01 | onE

12.9K 668 770
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paminsan-minsan na ring humingi ng sign (with s) si Rayne from above. Sa katunayan, naging basehan niya ang mga signs (with maraming s) para alamin kung crush ba siya ng crush niya noong first year high school. Tinatawag ang crush niyang ito bilang si Thunder ng mga classmates for unknown reason; teenage phase nickname, in short, ka-jeje-han noon na thankfully, tinigil din nang mag-third year na sila.

Bakit siya humihingi ng signs noong first year? S'yempre, as a low-key kinikilig, mahirap ang magtanong ng crush mo ba ako nang matapos na at magkaalaman.

Kailangan, from above ang mga sign(s). Una, para may basbas. Pangalawa, para may thrill habang umaasa sa wala.

          ● Kapag pumunta si Thunder sa may locker at hinawakan ang balikat ko, crush niya ako.

          ● Kapag hinawakan ni Thunder ang kamay ko nang matagal sa pakikipag-apir, crush niya ako.

          ● Kapag naupo si Thunder sa tabi kong vacant chair, crush niya ako.

          ● Kapag nilingon ako ni Thunder kahit 10 seats apart kami, crush niya ako.

          ● (and many more Thunder-related crush signs.)

Aaahhh, highschool immature days. 

Ang masaya pa nito, nagkatotoo ang lahat (take note: LAHAT) ng hiningi niyang signs (na maraming s). Kaya sinong masisisi kung naniwala at umasa si Rayne na crush siya ni Thunder?

Ito na rin siguro ang dahilan bakit tumigil umasa si Rayne in general—dahil itong si Thunder na super crush niya (to the point na ginamit niyang password sa friendster at sa mga sumunod na SNS papuntang instagram ang pangalan; at imbis na Dear Diary ay Dear Thunder ang sinusulat), after a few years sa college days, nalaman niyang may gusto pala itong si Thunder sa kambal-tuko niyang kaibigan noong first year.

Nalaman din niyang nanligaw ba naman ito sa kaibigan niya (at!! matagal na palang may gusto si Thunder sa kaibigan niyang ito. . .since high school days pa!) pero basted din naman. (Buti nga.)

At oo, naisip din niyang parang ginamit lang siya ni Thunder (pinakilig nang gan'on-gan'on na lang) para mapalapit doon sa kaibigan. (Lumilipat kasi lagi si Rayne ng upuan para makipag chikahan sa kaibigan na 'yon.)

(Magandang ehemplo sa kabataan.)

And come to think of it, kapag dumadaan sa parte nila si Thunder - kinukulit nga siya, yes. Pero nagbabatuhan din ng papel ang kaibigan niya at si Thunder noon. May pagka-aso't pusa kasi ang dalawang 'yon.

(Ouch?)

Umasa pa naman siyang sasayawin siya ni Thunder n'ong prom n'ong third year. (Humiling ng sign na kapag sinayaw ako nito, crush niya pa rin ako kaso hindi nangyari.) Hindi rin siya natigil umasa n'ong fourth year. Sad.

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon