at bigla siyang natumba sa lakas ng paghila ko. Mabilis kong nilapitan si Erika at nakita kong may mga dugo sa mukha nito. Napayakap si Erika sa akin at humagulgol ng iyak. Awang-awa ako sa sinapit niya sa kamay ni Janela.

"Sorry, nahuli ako ng dating." bulong ko kay Erika at mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa'kin.

Nilingon ko at tinignan ng masama si Janela. Nakita ko na may luha siya sa kanyang mga mata. Nakatingin siya sa kanyang mga kamay na tila hindi niya alam ang ginawa niya. Galit ang tanging nararamdaman ko, nang mga oras na yun. Nakatingin ako sa kanya at nagsalita.

"Sobra na! Hindi ko na kaya." sambit ko. Napatingin siya sa akin at patuloy paring tumutulo ang kanyang luha.

"Natitiis ko ang mga kalokohan mo, kahit masama na ang tingin sa akin ng mga tao... Kahit iniisip ng mga tao na kasabwat kita.. Binabalewa ko lang...pero sa ginawa mo'ng ito... ang saktan ang isang inosenteng tao, na wala namang ginawang masama sayo.... walang kapatawaran, Janela!!" inis na sambit ko.

Natulala si Janela sa akin at walang tigil ang pagtulo ng luha niya sa mata. Tanging galit lang ang nararamdaman ko para sa kanya ng mga oras na yun.

"Simula sa araw na ito. Pinuputol ko na ang anomang ugnayan ko sayo, Janela." muli kong sambit. Napatayo si Janela at naglakad palapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagmakaawa

"Ramz, wag mong gawin sa'kin ito. Please... please, Ramz... wag.." pagmamakaawa niya, habang patuloy sa pag-iyak.

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinalikuran ko siya. Itinayo ko si Erika at inakay papuntang clinic. Hindi na siya muling sumunod pa. Masakit man sa akin na putulin ang ugnayan ko sa kanya, pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin yun, para wala ng madamay na tao na malapit sa akin.

My Evil GirlfriendWhere stories live. Discover now