Chapter 3

261K 14.1K 6.7K
                                    

Chapter 3


NGINITIAN NIYA AKO! 


Hindi mapalis-palis ang pagkakangiti ko habang isinisilid sa plastic na baunan ang galunggong at kanin na babaunin ng tiyo ko sa trabaho.


"Ang saya-saya natin, ah!"


Nginitian ko si Tiyo Miguel. "Hindi naman, Tiyong. Sige po, pasok na kayo. Mag-ingat po kayo." Inabot ko sa kanya ang baon niya.


"Mag-iingat ka rin, Rita!" Hinagkan niya ako sa noo saka siya lumabas ng pinto.


Linggo ngayon pero may pasok pa rin sa construction si Tiyo Miguel. Ang Tiya Jingjing ko naman at mga pinsan ay nasa palengke ngayon at namimili ng pang Christmas party. E ano ngayon kung may a-attend-an silang Christmas party sa baranggay? Hindi ako naiinggit sa kanila. Masyado akong masaya ngayon para makaramdam ng kahit anong inggit.


Namimilipit na naupo ako sa lumang stool. Kahapon ay isang daang rason lang ang meron ako para umasa. Ngayon ay dalawang daan na!


"Eeee!" impit akong tumili habang napapa-padyak pa.


Magkakaanak ako ng green eyes! Malalahian ako ng foreigner! May forever!


"Ako na sabi, kaya ko naman, e!"


Natigilan ako sa pag-harot ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Osang. Sumilip ako sa bintana at doon ay nakita siyang nakatayo sa tapat ng poso na nasa gilid ng bahay namin. Hindi ko na sana siya papansinin kung di lang sa nakita kong lalaki na nasa harapan niya, sa lalaki ang nagbobomba para sa kanya.


"Ako na sabi. Kaya ko naman magbomba, e..." Nakalabi si Osang habang pinapanood ang walang kibong lalaki habang ipinag-iigib siya nito.


Para akong tinarakan ng matalas na kutsilyo sa dibdib at iglap na gumuho ang mga pangarap ko ng makilala ko kung sino ang lalaking iyon. Katulad kagabi ay nakasuot pa rin ito ng itim na sombrelo.


Anong ginagawa niya?! Nakaramdam ako ng ibayong inggit at selos kahit pa hindi ko gusto. Kusang namayani ang galit sa katauhan ko. Pakiramdam ko ay niloko ako.


Hindi ko maintindihan... ako ba talaga ang gusto niya o ang kaibigan ko?


Paano ang dalawang daang rason para umasa ako?


O baka naman mabait lang siya sa akin dahil kaibigan ko si Osang? Baka nagpapalakas lang siya sa akin dahil hindi naman talaga ako ang gusto niya kundi ang kaibigan ko pala?


Malungkot na isinara ko na lang ang kurtina. Lahat ng saya na nararamdaman ko kanina ay inilipad na sa bintana. Nag-init ang mga mata at nanlabo ang paningin ko.


Nang kumurap ako ay saka ko lang na-realize na lumuluha na pala ako.


...


HINDI ko kinikibo si Osang sa buong oras na magkakasama kaming magkakaibigan sa pagtitinda ng sampaguita. Malungkot na lumayo si Osang sa amin ni Maricel. Siguro ay naramdaman nito ang kalamigan ko sa kanya.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon