Level 87

3K 175 92
                                    

"Kamusta na siya?"

"Still unconscious."

"Isang oras nalang ang natitira, isang grupo na ang nakatapos, are we just staying here?"

"Mauna ka kung gusto mo, Athena."

"Chill, Mystic. I'm just being realistic, you see, anong mangyayari sa'tin kung tayo ang matalo sa level na ito?"

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa paligid.

"Mauna na kayo, kuya. We are not leaving her." Rinig kong sabi ni Karius.

"And who said I will?" Pagalit na sabi ni Kairo.

Ayoko pa sanang dumilat dahil masakit pa ang ulo ko pero napagtanto ko na nasa game nga pala kami, at limitado ang ibinigay na oras sa'min para tapusin ang level na ito.

"N-Nasaan tayo?" Nakita kong halos mah lapitan sila ng magsalita ako.

"Thank God, lex. Kamusta na?" Nag aalalang mukha ni Nico ang bumungad sa'kin.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid bago sumagot, "I'm fine." mukhang nasa tagong parte kami ng gubat kung hindi ako nagkakamali ay kweba itong pinuntahan namin.

"Thank God, masyadong paimportante." Sarkastikong saad ni Kagame.

"Enough of that," Pag suway ni Eros dito dahilan ng pag lambot ng mukha niya. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang gulat niya sa ginawang pag pansin ni Eros sa kanya at ang paninitig niya dito.

Totoo kayang si Eros ang gusto nito? I knew that stare, It mirrored my eyes when I look at him.

"How are you?" nawala ang paningin ko sa dalawa ng hawakan ni Kairo ang kamay ko.

Sa ginawa niya ay tila nawala nanaman ako sa wisyo pero agad din akong nagpatinag doon ng masulyapan si Mystic at Sue sa gilid.

"Kamusta si Mystic?" Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko pero agad din napapikit ng maramdaman ang sakit ng katawan isabay pa ang pag pitik ng ulo ko.

"She's fine, huwag ka munang gumalaw." Sinubukan akong alalayan paupo muli ni Kairo pero tinanggihan ko siya.

Pinilit ko tumayo para lumapit kay Mystic.

"Lex." Bungad nito ng pumunta ako sa harapan niya.

"Ayos ka na?" Nagtataka kong tanong dito. May bakas pa din ng dugo ang kasuotan niya pero ang mga sugat na natamo ay tila duming nahugasan sa pag kawala nito.

"H-How?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"A good friend healed me." Nakangiti niyang saad.

"Sino?" Kunot noo kong tanong dito dahil wala naman akong maalala na may kilala kaming may healing ability.

"You knew her so well." Mag tatanong pa sana ako pero hinila na ako ni Athena.

"Tara na Lex, baka mahuli pa tayo."

"She just woke up, game lang ba talaga ang mahalaga sayo? I thought you're her friend?" Kumunot ang noo sa biglang pagiging sarkastiko ni Mystic dito, parang may kung anong namagitan sa kanila ni Athena sa simpleng pagtititigan na ginawa nila.

"Anong alam mo sa salitang kaibigan?" Mapait na tanong ni Athena na nagpahinto kay Mystic.

"Let's go Lex, here, let me help you." Sabi nito at dinaluhan ako upang maglakad pabalik kila Karius.

Nahiirapan man ay sinunod ko siya. siguro ay natatakot lang din siya sa pwedeng gawin ng game sa amin kung sakaling kami ang matalo sa level na ito. Somehow, I understand her sudden move.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now