Chapter 11

30.1K 1.3K 120
                                    

It's another day already. I still didn't have the courage to tell Rain what happened to me, or perhaps I was acting petty because he also had something that he didn't share to me. Hm, o baka rin napalagay lang ang loob ko dahil wala nang ibang nangyari at mas na-kontrol ko ang kapangyarihan ko.

Kinuha ko ang gloves ko at sinuot, I immediately noticed my right hand. Naroon parin ang mga marka, and it really feels so powerful. I studied the markings in my arm, until someone knocked, so I quickly put the gloves on to hide them.

"Eris, hello! Good morning!" A woman, other than Georgia, knocked and called. Judging by the sassy tone of it, it must be Summer Knight. Inayos ko muna ang gloves ko bago siya pinagbuksan ng pinto. Binati ko rin agad siya, "Morning, Summer. What brings the student council president here?"

She smiled at me, and almost gave me a peck but I held my hand up between us. Mukha namang bigla niya ring napagtantong hindi puwede kaya't napairap siya't tumawa. "Anyway, maiiba ang schedule mo, Eris. Dahil fyglja mo si Mr. Delvar, magkakapareho kayo ng schedule. It's a rule here in Phoenix Academy. Mataas na ang level ni Rain dito, samantala ang iyo ay mababa pa. Hindi pwedeng magrank-down si Rain, kung kaya't ikaw ang pinag-adjust ni Headmaster Gaiael. Medyo natagalan ang changes, well, they took a long time deliberating. Anyway, here's your new schedule," paliwanag niya at inabutan ako ng print-out ng schedule.

"Toodles! Bye-bye. That's all. Later nalang siguro, or some other time, catch up tayo!" Pagpapaalam niya at muntik na naman bumeso sa'kin. "Ugh, see you, Eris!" She said before dashing out.

Sinulyapan ko naman ang aking panibagong schedule. Higher Sapientiae, Swords and Battle, Dragonaia, Alchemy. Fyglja. Nanlaki ang mata ko, bakit puro tungkol sa kapangyarihan 'to?! Just by the name of the subjects, ang hihirap nito, ah?

May jaw dropped when I read the bottom part. Maliit lang siyang mga letra. . . For S-Class Phoenicians. What? So that means S-class si Rain! Kaya pala kilalang kilala na siya ng iba dito. Magaling at mahusay na magician talaga siya.

Speak of the devil. "Eris." Napalingon ako nang marinig at makita si Red na nakapamulsang nakasandal sa pintuan. "Pumunta tayong office. We'll report about the vampire attack last night," kaswal niyang wika at naglakad na palayo. Sumunod nalang ako matapos sarhan ang aking kuwarto.

Halos mapatalon ako nang hawakan niya ulit ang kamay ko. I'm still not used to skin contact. Nang bitawan niya ang kamay ko, doon ko lang napagtantong nasa Headmaster's office na pala kami. He teleported again.

"Red, what brings you here?" Tanong ni Headmaster Gaiael. Nakatingin siya sa akin ngunit si Red ang kausap niya. Huh, akala ko naman alam na ni Headmaster Gaiael na paparito kami, pero basta-basta lang pala kaming pumasok dito ni Red. Siniko ko tuloy siya nang malakas at pinanlakhan ng mata.

Napaubo si Rain at binigyan ako ng salubong na kilay bago sagutin si Headmaster. "May mga bampirang umatake sa'min kagabi, hindi sila ang mga bampirang kasapi natin. Galing sila sa isang portal, at ibig sabihin lang no'n, may isang tao dito na nag-activate ng portal na 'yon."

My eyes widened at his last sentence. "We have a traitor in Phoenix Academy."

Akmang magsasalita si Headmaster nang biglang dumating si Levi. Hindi ko napigilan ang pagtitig sa kanya. Honestly, he still had me mesmerized by his beauty, but my eye drifted to his neck. He had a wound. Napansin niya atang nakatingin ako doon, kaya't kaagad niyang tinago iyon gamit ang kamay.

"May umatake rin ba sa'yong mga bampira?" Tanong ni Rain sakaniya.

Levi's brow shot up. He seemed unaware of Rain's question or our situation, so he shook his head. Lumapit siya sa'min at umupo sa silyang katabi ko, at saka nagsimulang magsalaysay, "I saw the woman who activated the portal, but her face was hidden. No'ng una ay akala ko'y portal lang 'yon kung saan, pero naramdaman ko ang madilim na enerhiya sa portal kaya't pinigilan ko ang babae."

Phoenix AcademyWhere stories live. Discover now