Level 77

3K 144 71
                                    

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko pagkalabas ng classroom, inunahan kong lumabas ang lahat dahil hindi ko alam ang gagawin.

Paano ko magagawang humanap ng ka grupo sa binigay na oras? Damn it, sa itsura ni Kairo ay alam kong sigurado siya na ayaw niya ako pasalihin kung kaya't siguradong hindi ko siya magiging kagrupo.

Si Eros kaya? o sila Mystic?

Ewan. Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanila.

"Aish! Ang sakit sa ulo!" wala sa loob na sinipa ko ang bato sa harapan ko, nagulat ako ng may umaray, may natamaan pa ata ako.

"The fuck is wrong with you?" masungit na mukha ni Karius ang bumungad sa'kin, sapo nito ang sentido.

Uh-oh. Bakit sa lahat ng tatamaan eto pang masungit na ito? Sa lahat kasi siya ang mailap, gaya ng kapatid niya noong hindi ko pa ito tuluyang nakikilala.

"Sorry." pag kamot ko sa ulo ko. Mabilis akong tumalikod para iwasan na ang galit sa mata nito ng hilahin niya ako dahilan para mapabalik ako sa kanya.

Agad akong pinamulahan ng pisngi ng tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib na kinangisi niya.

Damn! No doubt, they're brothers! They have this aura that can intimidate anyone simply just because of their presence.

"Let me guess, you want to join the game?" nanunuya nitong tanong na ikinaangat ko ng tingin.

"Kairo won't let me join anyway." Umangat ang labi niya sa pag amin ko.

"Does he own you? You can always decide on your own, you have your free will to choose." Natigilan ako sa sinabi niya.

Tama siya, pero ayoko lang din naman suwayin si Kairo dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya, pero gusto kong sumali para masubaybayan ko sila, lalo na ngayon at mukhang sasali pati mga kaibigan ko. Lalong kailangan ay andoon ako.

"If he doesn't want you around, join my team then." Nakakatuksong alok nito.

Pero ang nakakagulat, why would he want me in his team, magiging pabigat lang ako sa kanya.

"I'm not yet familiar with my ability, magiging pasanin lang ako sa grupo mo." Ipinagkibit balikat nito ang sinabi ko.

"It's fine, I can defend myself anyway, I just need you to complete my group." Tamad na sabi nito.

Grabe ha. Ang sakit niya magsalita manang mana sa kuya niya!

Pero hindi na masama, atleast I knew him, kesa naman game ang pumili ng group para sa'kin. That sounds creepy.

Karius might look dangerous but maybe he's harmless, somehow, like his brother.

"Think of it, lady." Huling sabi nito bago ako lagpasan.

Nakakatukso ang inaalok niya pero gusto ko muna pag isipan, kung ako kasi ang papipiliin gusto kong kagrupo ang mga kaibigan ko.

Pero nahihiya ako sa kanila, kanina nga ay hindi ko nagawang lapitan sila kahit gustong gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko kahapon.

Ang hirap naman nito.

Paano ko magagawang mag ensayo kung wala naman akong kasama na player? Kung bakit ba kasi ganito ang kapangyarihan ko.

Pero baka pwede ko naman subukan...

"Levi." Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang may bumangit ng pangalan ko.

"A-Ah ano hinahanap ka kasi ni Kairo." naiilang na sabi ng kaklase ko bago ayusin ang nahuhulog na salamin nito.

A typical nerd, hindi naman mawawala sa klase ang ganoon. But this one's different.

"Where is he?"

"N-Nasa room ata."

"Okay, salamat." Nginitian ko ito bago umalis kaya ngumisi ito pabalik.

"Anything for you," anito sa ibang boses kaya napalingon ako sa kanya pero nakitang naglalakad na ito paalis kaya ipinag kibit balikat ko nalang at diretsong naglakad patungo ng room.

Bakit kaya ako hinahanap non? Baka gusto niya lang ako makita? Natawa ako sa sariling naiisip.

Dream on, Levi.

O baka Isasali niya na ako sa grupo niya?

Ang pangalawa ay mas madaling paniwalaan. Pero kung ganoon nga ang mangyayari ngayon palang ay nagagalak na ako.

Sa wakas ay naisipan din niya ako isali, hindi naman pala siya ganoon kalupit.

"Come on, Kairo. We haven't hang out for weeks, don't you miss me?" Napakunot ang noo ko sa narinig ng palapit na ako sa room kaya mas lumapit pa ako para sumilip.

"I have no time for this, Kagame. Why don't you bother Eros, siya naman talaga ang gusto mo hindi ba?" Kakaibang tusok sa puso ang naramdaman ko ng marinig ko ang pait sa boses ni Kairo.

"Don't tell me you're jealous?" Inangkla nito ang braso sa leeg ni Kairo bago dumapo sa'kin ang tingin nito, napaatras ako dahil dito.

Nakita niya ba ako?

"Come on, Kairo you're jealous?" hindi makapaniwalang sabi nito kaya lalo akong natuod sa kinatatayuan ko.

Pansamantala pa akong nanatili, marahil dahil nakukulangan pa ang puso ko sa kirot na nararamdaman. Pero napahinto ako dahil muling tumingin sa'kin ang babae at ngayon ay ngumisi ito.

Now, I'm sure, she saw me.

Bago pa si Kairo ang makakita sa'kin ay mabilis na akong tumalikod at naglakad palayo.

So much for expecting that he wanted to see me, yon pala ay may ibang kasama.

Napangisi ako ng mapait bago magpasyang pumunta sa kakahuyan, sa huli, sarili ko lang ang dapat asahan ko. Walang mangyayari kung dedepende ako sa iba.

"Aquarius." I summoned.

. . . . . .

Sorry hindi ako nakapag update kagabi sobrang pagod ko masyado akong ginabi kaya ngayon ako bumawi hope you like it guuuys. Namiss ko kayo.

Happy 1st month sa Enigma! Happy 10k reads din HAHAHAHA THANK YOU SA INYONG LAHAT.

May I know ilan yung interesado na sumali sa activity na gagawin ko? Kasi kahit gusto ko ituloy, kung konti lang sasali baka di ko magawa kasi baka kailangan ng atleast 10 participants haha pero walang pilitan po to hahaha.😂😂

Fb: Alex Lyndon
Twitter/ IG: allayxzanFR
.

. .

Hiii kagameei this chapter is for you, since isa yung mga comment mo sa nagpapatawa sa'kin binigyan kita ng cameon with your ex husband iisipin ko pa kung meron din kay Eros HAHAHAHAHA.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now