01 | one

30.2K 1K 677
                                    

⚢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung hindi pa siguro nakakaihi si Rayne, dalawa lang yan: it's either umurong ang ihi niya o bigla na lang siyang maihi on the spot.

Thankfully, katatapos lang niyang mag-CR.

Who would have thought, really?

Like, really? Sino?

Apparently, kahit sobrang imaginative, hindi ito naisip ni Rayne na mangyayari.

"Ay, oo. Pambabae nga 'tong CR."

Mababa ang boses ng kausap. Matangkad, kung iko-compute niya ang layo nila sa isa't isa at height difference, kulang-kulang aabot lang siya sa balikat nito. Okay, siguro lagpas naman sa balikat. (Pampalubag loob sa height niyang hindi naman masama na 5'2ft. And a half!) Nakasuot ito ng nakabukas na dark brown coat, ang panloob ay puting button-down polo shirt. parehas na nakarolyo hanggang siko. Ang pambaba ay bitin na brown slacks, at nakasuot ng brown leather shoes.

Kung 'checking out' ang tawag dito kahit wala siyang salamin sa mata kaya medyo malabo, siguro nga Rayne is checking out the person in front of her.

Paanong hindi? Silang dalawa lang ang nasa girl's CR (alam niyang mag-isa lang siya kanina pagpasok) tapos lalaki pa ang kaharap niya. (O mukhang lalaki at that matter.) Isa pa, malapit na atang mawasak ang pinto ng CR dahil ang lakas ng kalabog ng mga tao sa kabilang side.

"Ikaw ba hinahanap nila?" tukoy ni Rayne sa mga boses ng babae sa labas.

Ngumiti ang kaharap niya – mukhang ngiting nagmamakaawa. Mukhang may gustong ipahiwatig. Mukhang papunta na sa paiyak.

Nagtataka pa rin at kinakabahan, kailangan na umalis ni Rayne. Ngunit hahawakan pa lang niya ang doorknob, biglang sumigaw ang kaninang kausap. Wait, hindi sigaw, eh. Bulong? Pero malakas? O marahas.

Malakas enough para marinig niya ang urgency at mahina enough para hindi marinig ng mga tao sa labas.

"Wait!"

Lumingon siya. "Bakit?"

Pikit-mata itong nagsalita. "Pwedeng. . .pwedeng huwag munang buksan 'yong pinto?"

Ilang ulit sinabi ni Rayne sa sarili na kailangan niyang huminga. Hinga! Hinga lang. Hinga nga lang sabi, eh. Wait, paano nga ba huminga?

Tinaas niya ang kamay na tila tinutukan ng baril at lumayo sa pinto. Bumalik siya sa pwesto niya sa may hugasan, siniksik ang sarili sa gilid.

"Lalabas sana ako," mahinang sabi ni Rayne.

"I know, I know." Naglakad pabalik-balik ang kausap. "Kaso—"

"Baka pumasok 'yong mga nasa labas?"

"Oo—"

"Tapos kainin ka nang buhay?"

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon