Level 60

4.1K 199 110
                                    

"Befriend Kairo, tangina 'yon ang pinaka mahirap sa lahat!" Inis kong hinagis ang cellphone ko sa gilid ng kama ko pero nagulat ako ng lumutang ito pabalik sa'kin.

Wtf?

"You want to know my ability, here's a hint." Nagulat ako ng may biglang magsalita at kilalang kilala ko ang boses na 'yon.

"The fuck, Mystic?!" Halos sigawan ko siya dahil ginulat niya ako, malakas lang siyang tumawa.

"Hahaha, we have your door keys,  remember? At bakit sira ang pinto ng kwarto mo?" Napahinto ako sa ginawa niya. Hearing her laugh like this seems new to me simula kasi ng sumali kami sa larong ito ngayon nalang ulit kami nakapag usap ng ganito.

And her laugh, it was true, walang halong pagtatago. And my door, hindi ko pa din kasi napapaayos simula noong sapilitang sinira ni Kairo.

"W-What?" Biglang sumeryoso ang mukha nito ng nakita akong nakatingin sa kanya.

"I miss you." Naramdaman ko ang paninigas niya ng niyakap ko siya, it's true I miss the old us.

"A-Ano ka ba, hahaha 'wag ka ngang mag drama!" natatawang sabi nito at bahagya akong tinulak ng pabiro.

"Epal to, nagdadrama yung tao eh!" Natatawa kong sabi sabay hampas dito.

"Grabe ka! hahahaha. Pero ano yung narinig ko kanina, Kairo's your task?" Kunot noong tanong nito, may pataas baba pa ito ng kilay na tila nangaasar.

Napanguso ako, somehow, I'm fine with this, kung ano man ang tinatago nila naniniwala ako, at magtitiwala ako sa kanila. And when the right time comes, I'll try to understand everything.

"Yeah, he is." tipid kong sabi dito.

"Oh, anong mahirap don?" takang tanong niya.

"Ayaw niya na akong makausap, ni ayaw niya akong makita." pagmamaktol ko pero nginisian lang ako ng kaibigan ko.

"Miss mo? Want me to talk to him, and tell him how much you miswgjdjkf." Mabilis kong tinakpan ang bibig nito para hindi niya na ituloy ang sasabihin niya, nakakahiya!

"Ano ka ba?! Tayo lang naman ang tao dito." Tumatawang sabi nito.

"J-Just shut up." Ramdam ko na ngayon ang pamumula ng pisngi ko sa hiya.

I never had a crush, at kung meron man akong hinangaan, hindi ko ito nasasabi sa kanila kasi alam kong ganito ang magiging reaksyon nila, they will shamelessly tell the guy what I feel! Ganyan sila mag mahal! It happened, kay Nico sinigaw ni Mystic kay Karius na crush siya nito, I can still remember how many days she ignored Mystic for that, at ang gaga tawa lang ng tawa.

My, I miss the old times.

"Oh my gosh, so crush mo nga? Hala! hala!" parang siraulo itong nagsisigaw sa loob ng kwarto ko.

"Mikaella Mystic!" Lalong lumakas ang tawa niya ng bangitin ko ang buong pangalan niya. She's good at this; pissing me off.

"Okay, don't worry I won't tell anyone." Sabi nito at umakto pang sinara ang bibig niya.

"Hoy, hoy ano 'yan?" Halos dumagungdong sa loob ng kwarto ko ang matinis na boses ni Nico.

Oh my, they're here too! Pati si Ann, nginitian niya lang ako ng mapatingin ako sa gawi nila si Nico naman ang nanghahaba na ang nguso.

"Mystic, maduga ka ang usapan sabay sabay tayo!" Maktol ni Nico.

"I want a grand entrance, kaya nauna na ako, ang tagal niyo e."

"Traffic kaya!" Sagot ni Nico.

Napangiti ako sa nakikita ko, ganito kami dati e. Nakakamiss.

"Ann, sama ka sa'min mag training ha panoodin mo kami." Inayos nito ang nalalaglag na salamin bago tumango ng nakangiti.

"Obvious ba, kaya nga siya kasama." Natatawang sabi ni Nico kaya inirapan ko lang siya.

"So, ano na magmamall tayo?" Tanong ni Nico kaya malakas siyang binatukan ni Mystic.

"Training nga diba?" masungit na sabi ni Mystic.

"Hahaha sorry na, baka lang makalusot." Sabi nito habang hinihimas ang ulo.

"Alright, tara na!" Masaya kong anyaya sa kanila.

"Guess what, we brought the boys, they're waiting outside." Masayang sabi ni Nico kaya naramdaman ko ang kakaibang kaba sa puso ko.

"Sino-sino?" Malabong kasama siya diba, wala naman kaming ka-close na lalaki pero sigurado akong kasama sa game ang tinutukoy nila, can it be, Karius?

Magkasama kasi sila ni Nico nung isang araw.. Close sila, kasali si Karius?

Nasagot lang ang tanong ko ng matagpuan ang tatlong lalaking nakatayo sa lobby kung nasaan ang condo ko.

"Hi Levi." Ang makisig na mukha ni Eros ang bumungad sa'kin.

Wearing a simple white v-neck partnered with a jeans, he looks so hot even with that simple attire.

Umikot ang paningin ko sa dalawang lalaki pang nandito, si Karius ay walang ganang sumasagot sa tinatanong sa kanya ng staff ng condo, walang hiyang kinikilig naman ang babae kahit hindi man lang siya ginagawaran ng sulyap ni Karius.

While the other one is.... Sue. Okay, I didn't expect him to be here.

Bakit Levi, sino ba ang gusto mong makita?

"Let's go?" Aya sa'kin ni Eros na ngayon ko lang ulit napansin na nasa tabi ko na pala.

"T-Tayo lang?" Wala sa sarili kong sabi.

"Expecting someone, huh?" mapait na sabi nito kaya napayuko ako.

You fool, talaga lang huh? Tinanong mo pa.

"Dont worry he might be there." Malamig niyang sabi kaya iba nalang ang tahip ng puso ko nang marinig ang sinabi niya.

He might be there! 'Yon lang ang nasa isip ko habang naglalakad kami palabas ng building.

Ngayon palang ginaganahan na akong mag ensayo I wonder if I can copy his power too? That's too cool!

But we stop mid-way when someone, I mean a group of men popped out of no where.

××××

Okay, mahaba haba to ah. Mamaya ko ipopost yung next level. May pa bonding si Mayora kaso may kulang hahahaha. Miss niyo na din ba si Kairo?

What can you say about my update, if you were on Levi's position what would you feel, ngayong makakasama mo silang lahat, magiging masaya ka  nalang ba o magtataka?

And one more, if you'll be given a chance to choose a ability, what would it be, at anong gusto mong role sa storya, enemy or a foe?

P.S. Pag may nagustuhan akong sagot baka lagyan ko ng cameo dito.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now