Level 44

4.5K 232 25
                                    

Nandito ako ngayon sa gym ng school, hindi ko alam pero kanina pa ako natutulala sa dami ng iniisip, gaya ng kung paano ko magagamit ang kapangyarihan ko, at kung anong pinagpuputok ng lalaking 'yon.

Is this game will come to an end? It's like a plauge that is hard to eradicate and an epidemic that is hard to stop.

Kahit sinong makaalam ng kakayahan ng game ay gugustuhing sumali dito nang hindi iniisip ang magiging kapalit.

It was really tempting at first, but the repercussion of being one of them is inevitable.

Sa oras na tanggapin mo ang laro, hindi mo na mapipigilan ang pag sakop nila sa katauhan mo, para mo na ring ibinenta ang sarili mo sa kanila dahil hawak ka nila sa leeg at kahit anong oras ay pwede ka nilang lagutan ng hininga kung gugustuhin, ganoon kadelikado ang larong ito.

"Levi!" Natigil ako sa pag iisip ng may marinig akong tumawag sa'kin, it was one of my classmate, Keina.

"Bakit?" Tanong ko nang huminto ito sa harapan ko ng medyo hinihingal pa.

"S-Si Kairo, close kayo diba?" nag aalangang tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"What is it?" Para itong napaisip at namutla kinalaunan.

"K-Kasi binubugbog niya y-yung boyfriend ko, ikaw lang yung naisip kong makakatulong sa'kin." nakayuko nitong saad.

"Saan?" walang pag aalinlangan kong tanong.

I knew him, right from the start, alam kong ganito siyang klaseng tao. Pero bakit parang nagulat pa rin ako?

Dahil ba umasa akong nagbago na siya?

'Yan lang ang tanging tumatakbo sa isip ko hanggang makarating kami ng open field, dito sa school.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang kaguluhan sa gitna. The guy was lying on the ground, puro pasa at natuyong dugo ang mukha nito.

Mabilis hinanap nang mata ko ang lalaking may kagagawan nito pero natigilan ako sa nakita.

It was a pair of blazing eyes, full of hatred and something I can't name. Something that I've never seen before.

"K-Kairo." Mabilis akong humarang ng maglakad pa ito palapit sa kawawang lalaki.

"S-Stop it, please." Saad ko dito kahit maging ako ay natatakot na sa kanya. Parang hindi siya ang Kairo na kilala ko, it was like he summoned some demon in him.

"Tabi." Malamig nitong sabi na nagpatindig ng balahibo ko.

"H-Hindi mo a-alam ang ginagawa mo, k-kinakalaban m-mo siya." Napalingon ako sa lalaking nakahandusay na may kakayahan pang magsalita ngayon.

"W-Wala kang laban sa kanya." Nakangising saad ng lalaking halos hindi na makilala sa dami ng dugo nito sa mukha.

"Tangina, sabing tabi!" Asik ni Kairo na lalong nag dilim ang mukha dahil sa sinabi ng lalaki.

Bahagya niya akong naitulak dahilan kung bakit tumama ako sa kung anong bagay.

"Are you alright?" Nagaalalang mukha ni Eros ang bumungad sa'kin pag taas ko ng paningin ko.

"Y-Yes." Sabi ko bago tuluyang hanapin muli si Kairo na ngayon ay pinipigilan na ni Sue at ng dalawa pang lalaki.

"You're hurting the girl you've been trying to save, funny, isn't it?" Sigaw ni Eros dito na nagpahinto sa pagpupumiglas niya kila Sue.

Unti unting umangat ang tingin nito sa'kin, panandalian kong nakita ang pagbabago ng mata niya pero mabilis lang ito, agad itong napalitan ng malamig na titig.

"Let go of me." Sabi nito sa mas kalmadong boses kaya binitawan na rin siya nila Sue, naialis na din naman ang lalaking binugbog niya.

"K-Kairo.." nanghihinang tawag ko dito nang dumaan ito sa harap ko, huminto ito saglit, pero hindi niya ako nagawang tignan.

"Huwag na 'wag ka nang lalapit sa'kin." malamig na sabi nito na nagpatulo sa luhang kanina ko pa pinipigilan.

What did I do this time?

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora