Chapter 15

24.4K 1.1K 308
                                    

"Iyon ba ang nangyari?" Tanong sa'kin ng lalaki. Siguro'y nabasa niya ang isip ko. Tumango ako sa kaniya't tumigin sa bintana. Nagkakaroon na ng liwanag sa labas.

"Paano ako napunta rito?" Ako naman ang nagtanong habang pinagmamasdan ang mga ulap sa labas. Masyadong malapit ang ulap, hindi kaya't nasa pinakamataas kaming selda?

"Dinala ka rito ng mga alagad ng hari. Wala kang galos o kahit anong sugat noon. Alive and completely undamaged. Pinadala ka kaagad ni Haring Zachaeus sa seldang 'to. At first wala ka pang posas—" Pinutol ko ang pagkukwento niya. "Pakitanggal nga muna ng mga posas na 'to, hirap ako dito kanina pa," diretso kong sabi at inilahad sa kaniya ang dalawa kong kamay na pinagdikit ng posas.

Apoy ang ginamit niya sa pagtanggal ng posas. He melted the metal. Woah, pwede pala 'yon?

"Sorry, wala akong susi kaya't kapangyarihan ko nalang ang ginamit ko," pagpaumanhin niya na kaagad ko namang tinanguan. Cool nga eh.

"Pero kagaya ng sinabi ko kanina, bigla ka nalang nagwala habang walang malay diyan kaya't nilagyan ka na ng posas. Tatlong gabi ka na ring narito," iyan na ang huling sinabi niya.

"Paano tayo makakalabas dito? Ano bang plano mo?" Iyon naman ang sunod kong itinanong. I have to save Eris, and the mortal world. I need to save us from the bloodfest they're talking about.

"I haven't thought of a concrete plan," sagot niya. "Ikaw, Georgia, may naiisip ka ba?"

Matagal akong hindi sumagot, I considered every pro and con of each situation. I could stay longer, or flee right now. Walang kasiguraduahan ang gagawin sa'kin kapag nalaman nilang nagising na ako, ngunit delikado naman para sa kanya kung tatakas ako matapos nilang malaman na siya ang huling nagbantay sa selda ko.

We should work together. After all, we have the same goal.

"How about you inform then na gising na ako? Ask them what their plan is, and if their plan is dangerous. Tell them. . . nahimatay ako. I can telepath with you, and maririnig ko naman ang usapan ninyo. I'll tell you what to do. Pero sa ngayon, please plot the possible exits of this castle," sabi ko naman at pumikit para pakinggan ang nasa labas.

"Babalik na ako sa Academy, Ama." Narinig kong pagpaalam ni Rowsella.

"Sige, ngayon ang battles ninyo, hindi ba? Then, she will also conquer them today. Our Queen," Zachaeus answered.

"Kung gayon, sasama ka ba sa'kin, Ama?"

"Pag-iisipan ko pa. Iyong Eris nga pala. . . Ang kaniyang fyglja. May sinabi ang reyna ukol sa fyglja niya." Si Nag-igting naman ang aking panga nang marinig ang pangalan ni Eris, maging ang salitang fylgja, si Rain. "Distract him. If possible, kill him."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong napatayo at napasugod sa pinto, ngunit mabilis akong hinila ng lalaki. I turned to him with heavy breathing. "They're going to harm two of my comrades," giit ko.

"Walang magagawa ang galit mo ngayon," bulyaw niya sa'kin. I gritted my teeth, and closed my eyes in frustration. He's right. I can't possibly do anything in a lair of enemies.

"She'll save Eris from our Queen. Hindi maaaring mawala o makatakas si Eris. It's her body that our Queen's going to enter. Siya lang, at walang iba."

I clenched my fist. Bakit ba si Eris pa? I mean, the act itself is dangerous. Unacceptable! Pero bakit ba si Eris lang ang maaaring i-possess na katawan ng tinutukoy nilang reyna? Sino ba 'yon?

"Ito na ang mapa ng Voltaire Castle," nawala ako sa pokus nang marinig muli ang lalaki at inabot sa'kin ang isang papel. My eyebrow shot up, saan naman nanggaling 'yan?

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon