Chapter 18

19.9K 988 143
                                    

Leviticus Malcolm's POV
LUCIFER

Shaking, I didn't know how I was able to hold Eris. Hindi ko na dapat sinubukan dahil alam ko ang kakayahan niya, ang pumatay ng sinumang hahawak sa kanya. . . pero nang lapitan ko siya matapos mawalan ng malay si Delvar, hinawakan niya ako't sa gulat ko, hindi ako tinablan ng kapangyarihan.

Something in her has changed, pero I still feel Eris in her. I know she's still there, kaya't di ko siya pwedeng pabayaan. Dinala ko siya sa infirmary upang gamutin ang mga sugat niya, bago siya imbestigahan ng mga opisyal.

At nag-iba na naman ang paligid. Sa halip na nasa infirmary kami, nasa isa na kaming cabin. The white walls became woods, the metal bed became wooden too, at ang aking suot ay naging puti na naman. Narito na naman ako sa nakaraan.

I unconsciously caressed the girl's face. "Kamukhang kamukha mo siya," sambit ko. Sino siya? Si Sinclair ba? Kung gayong hindi siya si Sinclair, sino 'to?

Her dark brown hair were suddenly set aflame, like of a phoenix. Napabalikwas naman ako nang may kumatok sa pinto. "Lucifer," aniya ng isang malalim na boses. "Alpha," naisip ko bigla.

Nagtungo ako sa pinto at pinagbuksan si Alpha. "Alpha," bati ko nang may ngiti. Alpha looked cunning and dangerous. Nakikita ko ang buwan sa mapupungay niyang mata. His jaws are so sharp and his built was defined and toned well. He's indeed the werewolf.

Tumango siya at may maliit na ngising nakaplasta sa kanyang labi. Nakakaloko rin ang tingin niya sa'kin na tila ba nang-aasar. "I've heard."

Nagtaas kilay naman ako. "Ano?"

Tumingin siya sa likod ko, sa babaeng nakahiga roon. A smile flashed in him and he almost exclaimed as he pointed to the woman on the bed. "The second woman was born." Me, being Leviticus, I was astounded. The first woman, Sinclair. Ngayon naman ay ang pangalawang babae, na kamukhang kamukha ni Sinclair o Eris.

Nilagpasan ako ni Alpha, at nagtungo sa babae. Nilingon ko siya at mariin siyang nakatitig sa babae, mukhang namangha siya sa nag-aapoy na buhok ng babae. "Kamukhang kamukha niya si Sinclair. Is she a demon like her? Damn, why do women need to be demons? This makes it harder for us to approach them," he stated.

Lucifer in this memory laughed. "I don't recall you having a hard time to approach Sinclair. You'd always bicker with her," I argued.

Tinapunan naman niya ako ng masamang tingin. "Kung alam mo lang, Lucifer! Bago pa ako nagkalakas ng loob para lapitan siya, halos mamatay ako sa kaba. Tingin palang niya parang bawal na bawal siya lapitan," sambit niya nang umiiling-iling pa.

Hinawakan niya naman ang buhok ng babae rito. "So, basically, ikaw na naman ang bumuhay sa babaeng 'to? Dude, you're a womanizer! Taga-gawa ng babae amp! Gumawa ka pa kaya ng. . . Hmm, mga lima pa? The more, the merrier!" Tumawa siya nang malakas at nakipag-apir pa sa'kin. Wala sa sarili nalang akong napangiti.

"Pero, ano nga pala siya?" Tanong ni Alpha.

"Isa siyang phoenix," wika ko. Nagulat naman ako sa sinabi ko, phoenix ang pangalawang babae? Ito ba ang ginawa naming Phoenix ni Sinclair? The one I gave life, while she gave death. Hm, kaya ba kamukhang kamukha niya ito? Pero pa'no naman nag-anyong tao ang phoenix na ito?

"Kung gayon, ano'ng abode niya? Well, I mean, you have the heavens. Sinclair has hell. Red has the sun, and I have the moon. Where would she wander? Where's her home?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Wala siyang abode," sagot ko, ni Lucifer matapos ang ilang segundong pag-iisip. "Malaya siyang nakalilipad at nakakapunta sa iba't ibang lugar. Imortal din siya. She dies, but then, she is reborn from her ashes. She's powerful, Alpha. She creates herself from destruction."

Nawala ang ngiti sa labi ni Alpha, at nakakunot noong tinitigan ang phoenix. "She's dangerous."

I softly smiled. "Lahat naman tayo'y mapanganib. Ngunit nasisiguro kong siya'y magiging taga-protekta ng ating mga mundo. We will train her to be the protector, our hero."

Nagbalik naman ang paligid. We were back at the infirmary, at nawala ang apoy sa buhok ng babae, or ng phoenix. Nawala na rin si Alpha. I was back in my uniform. I was back being just a peculiar. Ako na ulit si Leviticus.

Ngunit, nagkakagulo ang paligid. It's like someone stormed inside while I was in the state of remembering memories from then. I clenched my fist when I noticed that even Eris wasn't here anymore. Someone must have stolen her!

Lumabas ako ng infirmary, at lahat ay nagtungo sa Pelagus Arce or main castle. Kaya't sumunod na rin ako. Lahat ay nagtatakbuhan, kaya't mas binilisan ko pa't inunahan na sila. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. Halos lahat ng estudyante'y narito sa Pelagus Arce. Hindi ko makita ang pinagkakaguluhan nila.

"Ano'ng nangyayari?" Tanong ko.

"Nawawala si Phoenicia," sagot ng isang lalaki sa akin. Huh? Ibig sabihin, the frozen Phoenicia is gone?

Nakipagsiksikan ako hanggang sa napunta ako sa unahan. The place where Phoenicia's frozen figure stood is now empty, but it left a small flame.

"Gising na si Phoenicia," napalingon naman ako sa babaeng nagsabi noon. Eris. She was the one who spoke to me while looking at the flame. The red color of the flame reflected in her eyes very well, like a mirror.

"You're here, Eris. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko pero umiling din. "No, we should head back to the infirmary. We can't risk your wounds," sambit ko kahit gusto ko lang siyang matali sa'kin, hindi dahil gusto ko siyang kasama. . . pero dahil pinaghihinalaan ko siya.

Ngumiti siya sa'kin at doon ko lang napansin ang mata niyang nag-iiba bawat segundo, tila naka-depende sa mga nangyayari ang kulay ng mata niya. Bigla naman siyang pumunta sa harapan ko't hinawakan ang mukha ko't nilapit sa kanya.

"I'm well, Lucifer," she smiled sinisterly. "You've awoken me again."

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon