Chapter 5

45.6K 2.2K 241
                                    

The orientation ended, but the student council toured us around. Hindi na ako nagtakang maraming kakilala si Summer ngayong nagpakilala siyang Student Council President.

"Hello! I am Summer Knight, the president of the Phoenician Student Council." Kumpara sa kanyang karakter kanina, malumanay siya ngayon. She knows how to compose herself in situations.

"The Academy has four Castles: Wings, Tears, Eyes and Ashes. Each Castle has a unique trait and students are put accordingly to Castles. Malalaman niyo ang Castle niyo depending sa kulay ng ties niyo sa uniform," paliwanag ni Summer at doon ko napansing violet ang tie niya.

"Red for the Wings, Silver for Tears, Violet for Eyes and Gold for Ashes. Kahit na iba't iba tayo ng houses, we are still one. No one should be messing with other Castles unless it is told."

Tinalikuran naman niya kami, at nagsimulang maglakad palabas ng kastilyo. Sumunod naman kaming freshmen.

Nang makarating kami sa kahuyang tulay ay tiningnan niya pabalik ang katalisto, at tinaas ang kanang kamay doon. "This is the Pelagus Arce, or main castle in latin. D'yan makikita ang iba't ibang halls at office ng mga opisyal."

Habang naglalakad muli, napansin kong iba-iba ang Castles ng mga kasama ko ngayon, at bihira lang akong makakita ng mga kapwa ko Ashes. Hindi ko nga pala kasama si Georgia dahil hindi naman siya freshmen dito. She's my senior.

Tumigil naman si Summer sa tapat ng isang tower. Sobrang taas nito at punong-puno ng gold, silver, violet at red linings. Para itong well na sobrang taas, may structure rin ng phoenix sa tuktok na aakalain mong totoo dahil sa ganda ng pagkakagawa. It looked like a wishing well, except that it was tall as heck.

Above, the pointed roof, it also had a statue of Phoenix. Inakala kong totoo itong Phoenix dahil may optical illusion ito na parang gumagalaw, depende kung saang anggulo ka mapadpad.

Bahagya naman kaming hinarap ni Summer nang may ngiti sa labi, at sinabing, "Ito ang Phoenix Well. This serves as the home of phoenixes."

Napairit ang ilan sa'min nang may lumabas na phoenix mula sa well at umiikot-ikot sa ere. Pinanood namin ito hanggang sa mag-apoy ang kaniyang mga pakpak. May mga sumunod pang lumabas na phoenix at naglaro lang sa himpapawid.

"Wala ni isa bukod kay Goddess Phoenicia ang nakakarating sa loob, wala ring nagtatangka 'pagkat nasa labas ka palang, papatayin ka na ng mga phoenix. It's their sanctuary, pagpapatuloy ni Summer.

Tumango kaming mga freshmen, ngunit isa ang nakaagaw ng atensyon ko. Narito ang lalaking nakatinginan ko sa Phoenician Hall kanina. Ang puti niyang buhok ang nahagip ng paningin ko kaya ko siya napansin.

Habang pinagmamasdan ang kanyang mata, napagtanto kong pabalik-balik sa itim at pula 'yon. Taimtim siyang nakatingin sa balon. Bahagya pa siyang lumapit ngunit 'di siya tumuloy nang magsalita si Summer.

"Rain Evan Delvar," aniya nang may awtoridad ang boses. Kaagad namang napalingon ang lalaki at nagkatinginan sila ni Summer, tila nag-uusap sila sa mata.

Bumalik naman sa pitch-black ang kaniyang mga mata. Napigilan ko ang hininga ko nang lumingon siya sa'king direksyon at tinitigan ako. Napakunot ang noo ko't iniwasan ko nalang ang tingin niya. Kanina pa 'yan, ah?

Hindi ko alam kung napairap ako, ngunit mabilis akong sumunod sa mga kasamahan dahil nakalayo na sila nang bahagya sa'kin. Summer entered another area.

The big wooden door revealed a space in the middle. It looked like a training ground. Napalibutan ito ng iba't ibang buildings at towers.

"Dito ang mga classrooms and training field. Kaya't lagi kayong didiretso 'pag nagkaroon na kayo ng klase. Mahabang lakarin ang buong Phoenix Academy, and sorry, but we don't offer rides. You can use your magic travelling around, but you may also train your stamina or have some warm-up by walking," pagpapaliwanag ni Summer.

Phoenix AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora