Chapter 10- The Game

6.5K 179 10
                                    

Tanghali na akong nagising kinabukasan, dahil madaling araw na kaming naka-uwi ni Janela. Hanggang sa jeep ay hindi ko maiwasang maka-tulog. Kung hindi pa dahil sa miss call ni Erika, malamang tulog pa rin ako hanggang ngayon. Naglalakad na ako papasok ng DTU, nang makita ko si Erika na naghihintay sa labas ng gate.

Nagtataka ako, kung bakit hindi siya nakasuot ng uniform. Agad naman niya akong nilapitan at hinalikan.

"Babe, bakit ngayon ka lang?" tanong niya.

Napangiti ako at napakamot sa ulo.

"Sorry, Babe. Tinanghali ako ng gising eh." sagot ko.

"Bakit naman?"

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Ayoko namang sabihin na pumunta ako sa amusement park at kasama ko buong gabi si Janela. Malamang magagalit siya sa akin, kaya naman nag-isip na lang ako ng idadahilan sa kanya.

"Ah.. kasi, Babe. Nagreview ako magdamag eh. May exam kasi kami ngayon." pagsisinungaling ko.

"Ahh.. Ganon ba.. Anyway, Babe. Tatlong araw akong mawawala." sambit niya.

"Huh?? Bakit naman, Babe?" tanong ko.

"May educational tour kasi kami sa Paoay Ilocos Norte eh. Medyo malayo yun, kaya aabutin kami ng tatlong araw."

"Ah, ganon ba, Babe... Oh sige, ingat ha? Magte-text ka lagi!" sambit ko.

"Sure, Babe! Ikaw pa!.. Alam mo namang, mahal na mahal kita, eh." naka-ngiting sambit niya, sabay yakap sa'kin ng mahigpit.

"I love you, Babe." bulong ko.

"I love you more!" sagot naman niya.

Hinatid ko siya, hanggang sa tour bus nila. Sa isip-isip ko, tatlong araw ko din siyang mami-miss. Tatlong araw akong, walang kasabay mag-lunch at walang kasabay pag-uwi. Pagkapasok niya sa bus ay pumasok na rin ako sa DTU. Tumakbo na ako ng mabilis, dahil malapit na akong ma-late.

Tamang-tama lang ang dating ko sa classroom namin. Wala kaming professor sa dalawang subject, kaya naman natulog na lang ako sa klase.

Nang mag-lunch break kami ay nagtungo na agad ako sa canteen. Habang naglalakad ako ay bigla na lang lumapit si Janela sa akin at nakangiti ito ng wagas.

"Lunch break mag-isa??" tanong niya.

"Yup. Wala si Erika eh. May educational tour siya." sagot ko.

"Ahh.. kaya pala.. Ano nga pala ang oras ng next subject mo?" muli niyang tanong.

"Mga 3pm pa nga eh. Ang haba ng vacant ko. Nakaka-inis!"

Ilang sandali pa ay nakarating na kami ng canteen at sabay kaming kumain. Habang kumakain kami ay patuloy kaming nag-uusap tungkol sa nangyari sa amin kagabi sa amusement park. Ayoko sanang pag-usapan yun, dahil kumakain kami. Pero wala siyang tigil sa kasasalita.

Nang matapos kaming kumain ay sabay kaming lumabas sa canteen. Niyaya niya akong tumambay sa lugar kung saan masarap humiga. Tinanong ko, kung saang lugar yun pero hindi niya sinabi. Ang sabi niya sundan ko na lang daw siya at wag na akong magtanong pa.

Habang naglalakad kami ay natanaw ko agad ang baseball field. Napaka-laki nito at napaka-lawak. Nang pumasok kami sa loob ay nakita naming may mga players dun na nagpa-praktis, kaya napahinto kami.

"Ooops! Shit! May mga players, tae!" sambit niya at napakamot siya sa ulo.

"Tara sa iba na lang tayo. May practice ata sila ngayon." pagyayaya ko sa kanya.

My Evil GirlfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora