Chapter 5

272K 12.1K 5.7K
                                    

Chapter 5


HINDi ko alam kung paano ako kikilos na hindi nahahalatang nagpapa-cute ako. Ayaw ko rin namang masyang OA at baka mahalata niya na ako.


Ayoko namang sabihin niyang ang landi ko. Kahit iyon talaga ang totoo.


E bakit naman kasi kahit madilim ay ang pogi niya? Bakit kahit ang layo niya mukhang ang bango-bango niya? Bakit kahit hindi sa akin nakatingin ang berde niyang mga mata ay pakiramdam ko ako lang ang nakikita niya?


Bahagya akong tumagilid. Lumang asul na t-shirt na may mukha ni Mayor Lito Atienza ang suot ko at saka maiksing shorts na maong. Minana ko itong lumang short shorts na ito sa pinsan kong si Laarni. Lumuwag na kasi sa kanya ang short na ito dahil sa di malamang kadahilanan ay biglang naging flat ang puwit ng babae.


"Huy!" Siniko ako ni Maricel.


"A-ano ba?"


"Bat namimilipit ka diyan?"


"Ha?"


"Sabi ko, bat namimilipit ka diyan! Para kang naiihi."


"Hindi naman, ah!" Lumabi ako. Katabi ko siya rito sa tapat ng simbahan.


At nasa tapat lang ng kalsada ang tropahan ni X, at syempre naroon din si X. Nakatambay sila ron. Lagi-lagi naman silang naroon. Ayokong isipin na dahil inaabangan ni X si Osang, ayoko nang magselos ng walang dahilan.


Wow! May karapatang magselos? Pang-aasar sa akin ng guardian devil ko.


Meron. Niyaya na ng kasal, so ibig sabihin, committed na! Rebut ng guardian angel ko.


Napangisi ako. Baka ako talaga ang sadya ni X dito tuwing gabi. E di ba nga binabantayan niya ako? Iniingatan niya kasi ako. Ang ganda-ganda ko! Hindi nasayang ang paglalabas ko ng mga hita sa short shorts ko!


"Oy, Purita, bat nga pala naka-pokpok short ka diyan?"


Inis na nilingon ko si Maricel. Panira talaga 'tong babaeng 'to ng kaligayahan. "Hoy, Maricel! Anong pok-pok ang sinasabi mo diyan?! Baka pek-pek shorts!"


"Ang bastos ng bunganga mo, Purita!"


"Mas gusto ko ng pek-pek kesa pok-pok!" Inirapan ko siya. Ew, ano ako si Babylyn?


Kahit malandi ako, si X lang ang gusto kong landiin, noh!


"Mas gusto ko ng maging bastos kesa malandi. Hmp!"


"Pag pokpok, malandi agad?" Pinamewangan niya ako. "Hindi ba pwedeng mahigpit lang ang pangangailangan nila kaya nagdesisyon silang magbenta ng puri nila?"


Iyon na nga ang hindi ko maunawaan. Dapat pokpok ang binibili ang puri, at hindi dapat pokpok ang bumibili ng puri. Kaya palaisipan kung bakit binayaran ni Babylyn si X don sa eskinita?

His Bad WaysWhere stories live. Discover now