Level 96

2.8K 149 101
                                    

"I keep on hearing your thoughts, lady. Stop it. You cannot be attracted to me," Nagulat ako ng may biglang magsalita sa utak ko.

Nahihiya akong luminga-linga sa paligid. It was only Kairo and the blue haired guy. Is it possible that..

Nakakahiya!

"Yes, it's me." Gulat akong napatingin sa kanya pero seryoso lang itong nakatingin sa harapan, kung hindi lang siya nagsalita ulit ay hindi ako maniniwala.

"Don't be shy, it's not like you're the first person who drool over me." Hindi ko alam kung maaasar ba ako o lalong mahihiya sa sinabi niya.

"Just stop staring, I still want to live." Muling pagsasalita nito na ikinakunot ng noo ko.

"H-Huh?"

"Ang manhid mo." Nakita ko ang pag iling niya bago pasadahan ako ng tingin at pag katapos ay kay Kairo.

"What?" Masungit na sabi ni Kairo ng tignan ko siya.

"Oopps. Wrong move lady. Looks like the mad man is jealous." Muling sabi ng lalaking may asul na buhok.

Si Kairo nagseselos? Imposible.

"Stop calling me by my hair. I have a name, it's Wave."  Wave?

I heard that before... May lalaking kumausap din sa akin noong simula ng laro.

"Uh-huh. Wave, at your service."

"It's y-you!" Nagugulantang kong saad.

"Stop it, you two." Nagulat ako ng biglang magsalita si Kairo.

"H-Huh?" We are talking using telepathy. Malabo naman na naririnig niya diba?

"We're just obvious, you keep on staring at me."

"Chill, Kai. Hindi kami talo." Mapag asar na sabi ni Wave na nagboses babae pa.

"Tss." Tanging sabi ni Kairo na lalong nagpatawa kay Wave.

"Alam mo namang ikaw ang gusto ko." Ngayon ay ako ang napahagalpak sa tawa ng iangkla niya ang braso kay Kairo.

He's pissed. More like irritated.

"What the fuck, Kai!" Napasigaw si Wave ng tumalsik ito ng bahagya dahil sa ginawa ni Kairo.

I almost forgot, he's a element manipulator. Nasanay akong puro apoy lang ang gamit niya.

Of course, he's also capable of using that element.

"Do it again, I won't think twice to burn you with my flames when we get out of here." Tagis bagang na sabi nito.

"Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig." Nakangusong bulong ni Wave.

"What?" Iritadong asik ni Kairo, namumula ang tenga.

"Lalayo na po sir. I mean, hindi na mamaulit." Sabi nito habang pinipigil ang tawa.

May pag ka siraulo din pala itong lalaking 'to. Gwapo sana. What the fuck Levi?

"I can hear you still." Napairap ako sa hangin ng marinig nanaman ang boses niya sa ulo ko.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa kinaroroonan ng ibang players. Sa lugar kung saan kami nagsimula kanina.

"Thank God, you're safe." Mabilisan akong niyakap nila Nico bago ako harapin ng may pag aalala sa mukha.

"The time is up, hindi natin natapos yung game." She said, as she looked at the people behind me.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now