Chapter 20- Old Diary

6.3K 212 41
                                    

Lumipas ang dalawang taon at medyo naka-move on na ako sa sakit na aking naranasan. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagtratrabaho ko at hindi nagtagal ay nabili ko na nga ang bahay namin sa cainta. Ginamit ko ang sakit na naramdaman ko mula kay Janela, para mas lalo pang magsikap sa buhay. Mataas na ang posisyon ko sa kumpanya at tinatawag na rin nila akong boss. Si Mama naman ay tumigil na sa pagtitinda, dahil ayoko ng nagtratrabaho siya. May nabili na rin akong kotse, pero isang Honda Civic pa lang. Wala na akong mahihiling pa, kundi ang magkaroon na ng sariling pamilya.

Muli kong binalikan si Erika na ngayon ay isang ganap na Teacher na sa isang academy. Nang balikan ko siya, akala ko hindi na niya ako matatanggap. Pero nagkamali ako, dahil hindi nawala ang pagmamahal niya para sa akin. Walang pinagbago si Erika. Ganon pa rin siya mula ng naging kaming dalawa dati. Maalaga pa rin siya at mapagmahal. Nagpa-plano na nga kaming magpakasal sa lalong madaling panahon. Sabik na din kasi si Mama na magkaroon ng apo, kaya naman inaatat na akong mag-asawa.

Palagi ko pa rin binubuksan ang wattpad account ko. Ang dami na nga'ng nagtatanong kung bakit hindi ko na itinuloy ang kwento ng MEG (My Evil Girlfriend). Hindi ko na lang sila sinagot pa at sa halip ay gumawa na lang ako ng bagong kwento. Pinamagatan ko ang bago kong kwento na "Midnight Romance" at isa itong Vampire Story. Ito ay tungkol sa high school student na lalake na palaging inaapi sa eskwelahan, dahil sa mahirap lang siya. Ang pangalan niya ay Ramil at lihim din siyang umiibig sa kanyang kaklaseng babae na si Mikaela, pero sa kasawiang palad ay ayaw sa kanya nito. Hanggang sa isang araw, dahil sa kagustuhan niyang iligtas si Mikaela mula sa isang bampira ay nalagay sa peligro ang buhay niya at nakagat siya nito. Pagkatapos ng trahedyang yun ay hindi na muli pang nakita si Ramil. Madami din ang nagbasa ng story ko na Midnight Romance, pero hindi kasing dami ng readers ng MEG ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko tutuldukan ang kwento ng My Evil Girlfriend. Alam ko na darating ang araw na madudugtungan ko ito at matatapos, pero hindi pa sa ngayon.

Isang araw, habang nagmamaneho ako ng kotse ay bigla kong nakita si Tita Mildred na naglalakad. May kasama siyang isang lalake at isang babae. Kung titignan sa kanilang mga itsura ay kasing tanda niya ang mga ito at papasok sila sa isang sementeryo. Ang pangalan ng sementeryo ay Golden Paradise. Hindi ko maintindihan, parang may bumubulong sa aking tenga na sundan ko daw sila. Itinabi ko ang kotse malapit sa gate ng sementeryo at bumaba ako para sundan sila. Nakita ko sila na pumasok sa isang maliit na parang bahay at nasa loob na yun ang puntod. Papalapit na ako sa kanila, nang bigla akong mapansin ni Tita Mildred. Tila nagulat siya sa pagdating ko at napatingin din sa akin ang dalawang kasama niya.

"Ramz, bakit ka nandito?" pagtatakang tanong ni Tita Mildred.

Hindi ko siya sinagot at hindi ko maintindihan, kung bakit kusang naglalakad ang mga paa ko patungo sa puntod. Nagulat ako at biglang kinabahan, nang makita ko ang mga bulaklak na papel na nasa ibabaw ng puntod. Pero ang mas lalo kong ikinagulat, nang makita ko ang pangalan ng taong nakalibing doon.

Rest In Peace

Janela E. Miranda

August 18, 1988 - May 16, 2012

Kusang tumulo ang luha ko sa mata, dahil sa aking nakita. Tumatayo ang balahibo ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam, kung bakit nanginginig ang kalamnan ko, habang nakatingin sa puntod. Pakiramdam ko unti-unting nauubos ang hangin sa aking katawan. Hindi ako makahinga at parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Maya-maya ay napahagulgol na lang ako ng iyak, nang bigla akong yakapin ni Tita Mildred.

"Ramz... Wala na siya!... Iniwan na niya tayo!.." umiiyak na sambit ng Tita ni Janela. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking natuklasan ng mga sandaling yun. Kinagat ko ang labi ko, para gisingin ang aking sarili sa masamang panaginip na yun. Pero hindi ako nagising, dahil ito ang reyalidad... Wala na siya.. wala na siya. Maya-maya ay muling nagsalita si Tita Mildred.

My Evil GirlfriendWhere stories live. Discover now