Chapter 2

292K 12.7K 3.5K
                                    

Chapter 2


BAKIT kaya ang pula ng mga labi niya? Siguro kasi hindi siya naninigarilyo? O dahil may lahi siya? Kasi green ang mga mata niya, malamang na anak siya ng foreigner. Pero bakit nasa kalye siya?


Bakit kailangan niyang makitira sa tropa niya? Di ba dapat kung anak ka ng foreigner ay mayaman ka? O kaya naman kahit paano ay may suporta ka mula sa bansa na pinanggalingan ng kung sino man sa magulang mo na banyaga?


Ang dami kong tanong.


Pero nililibang ko lang talaga ang sarili ko. Ayoko kasing maalala iyong nakita ko sa eskinita nong nakaraang linggo. Hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa isiping katulad din pala siya ng ibang batang kalye, nagbebenta ng laman.


"Pero sabi niya may dahilan siya kaya niya ginawa iyon?"


"Huy, Purita!"


Nang tingnan ko si Maricel ay nakangisi siya sa akin. Kaming dalawa lang dito sa may lumang fountain, katatapos lang namin magtinda ng sampaguita.


"Anong sinasabi mo diyan? Nagsasalita kang mag-isa, aning-aning ka na ba?"


"Ha?"


"Nong nakaraan ka pa ganyan, ah!" Pinitik niya ako sa noo. "Kung di ka tulala, nagsasalita kang mag-isa. Kahit nga sa pagtitinda ng sampaguita ay tulala ka."


"May iniisip lang kasi ako..." nakatungong sagot ko.


"Weh? In lab ka ano?"


"Uy, ano ka ba!"


"O bat namumula ka?" Tumawa si Maricel. "Akalain mo, kahit maitim ka, namumula ka rin pala!"


"Nagsalita ang di maitim!"


Niyakap ako ni Maricel. "Kaya nga mas lab kita kesa kay Osang, tayo kasi ang magkakulay!"


Napahagikhik ako. Gumanti ako ng yakap sa kanya.


"Wag kang maingay kay Osang, ah?" sabi pa niya. "Baka magselos!"


"Naku, wag siyang magselos! Tayo ang dapat magselos sa kanya kasi mas maganda siya kesa sa ating dalawa!"


Umikot ang bilog sa mga mata ni Maricel. "Ay diyan ako hindi makakapayag! Mas maitim lang ako sa kanya, pero may maganda ako!"


Nagkakatawanang nag-apir kami. Nang maglakad kami ni Maricel papunta sa gate ng simbahan ay naroon na si Osang. Ubos na rin ang paninda nitong sampaguita. Nakangiti siya habang kumakaway sa amin.


Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit sa tuwing nakikita ko siya. Kahit kasi pare-pareho kaming laking kalye ay di hamak talaga na mas maganda siya kesa sa amin ni Maricel.

His Bad WaysWhere stories live. Discover now