Level 86

3K 158 103
                                    

"You seemed lost, you might want to play?" Napaatras ako ng mas lumapit pa ang babae sakin.

"A scared cat doesn't have a place in this game." Nakangisi nitong saad at walang pasabing hinampas sa direksyon ko ang latigong hawak niya kung kaya't hindi ako naka iwas.

"Why are you doing this?" Nahihirapan kong tanong habang sapo ang braso na tinamaan ng hampas niya.

Hindi ko makuha kung bakit nila kami pinipigilan, pare pareho namin gustong matapos ang larong ito, bakit hindi nalang nila isipin ang sarili nila.

"Aren't you enjoying it? c'mon," Mulo nitong ihinampas ang latigong hawak niya bago muli subukang sugurin ako.

Ihahanda ko palang ang sarili ko sa atake niya ng may bola ng apoy na lumipad galing sa likod papunta sa direksyon ng babae. Causing her to stop.

"Lay a hand on my girl, I might forget you are a woman." Maging ako ay kinilabutan sa lamig ng boses ni Kairo.

Hindi ko na kailangan sulyapan pa ito upang makumpirmang siya nga ang nag mamayari ng boses na 'yon. Ilang saglit lang ay nasa tabi ko na ito at mabilis akong tinago sa likod niya.

"Got you," Nanunuyang boses ni Eros ang narinig ko at ng hanapin ko kung nasaan siya ay nasa likod na ito ng babae ngayon.

"You're getting on my nerves, who are you to be protected by these guys?" Naiirita nitong tanong ng mula sa likod niya ay hawakan siya ni Eros sa magkabilang braso.

"Sino ka ba para protektahan ng mga ito?" Naiiritang ulit nito.

Sino nga ba ako?

"I got this, puntahan mo na si Mystic." Nakangiting sabi ni Eros sa'kin.

I miss him, lalo tuloy ako na guilty sa ginawa ko sa kanya.

"No one's going anywhere." Isang lalaking may pilat sa mukha ang tumagos mula sa puno, nakakakilabot ang itsura niya isama pa ang laki ng katawan nito kumpara sa normal na tao.

"Dito ka lang sa likod ko." Muli akong hinawi ni Kairo ng lumapit ang lalaki. Isang madilim na titig ang ibinigay ni Kairo dito ng ngisian niya kami.

"I'm talking to the girl, don't be rude little boy." Nang aasar na sabi ng lalaki dahilan ng pagkairita ni Kairo pero hindi niya iyon pinakita, ngumisi lang din ito pabalik.

"Let's see who's the little boy here." Kasabay nito ang pag ikot ng apoy sa paligid, pilit man itago ng lalaki ang gulat ay nakita ko ito sa mukha niya.

Hindi niya ata kilala kung sino ang kaharap niya. Kairo is one of the best player of Enigma, baka nga siya pa ang pinaka magaling, even without the ability, he can effortlessly defend himself.

"K-Kairo si Mystic." Bigla akong napakapit sa kanya ng makarinig muli ng ingay mula sa hindi kalayuan. Saglit niya akong dinapuan ang tingin at nakita ko ang paninimbang sa mata niya.

"Kailangan ko siyang puntahan.." halos pabulong na sabi ko dito.

Ilang ulit nagtagis ang bagang niya bago niya ako muling sulyapan.

"Alright, I'll make this fast baby, go now, my fire will lead you where she is."

Ayoko man iwan sila ni Eros sa ganitong sitwasyon ay mas nanaig sa'kin ang pag aalala sa kaibigan ko. Sa paraan ng pag aalala ni Nico sa kanya kanina ay mukhang nasa hindi ito magandang kalagayan. I just hope I got it all wrong.

Sa tulong ng apoy ni Kairo ay natunton ko sa hindi kalayuan si Mystic, may mangilan ngilan na sugat itong natamo at kita ko ang mabilis niya na paghinga dala ng pagod sa pakikipaglaban.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now