Chapter 8

42.4K 1.9K 402
                                    

No way. He can't be my fylgja! Red is insane. Why the heck will I allow my past self to be tied to someone like him?!

Nagpalabas siya ng apoy, at nanginginig kong hinawakan ang espada ko. Hindi niya pa ito binabato sa'kin but malapit na. . . malapit niya na akong patayin!

Ugh, this is torture. He told me that he will train me. No'ng una ay natuwa pa ako, pero ngayon? Ha! Papatayin ata ako ng sarili kong fylgja!

"Palabasin mo ang kapangyarihan mo!" Georgia encouraged me. I didn't know how the three eventually got together as a group. Laging nariyan si Georgia para suportahan ako. . . Better yet, kunsintihin si Red!

Ibinato ni Rain sa'kin ang bola ng apoy, kaya heto ako, running to save my life! Mas lalo pang dumami ang mga fireballs, samahan mo pa ng thunderbolts! This man must be crazy. Ginigigil ako n'yan ha!

Finally, hinarap ko siya. Tumigil ako sa pagtakbo at pinatay ang apoy sa pamamagitan ng pagwasiwas ng espada ko. I swished my sword in a circular way dahil sa sobrang daming fireball.

Tumalon ako nang makitang may tatama saking apoy mula sa baba. "Are you crazy?!" Sigaw ko at nagpatuloy sa paghawi sa mga fireballs. Finally, tinigil niya na ito.

"I'm still not contented, Eris," wika niya at umiling-iling. "Enemies can kill without touching you. At ikaw, kaya mo lang pumatay kapag hahawak ka." He tsk-ed saka lumapit sa'kin.

"I can feel your energy, Eris. There's more. Release it," wika niya at ibinalibag ang espada ko. Aba! Espada ko yon!

"You're quite good with weapons but we shouldn't focus on that." Kumuha siya ng isang rose mula sa bushes. By that, alam ko na ang plano niya. Kinabahan ako sa gagawin niya He will provoke my powers. I'm sure.

"'Wag mo 'tong gawin, Red," pagbabanta ko sa kanya. Binalewala niya lang ako, mas lalo pa siyang lumapit sa'kin. "I'm sorry but you need to do this," he muttered. The petal of the beautiful rose, touched my skin. Ngunit nalanta lang ang petal. Magtataka pa ba ako?

"You are deadly, Eris. Embrace it. Accept it. Control it," wika niya. Nag-igting ang panga ko. Is he really my fylgja? Accept death?

Katanggap-tanggap ba iyon? Pinikit ko ang mata ko. I felt the soft petals run down from my skin. Pero ramdam ko ring nagiging lanta ito.

"Red." May banta sa'king boses. Gusto kong tumigil na siya sa kaniyang ginagawa. Alam kong nararamdaman niya kung ga'no ako katakot ngayon!

"Ilabas mo, Eris," iyan lang ang sinabi niya sa'kin. Nanatiling nakapaikit ang mata ko, hindi ko gugustuhing makitang mamatay ang kahit na ano with my hands.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa katawan ko, all I know is that I want him to stop. Pagod na ako, puno na ako. I have a trauma for killing.

Tumaas ang aking kamay, I felt energy and power within me, katulad noong nasa sapientiae room ako. At nang maramdaman kong lalabas na kapangyarihan ko, iminulat ko ang mata ko, some dark magic was released from my hand, malakas ito at nakatapat kay Red ang kamay ko. Malakas siyang tumalipon sa likod at narinig ko ang malakas na impact ng pagbagsak niya.

The bushes around us withered, hindi ko man nahawakan. The ground cracked, almost shattering into pieces.

"Delvar!" Natatarantang sigaw ni Georgia. Mabilis siyang nakarating sa puwesto ni Red, at hinilom siya. Napa-awang ang bibig ko, tiningnan ko ang aking kamay. May itim na aura na pumalibot sa kamay ko, it's my energy. My lethal power.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya't tumakbo nalang ako papalayo doon, hindi alam ang pupuntahan. I'm far too dangerous for this world. To exist because I am death itself. Hindi ako umiyak, pero natakot ako sa sarili kong kakayahan.

Phoenix AcademyWhere stories live. Discover now