⚢
"May pinsan siyang tomboy, si R.A."
Uminom si Kaye, nakikinig.
"Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan ko noong highschool, tapos nagkita kami ni R.A. Pinakilala kami sa isa't isa. Pati si Dhen-dhen, lalaking kapatid ni R.A, nakilala ko rin." Napainom sa baso si Rayne bago nagpatuloy. "Tapos, ayon."
"Ayon?" pagtakaka ni Kaye.
"Ayon."
"Anong ayon?"
"Ayon nga."
"Ayon ngang ano?"
"Ayon. . ."
"Kayo?"
"Huy, grabe. Hindi! Sinabi lang sa akin ng kaibigan ko kinabukasan na sinabi raw ni R.A. na 'maganda pala 'yong kaibigan mo' patungkol sa akin. Tapos hinihingi naman daw ni Dhen-dhen 'yong number ko," pagtatapos niya sa kwento sabay tawa. "Kinwento ko lang 'to para pakainin lalo 'yong ego ko."
Natatawa si Kaye. "Mukha nga, eh. Nararamdaman ko na 'yong ulo mo rito, lumalaki."
Lalong natawa si Rayne.
"Eh, 'di nga. Ayon lang? Hindi naging. . .hindi nagparamdam sa 'yo 'yong R.A.?"
"Hindi. More on sinasabi lang na crush. Tsaka alam ko, may girlfriend 'yon n'ong time na 'yon. Ako lang si 'happy crush' niya. Alam mo 'yon? Kapag nakikita, crush. Kapag hindi nakikita, unknown. Out of sight, out of mind ang peg."
"Eh, paano kung walang girlfriend si R.A. tapos. . .nagparamdam sa 'yo?"
"May quote unquote mahal pa 'yong 15 years old self ko noong time na 'to, eh. Alam mo na, taglandi."
"Sino?"
"Hindi mo kilala, eh."
"Alam ko," natatawang sabi ni Kaye. "It wouldn't hurt naman pag sinabi?"
"Higher batch. Schoolmate ko dati pero graduate na siya n'ong nagkakilala talaga kami."
"Walang name?"
"Sasabihin ko talaga?"
"Midnight confessions sabi mo?"
"Ang daya, ang dami mo nang tanong mula kanina."
"Bawi ka mamaya."
"Fine. Si Emman."
"Lalaki," banggit ni Kaye. Hindi ito tanong para kay Rayne, more on realization ang datingan. Isang fact. Katotohanan ng mundo na inilahad kay Kaye. "Okay." Ngiti. "Mayroon pa ba?"
Uminom muna si Rayne. Medyo kinabahan talaga siya sa tanong ni Kaye, hindi lang pinapahalata. Hindi dahil sa pampakain ng ego. More on, may naalala lang. Masyado pang sariwa kaya apektado pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Love Songs for No One
Romance"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hindi kalahati lang. Hindi sala sa lamig, sala sa init. Hindi napipilitan. Hindi natatakot." "Malalim," aniya. Tumikhim. "Mukhang based o...