Chapter 5- Weird Feelings

7K 218 28
                                    

Nakarating ako ng amusement park ng alas-otso ng gabi at nagulat ako sa taglay na laki nito. Sa isip-isip ko, paano ko hahanapin ang isang tao sa laki at lawak ng lugar na ito? Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung kaya ko ba siyang hanapin sa dami ng tao na naroroon.

Nagsimula na akong maglakad para hanapin si Janela. Wala man akong ideya kung nasaan siya ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap. Ang tanging mahalaga lang sa akin ay ang mahanap siya at wala akong paki-elam kung mahirapan man ako. Halos kalahating oras na akong naglalakad, pero hindi ko pa rin siya makita. Pagod na pagod na ako ng mga oras na yun at gusto ko ng sumuko. Umupo muna ako sa isang tabi para magpahinga.

Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na isang matandang babae. Kulot ang buhok nito at napaka-weird ng suot na damit. Napatingin ako sa kanya at bigla siyang nagsalita.

"Mukhang may hinahanap ka, iho." sambit niya.

Nagulat naman ako, kung paano niya nalaman na may hinahanap ako.

"Meron nga po, ate. Paano niyo po nalaman?" sagot ko.

Tinabihan niya ako sa pagkakaupo at kinausap.

"Kanina pa kasi kita nakikita na parang may hinahanap ka."

Napalingon ako sa kanya at tahimik na nakikinig.

"Hindi mo siya makikita, kung gagamitin mo ang iyong mga mata." muli niyang sambit.

Naguluhan ako at napakunot ang noo sa sinabi niya, kaya naman tinanong ko siya.

"Eh, ano po ang gagamitin ko?? Ilong ko, po? Eh, di para na po akong aso nun." pabirong sambit ko.

Natawa siya sa sinabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Ikaw talaga, iho. Napaka-pilosopo mo." sambit niya habang patuloy sa pag ngiti.

Napangiti din ako, ang weird kasi ng sinabi niya. Maya-maya pa ay muli siyang nagsalita.

"Subukan mong gamitin ang puso mo para hanapin siya."

Nagsimula na akong maging interesado sa sinasabi niya at tahimik akong nakikinig.

"Alam mo kasi, iho. May mga bagay na nakikita ang puso mo, na hindi kayang makita ng iyong mga mata. Subukan mong pakinggan ang bulong ng puso mo at sigurado akong makikita mo ang hinahanap mo."

Napaka-lalim ng sinabi ng matandang babae, pero nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin. Tahimik akong nag-iisip ng mga oras na yun at bigla na lang pumasok sa isip ko ang Ferris Wheel. Napatayo ako at tinatanaw kung nasaan naroroon ang Ferris Wheel. Nang makita ko ito ay nagpasalamat at nagpaalam na agad ako sa matandang babae. Malakas ang kutob ko na naroroon siya. Tumakbo na ako agad ng mabilis papunta sa lugar na yun.

Papalapit na ako ng Ferris Wheel nang matanaw ko siya. Tama ang kutob ko, na nandito siya. Nagulat ako sa suot niyang damit. Naka-dress siya ng itim at nakasuot ng sandals. Kahit kelan ay hindi pumasok sa isip ko na kaya niyang mag-suot ng pambabaeng damit. Palapit na ako sa kanya nang mapansin kong nakatulala siya at may luha sa mga mata, habang pinapanood ang isang pamilya. Isang pamilya na masaya habang nakasakay sa Ferris Wheel.

Naiintindihan ko siya, siguro nami-miss na niya ang mommy at daddy niya. Naawa ako sa kanya ng mga sandaling yun, kaya naman nilapitan ko na siya.

"Sayang naman ang ganda ng make-up mo, kung buburahin lang ng mga luha mo." sambit ko.

Nagulat siya at napatingin sa'kin. Nilapitan ko naman siya para punasan ang luha niya. Hindi siya nagsasalita ng mga oras na yun, siguro nagulat talaga siya sa pagdating ko.

My Evil GirlfriendWhere stories live. Discover now