03 | Three

12.4K 705 897
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kumuha ng pagkain si Kaye sa table at naupo sa gilid ni Rayne. Napahinga nang malalim si Rayne nang wala sa oras.

Bakit ba mas madaling magpanggap na hindi niya kilala si Kaye noon kaysa ngayon? Para siyang aatakihin sa puso sa sobrang kaba. Tumitig si Rayne sa cardboard face na nasa tapat niya. Buti pa ito, pangiti-ngiti lang, hindi gumagalaw. Chill lang.

Kailangan niyang maging chill!

Pero paano po!!!

Huhu.

"You look familiar."

Nakatitig pa rin si Rayne sa cardboard face, tila ito ang kausap. "Generic face, eh."

"Sinira mo naman 'yong pick up line ko dapat." Tumawa ito. (Hindi! Hindi 'yong cardboard face! Yung totoo!)  "And gener? Hindi rin. More on memorable?"

(Hindi nga rin talaga nakakatulong ang pagtitig sa malaking mukha ng cardboard na Kaye kung nasa tabi lang ni Rayne ang totoong pinanggalingan ng cardboard face na ito. Nakakaloka.)

"Nice eyeglasses."

"Thanks."

"Buti nakarating ka. . ."

For the first time, nilingon niya si Kaye ('yong totoo, hindi 'yong cardboard face).

Medyo na-starstruck pa siya (pero di gaanong pinahalata) dahil mas gwapo ito sa malapitan ngayong gabi (hindi niya kasi ito natitigan nang bongga sa stage kanina). Mas malakas ang dating, muntik na siyang mapapikit dahil sumisigaw sa mga mata niya ang appeal. Hindi nga lang niya sigurado kung dahil ba ito sa kaunting make up sa mukha, sa suot na tux o sa tali ng humahaba pero maayos pa rin nitong buhok. May kaunting pa-side bangs pang ganap.

Isa pa. . .'yong ngiti. Hayy.

Can she just. . . can Kaye Cal just stop being handsome?

(Kahit sandali lang, oh, please naman?)

"Long blonde hair 'yon, eh," aniya, hindi nagpapatinag sa ngiti ni Kaye.

"Ha?" Napakurap ito. "Alin?"

"Sa lyrics," ani Rayne. "And brushes her long blonde hair."

"Ano bang nakanta ko?"

"Whi—" hindi tinuloy ni Rayne ang sasabihin. "Wala."

"White blonde hair?" anito, nakatingin sa buhok niya.

Natahimik si Rayne.

Ngumiti si Kaye, kumain ng kahit anong maabot ng kamay.

Sumilip naman si Rayne sa cardboard face ni Kaye na payapang nakasandal sa upuan. Muntik na siyang sumigaw ng, help me, pero help para saan? Sa pagkalunod sa feels? Eh hindi naman siya matutulungan ng cardboard face na 'to, wala namang kamay.

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon