00 | zero

69.5K 1.4K 595
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG BAWAT ISA ay may mga paboritong pinapakinggan. Mayroong mga mahihilig sa tahimik o kaya sa mga maiingay. Ang iba'y gustong-gusto ang mga love songs, ang iba naman ay sa rock songs nahuhumaling. Boses ng mga magulang ang pinaka paborito ng ilan, o 'di kaya'y napapahinga sa tuwing naririnig ang paghinga o kahit pag-iyak ng anak. Mayroon din namang ang boses ng minamahal ang hindi pagsasawaang pakinggan—kahit paulit-ulit, kahit malakas, kahit mahina, kahit ano pang sinasabi, sinisigaw o kinakanta.

Siya, simula nang tumungtong sa entablado at ginamit ang sariling malamig na boses upang ikanta ang emosyon, ang paborito niya ay ang ingay mula sa kanyang supporters.

Pero medyo, slight, ish na hindi siguro sa ganitong paraan at pagkakataon.

Isinisigaw ng mga babae ang pangalan niya—Kaye Cal! Kaye Cal! Kaye! Cal!—habang nagtatago siya sa likod ng malaking stereo sa loob ng hall. Alam niya ang dapat gawin (pumasok ng kotse nang makauwi na't puno pa ang schedule kinabukasan), kaso sa pangyayaring ito – may 49.73 meters ang layo niya sa parameter ng kotseng kailangan sakyan para makauwi. Sa gitna ng pwesto kasalukuyan at kinalulugaran ng kotse, may isang daang tao ang nakapagitna (okay, oa lang talaga ang isang daan pero parang, eh, mula sa view niyang nakayuko, halos nakaupo na sa tiled floor, tila nakikipaglaro ng tago-taguan).

Hinahanap siya.

Hayok sa kanya.

Nakaabang ang mga babae—at ilang lalaki—siguro ay mga boyfriend na napilit panoorin siya dahil sa kagustuhan ng mga girlfriend; pwede ring mga nasa katawan ng lalaki ngunit pusong babae; mga mukhang lalaking hinihiling na sana totoo na lang (ehem, tulad niya, ehem) o pwede ring totoong lalaking hinihintay rin siya.

Totoong lalaking hinihintay siya?

Okay, sige. Posible naman.

Either way, one term: zombie apocalypse.

Siya ang sole human survivor.

Ang mga nakaabang sa kanya ay kailangan lagpasan para makapasok sa kotse. Kahit ang mga bouncers ay hirap na mapigilan.

Masarap sa puso ang pagmamahal na inaaalay sa kanya. Nakakataba ng feelings. Sa totoo lang, hinihintay na lang niyang ma-heart attack dahil puro taba na ang puso niya sa pagmamahal na binibigay sa kanya.

(okay, that was a weak joke. Anyway!)

Seriously, tho. Ang wild ng fans.

Dahil ba birthday concert niya at birthday gift ng mga sumusuporta sa kanya ang extra wildness na nangyayari?

Natatawa na lang siya sa nangyayari. Ang tragic (in a positive way naman, at least desirable pa rin siya, hindi ba? Thinking positive 101 lang.)

Sa kabilang dako ng halos madilim na hallway, inaaliw ni Kristine o Tyng, mas kilala bilang Ms. AD (kaibigan turned manager simula nang mag-solo artist a few years ago) at ilan pang staff ang mga wild supporters. Kung tama ang naririnig mula sa pinagtataguan, sinasabi ng mga ito ang, 'Nandito si Kaye Cal!'—turo sa pinanggalingan niyang kwarto na sigurado siyang wala siya roon dahil nasa likod siya ng isang malaking stereo.

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon