09 | nine

16.2K 742 679
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Few years ago, umuwi ako ng Davao, galing akong Manila. I'm with my friends. Gabi na n'on nang magkaayaan tumambay sa paborito naming karinderya. Wala lang, trip lang dahil minsan na lang ako makauwing Davao dahil naging busy sa Manila. Then, nakilala ko si Rex."

"Putek. . ." bulong ni Rayne, ngunit narinig ni Kaye.

"Bakit?"

"Ha? Anong bakit?"

"Nag-putek ka."

Napakurap si Rayne, tumawa pero nahirapan din dahil sa paninikip ng dibdib. "Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit."

Pinagmasdan lang siya saglit ni Kaye bago sinabi ni Rayne na ituloy ang kwento at pabayaan na siya mag-inarte sa kung ano man ang kadahilanang hindi niya ma-gets sa sarili.

"We were just having fun. Kwentuhan, pagkakakilala. . . hanggang sa nagkaroon ng dare."

"'Yan talagang mga dare na 'yan, nako!"

Natawa si Kaye sa reaksyon ni Rayne. Bigla tuloy siyang natahimik at nahiya.

"Naiyak na ako pero tatawa-tawa pa rin sila, lalo na si Rex, na para bang hindi rin siya nasaktan sa ginawa namin."

"Ginawa. . .niyo?"

"Sa sobrang sakit at init ng feeling ko that night, hindi ko na namalayang hawak ko pala 'yong ice na natutunaw. Namanhid talaga ako."

Tumango-tango si Rayne, naguguluhan na pero nanahimik para magpatuloy ito sa kwento.

"Alam ko namang magaling siyang kumain ng sili and they dared me, para raw itaas ang bandila ng mga lesbian pero mygahd! Walang sabi-sabing nginuya ni Rex 'yong buong sili tapos nilunon, akala mo sobrang dali. N'ong ako na gagawa, mangiyak-ngiyak ako! Hindi ko talaga kinaya. Humagod sa buong bibig ko hanggang lalamunan!"

Katahimikan.

Natanga si Rayne sandali.

"Ha?"

"Sa 21 years ng buhay ko that time, first time lang may nakapagpaiyak sa aking lalaki!" Pinagkrus ni Kaye ang mga braso sa harap ng dibdib at umiling habang inaalala ang sili challenge na 'yon. "Most unforgettable. Grabe talaga 'yon."

Kung meme lang siguro si Rayne, siguro ang itsura niya sa puntong ito ay may lumulutang sa paligid niya ang ilang calculations na hindi rin naman niya maiintindihan.

"'Yon 'yong dahilan ng pag-iyak mo?"

"Uhm, yes?"

"Ha?"

"Bakit? Anong naiisip mo?"

"Kainis!" Winisikan ni Rayne si Kaye ng margarita sa pagkabadtrip. Pinipilit niyang huwag matawa pero nahahawa siya sa pagtawa ni Kaye habang sinasabi ang, 'wag po, wag po!' "Niloloko mo lang ako, eh!"

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon