02 | twO

11.5K 672 959
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matagal din ang titigan nilang dalawa hanggang sa natawa na si Kaye, halos takpan ang sarili.

"Huwag po."

Agad ding natawa si Rayne. Ano nga bang ginagawa niya? Bigla rin siyang natauhan. Anong naisip niya sa pagtulak kay Kaye papasok ng CR? Sa paligid ng mga babae?!

Okay lang sana kung parehas silang babae. Mukhang magkaibigan lang. Pero si Kaye . . .

Ang layo sa mukhang babae.

Napalunok siya.

Ngumiti si Kaye at kinuha ang mga kamay niya. Inilapit nito ang kamay niya sa buhok nito. Tila may inuudyok.

Tumaas ang kilay ni Rayne. Tumaas din ang kilay ni Kaye na may ngiti sa mga labi.

Without saying a word, Rayne brushed Kaye's short hair. Ginulo niya ito, kung saan-saang direksyon hinawi.

Ibinaba ni Kaye ang kamay nila patungo sa butones.

Pinanlakihan siya ni Rayne pero makulit lang na nakangiti pa rin si Kaye. Umiling si Rayne pero may pantitrip sa itsura ng kaharap na nakaupo sa toilet seat.

"Lumabas na tayo," ani Rayne.

"Kung lalabas tayo, ba't di pa natin ayusin?"

"Ginulo mo nga—"

"Yong act."

Halos mapasinghap si Rayne nang ginuide ng kamay ni Kaye ang daliri niya para buksan ang butones ng damit nito. Nanginginig ang mga kamay niya hanggang sa nasa pangatlo na silang butones at tinigil niya.

"Kaye!" pabulong niyang sigaw.

Ngumisi si Kaye at pinunasan ang labi ni Rayne na may lipstick. Tinaas-taas nito ang kilay. Umiling si Rayne. Para makaganti, kinuha niya ang hinlalaking ginamit ni Kaye para punasan ang labi niya at ipinunas ito sa labi ni Kaye, palagpas.

"Hindi lang ikaw 'yong magaling."

"Magaling saan?"

Natatawang umirap si Rayne

Nangiti rin si Kaye.

Sandaling ginulo nito ang buhok ni Rayne at biglaang binuksan ang pinto ng cubicle. Nagulat si Rayne pero wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Kaye sa papunta sa may salamin. Napatingin sila sa repleksyon ng isa't isa.

Dahil sa 3-inch heels na suot, ang tangkad ni Rayne na pantay lang dapat sa baba ni Kaye ay tumaas, napantay sa may ilong. Nakahawak si Kaye sa gilid ng labi nito, sa may stain ng lipstick na pinahid ni Rayne. Kahit ang lipstick sa labi niya, dahil sa pagpunas, ay lumagpas na rin. Magulo ang buhok nilang dalawa, mas magulo kay Kaye. Pawis parehas kahit ilang segundo lang ata sila sa loob.

Parehas na naghahabol ng malalim na hininga, parang parehas na tinakasan ng hangin.

Tigil.

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon