Level 27

5.9K 315 23
                                    

What the fuck? Paano ko malalaman kung sino yung nawawalang babae?

Tinignan ko si Nico sa tabi ko, she's still afraid. Who wouldn't?

Kahit ako ay takot pero walang mangyayari kung matatakot lang ako. Hinila ko si Nico papasok sa room ng makitang nandoon si Ann, tahimik na nagrereview.

"Ann! Nasaan si Mystic?" Tanong ko dito.

"Ewan ko don, nagmamadali kanina, cr lang daw."

"Ilang minuto nang nawawala?" napakunot ang noo niya. Shit.

"Matagal tagal na din, kanina pa ako dito, baka naman naglabas ng sama ng loob?" Natatawa nitong sabi.

No. Please, not my friend, again.

"Nico, stay here, promise me hindi ka hihiwalay kay Ann, hahanapin ko si Mystic." Noong una ay nagaalangan pa siya pero tumango rin ito pag katapos.

Hindi na ako nagsayang ng oras, wala na akong oras para hanapin si Kairo, I need to find Mystic.

Mabilis kong sinuyod lahat ng cr sa school, hingal na hingal ako ng umabit ako sa fifth floor, I didn't even bother to use the elevator kaya pagod ako sa pag takbo pero wala siya.

Tatakbo na sana uli ako para puntahan ang isang natitira pa na cr malapit sa lumang room, ng may biglang humila sa'kin.

"Kanina pa kita hinahanap, where's your phone?" Madilim na mukha niya ang sumalubong sa'kin.

"N-Naiwan ko." eto nanaman ang pagkakabalisa ko kapag malapit siya.

"Tsk. Next time, don't leave it." Masungit nitong tanong at hinila ako palabas ng cr.

Ngayon ko lang napansin na pumasok pala siya sa cr ng girls, ngayon lahat nakatingin sa'min may ibang nagbubulungan at ang iba ay nakatingin, nagmamasid.

I wonder, ilang players kaya ang nandito sa school?

"You have a new task, what is it?" Nalilito ko siyang tinignan.

"Find the missing girl with y-you." Mahina siyang napamura.

"Level one ka palang pero ganito na ang binibigay sayo? Ang sakit mo sa ulo." Napayuko ako sa sinabi niya.

He's right. Nakakahiya na, inabala ko na siya kahapon tapos eto nanaman.

"P-Pwede namang ako nalang, kaya nga 'di na kita inabala pa." napapikit ito ng mariin at naramdaman ko ang lalong paghigpit ng hawak nito sa palapulsuan ko.

"Do it with me, all of your task, tell me about it." He said coldly.

"H-Hindi na, ayokong makaaba--

"I said, tell me!" napalakas ang pagsabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad.

Ano ba talaga Kairo? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?

"Just, tell me, please." aniya sa mas mababang boses.

Nagulat ako sa inasta niya pero hindi ko pinahalata. How can a beast be this tame in front of me?

×××
Note to self, keep on writing.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Där berättelser lever. Upptäck nu