Chapter 3- Confession

8K 223 27
                                    

Alas-sais na hapon ng mga oras na yun at medyo madilim na ang paligid. Kalahating oras na kaming nakaupo sa labas ng DTU at pinapapak na ako ng lamok. Tinignan ko si Janela at tahimik pa rin ito. Tila malalim ang kanyang iniisip ng mga oras na yun. Gusto ko na sanang magpaalam na uuwi, pero pakiramdam ko na kailangan niya pa ng kasama. Nagpasya akong samahan pa siya ng konti, kasi delikado para sa isang tulad niya na babae na mag-isa sa madilim na lugar na yun.

Nakaupo ako habang nagpapatay ng lamok na dumadapo sa akin, nang biglang magsalita si Janela.

"Hindi ka pa ba uuwi? Medyo madilim na." tanong niya sa akin.

"Uuwi lang ako, sa oras na umuwi ka." sagot ko sa kanya.

"Eh, di simulan mo ng maglatag ng banig dahil wala akong balak umuwi." seryosong sambit niya.

Nagulat ako sa sinabi niya at napakamot ako sa ulo.

"Hindi nga?? Seryoso??" tanong ko sa kanya at napangiti naman siya sa reaksiyon ko.

"Shunga!! Sempre biro lang yun! Tae ka talaga!" nakakaloko niyang sagot.

"Sorry ha? Hindi kasi ako sanay makipagbiruan!"

Inis na inis ako, kasi nakakagago yu'ng sagot niya. Nagtatanong ako ng maayos, tapos dinadamay niya pa yu'ng tae sa usapan. Hayyy.. Ano bang klaseng tao ito. Naturingang mayaman, pang iskwater naman ang ugali. Maya-maya ay muli siyang nagsalita.

"Ramz, bakit mo ako tinulungan?" seryosong sambit niya.

Napaisip ako at tinanong ang sarili ko. Bakit ko nga ba siya tinulungan? Ang natatandaan ko lang ay bigla ko na lang hinawakan yu'ng kahoy sa tabi ko at sinugod ang tatlong lalake. Pagkatapos napansin ko na lang na nagtakbuhan na sila. Natagalan ako bago sumagot.

"Naawa kasi ako sayo, kaya tinulungan kita." muli na naman siyang natawa ng nakakaloko.

Hindi ko maintindihan, kung bakit naiinis ako pag naririnig ko ang nakaka-asar na tawa niya. Para kasing tawa ng bruha. Tsk!..

"Mas mukha ka ngang nakaka-awa kesa sa'kin, eh!" sambit niya habang patuloy sa pagtawa.

Pinipigilan ko ang sarili ko na wag mapikon sa mga sinasabi niya. Pero sobrang nakaka-asar na. Sa isip-isip ko, walang utang na loob ang demonyitang ito. Ni-hindi man lang magawang magpasalamat. Kung kaya ko lang ibalik ang oras, pababayaan ko siyang bugbugin ng tatlong lalakeng yun. Bwisit!!

Lampas alas-siyete na nun, nang magyaya siyang umuwi. Sa wakas! Nakaramdam din siyang wala na ako sa mood. Naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep, nang bigla siyang huminto sa paglalakad at nagulat naman ako.

"Oh, bakit?" tanong ko sa kanya.

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ng mga oras na yun. Blanko ang utak ko at hindi ako makapag-react. Matagal siyang nakayakap sa akin at maya-maya ay may ibinulong siya na labis ko namang ikinagulat.

"Gusto kita, Ramz." bulong niya sa kaliwang tenga ko.

Nagulat ako at napaatras sa narinig ko. Napabitaw siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Gusto mo ako?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Tila nahiya siya at biglang napayuko.

"Oo." mahinang sagot niya.

"Teka-teka! Parang kailan lang tayo nag-usap, tapos gusto mo na ako?"

Parang nainis siya sa tanong ko at bigla na naman nag-iba ang mood niya.

"Bakit?!! Anong masama kung gusto kita?!!" pasigaw niyang sagot.

Nagulat ako sa mga sinabi niya at bigla akong natahimik. Maging siya ay naging tahimik ng mga oras na yun. Ilang sandali pa ay muli akong nagsalita.

"Bigyan mo ako ng time, para pag-isipan ang sinabi mo." sambit ko sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa sinabi ko. Natahimik kaming muli ng mga sandaling yun.

"Kahit hindi mo ako gusto, gusto pa rin kita. Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo rin ako." seryosong sambit niya.

Nabigla ako, dahil seryoso talaga siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na desidido siya sa gagawin niya. Hindi niya ako masisisi, kung nabigla man ako sa pagtatapat niya ng kanyang nararamdaman. First time ko kaya na maranasang may nag-confess ng pag-ibig sa akin. What do you expect? Sasagutin agad kita? No way! Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Easy to get ako?

Ang haba ng hair ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam, pero kahit papaano may tuwa akong naramdaman sa mga nalaman ko. Napapangiti na nga lang ako bigla sa jeep, eh. Kahit pinagtitinginan ako ng mga katabi ko, hindi ko sila iniintindi. Eh, sa masaya ako eh!!! #Lakampake!!

Nang lumipas ang ilang linggo..

Habang nagre-review ako ay panay ang pangungulit ni Janela sa akin. Pilit niyang pinapakita sa akin yu'ng flier ng isang amusement park.

"Ramz, sige na!! Punta tayo bukas dito, oh." pakiusap niya habang pinapakita sa'kin ang hawak niyang flier.

"Okay, ka lang??? Midterm Exam bukas tapos nagyayaya ka pumunta ng Amusement park?" sagot ko.

"Eh, Half-day lang naman ang exam bukas, ha?" pangangatwiran niya.

"Kailangan ko'ng umuwi ng maaga, kasi tutulungan ko sa pagtitinda si Mama."

Napasimangot naman siya sa sagot ko. Naaawa man ako sa kanya, pero hindi ko gusto ang mga lugar na maraming tao. Ayoko kasi ng maingay, mabilis akong mairita.

"Mabuti pa, mag-review ka na lang! Para hindi ka ma-zero bukas." sambit ko sa kanya.

Umupo naman siya at nilabas ang kanyang libro. Natutuwa ako, kasi sumusunod na siya sa mga sinasabi ko. Maayos na ang trato niya sa akin mula noong sinabi niyang gusto niya ako. Pero minsan pag sinumpong siya ng kamalditahan naku, umiiwas na agad ako sa kanya. Sa ngayon hindi pa siya sinusumpong, ewan ko lang mamaya.

Minsan, may napagtripan siyang mga estudyante sa kabilang building. Nakita niyang kumakain ng chocolate kisses ang mga ito at may hawak-hawak na foil na pinagbalutan ng kisses. Sinumbong niya ang mga estudyanteng yun sa professor at ang sabi niya nagsha-shabu daw ang mga ito. Pinagalitan sila ng professor at binantaan ang mga estudyante na isusumbong sa mga pulis.

Minsan din sa canteen.

May napagtripan din siyang isang estudyanteng lalake. Nilagyan niya ng ketsup ang upuan nito at nang tumayo ang estudyante ay sumigaw si Janela ng.. "Ahhhh.. May tagos!! Ahhh.. May tagos!!" Pinagtawanan ng lahat ng estudyante ang lalake. Sobra itong napahiya at tumakbo ito papuntang banyo.

Minsan naman sa Classroom namin ay natabig ng kaklase naming si Robert yu'ng bote ng mineral water niya at nabasa ang pantalon nito. Sinumbong siya ni Janela sa professor, ang sabi niya... "Sir! Si Robert, umihi sa Classroom!!" Nagtawanan ang mga kaklase ko, habang nakatingin kay Robert. Maging ako ay hindi ko na napigil ang tawa ko.

Sa ilang linggo kong nakasama si Janela ay napansin kong walang ibang laman ang isip niya kundi puro katarantaduhan. Naisip ko nga, paano kung maging girlfriend ko ang isang katulad niya? Sigurado marami akong magiging kaaway sa DTU.

Pero sa kabilang banda, masaya din naman ako pag kasama ko siya. Lagi akong tumatawa, pero kadalasan ay hindi ko maiwasang ma-miss yu'ng dating tahimik kong buhay. Ang buhay ko na gumulo mula ng papasukin ko si Janela sa aking mundo.

..

..

..

..

..

#EvilGirlfriend??

#WTF

My Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon